Monday, April 22, 2013

Chapter 2


Chapter 2

Medyo nakaget over na ako dun sa scene na nakita ko kahapon. Pero dapat hindi ko  dapat sanayin ang sarili ko, si Alex? Maglulugay? Nah! Milagro lang yun. Tomboy yun eh. Mas lalake pa ata sa akin yun minsan.

Pumasok na ako sa klase ko tapos medyo nakinig sa mga prof ko. The day goes on, natapos na ang lahat ng klase ko kaya nag skateboard muna ako.

Hindi gaya ng kahapon, si Alex ang nauna sa akin sa skating ring. Nag s-skate na siya dun. Sinubukan niyang tumambling kasama yung skateboard niya.

“oy! Hinay-hinay lang. mapipilayan ka sige” sabi ko nung nasalo ko siya. Hindi kasi maayos yung pagkakatalon niya kaya na out of balance siya. Delikado pa naman doon, kasi malapit siyang mag landing sa mga bakal.

“aahhhh…. Ano…” binitawan ko naman agad nun si Alex. Pati ako nahiya sa posisyon namin.

Yung posisyon kasi namin, nasa likod niya ako tapos yakap-yakap ko yung tiyan niya. Basta ganun.

“mag-ingat kana sa sunod” sabi ko… tumango lang siya nun, tapos pinulot yung skateboard niya.

“oy! Mukhang may namumuong lovebirds dito ah” napalingon naman kami kung saan nanggaling yung boses.

Nakita kong kumunot ang noo ni Alex. Siguro dahil, pinagsabihan kami na mukha kaming mga lovebirds. At tsaka, siguro dahil kalaban na niya itong lalake sa harapan namin. Well, ako din naman. Hindi ko gusto ang lalakeng ito.

“Hoy! Pedro! Anong ginagawa mo dito?” uhmmm… hindi po Pedro ang pangalan ng lalake na nasa harapan namin, kundi PETER.

Isa siya sa mga leader sa mga gang sa school namin. Ang daming angas sa katawan nitong lalakeng to.

Balita ko, sinuntok siya nitong si Alex. Kaya ayun ang laki na ng galit nila sa isa’t isa.

“Alexis… hanggang ngayon yan pa rin ang tawag mo sa akin?” tinaas ni Peter ang kilay niya tapos medyo lumapit kay Alex.

Bumuo ng fist si Alex, naiinis kasi siya pag tinatawag siyang Alexis ni Peter. Ewan ko ba diyan sa kanila.

“ano bang kailangan mo sa akin? Ha?!” mukhang hindi na nakapagtimpi itong si Alex kasi hinigit na niya si Peter tapos hinawakan sa kwelyo.

“edi siyempre, ano pa ba ang gagawin ko dito? Edi hinahamon ka ng away” sabi ni Peter, tapos tinulak ng malakas si Alex.

“hoy! Peter, huwag ka ngang ganyan. Babae pa rin yan kahit anong gawin mo” sabat ko naman sa usapan nila.

Napalingon naman sa akin nun si Peter, tapos kumunot ang noo niya. Pati rin akin.

“ah ganon? Ano ba kayo? Girlfriend mo na ba itong si Alex at pinagtatanggol mo” inemphasize talaga ni Peter yung girlfriend na word.

“o edi, tayo nalang.” Akmang susuntukin na ako ni Peter.

“ako ang kalaban mo. Kaya pwede ba… huwag na huwag mo akong tatalikuran” sinalo ni Alex yung suntok ni Peter tapos pinilipit ang mga kamay niya.

“ano na naman ba ang ginawa ko ha?” sabi ni Alex, tapos binitawan niya si Peter.

“eh balita ko sinuntok mo daw yung isa kong kasama kahapon” sabi ni Peter.

“eh paharang-harang sa dinadaanan ko eh. Problema mo?” sabi naman ni Alex.

“problema ko? Siyempre kapatid ko yun, kaya wala kang karapatan na suntukin siya” mas nananaig pa rin ang brotherhood kay Peter kahit papano. Isa naman yun sa mga traits na medyo gusto ko sa kanya.

Sinuntok ni Peter si Alex, pero nakailag si Alex. Kaya si Alex yung sumuntok at napatumba si Peter sa lupa.

“wala akong pakialam. At huwag mo na nga akong pakialaman, nabubuwisit lang ako” sabi ni Alex at tsaka, pinulot muli ang skateboard niya.

Lumapit naman sa akin si Alex habang nakakunot ang noo niya. Nagulat nalang ako nung sinuntok niya ako. Problema nito?

“alam kong babae ako, pero kaya kong ipagtanggol ang sarili ko. Kaya huwag kang maki-alam kung may away ako. Pwede?” sabi niya tapos umalis na siya ng tuluyan.

Tiningnan ko naman nun si Peter kasi tumatawa siya sa akin. Binigyan ko naman siya ng ‘huh?’ look.

“anong tinatawa-tawa mo diyan?” sabi ko sa kanya.

“wala lang. Para ka kasing tanga kanina. Hinayaan mo lang siyang sumuntok sayo. Adik ka ba?” tumatawa pa rin siya, pero pinipigilan nalang niya.

“bago mo ako pagsalitaan ng ganya, tingnan mo muna ang sarili mo. Ikaw nga tong napabagsak ng dahil sa kanya eh” tumayo naman siya nun tapos pinagpag ang sarili niya.

“*sigh* sanay na ako”

“bakit ba ang laki ng galit mo kay Alex?” tanong ko sa kanya

“hindi mamumuo ang galit kung hindi mo mahal ang isang tao” sabi niya tapos umalis na siya. Anong ibig sabihin niya dun?

Maluwang na siguro ang turnilyo sa utak nun.

----

“Alex, sorry na kasi”

“pwede ba, umalis ka na nga. Iniistorbo mo ako eh” mabilis pa rin ang paglalakad niya pero nasasabayan ko naman.

“hindi na kita kukulitin, kung papatawarin mo na ako. Alam kong mali ko, ok? Kaya patawarin mo na ako” sabi ko sa kanya habang hinarangan ang dinadaanan niya.

“uuyy… ano yan? LQ?” napalingon naman kami sa mga kasamahan namin.

“gusto niyo na bang mamatay ha?” lumapit si Alex sa kanila, tapos nagbuo ng fist sa harapan ng mukha nila.

Napa-atras naman sila nun. Tapos umiling-iling. Todo-todo na kasi ang galit ni Alex eh. Meron siguro to, kaya kung magalit wagas.

“Alex! Sorry na kasi!”

“ewan ko sa inyo! Bwisit!” umalis na si Alex nun.

“Alex!” hindi ko na siya hinabol nun. Kasi feel ko kailangan niyang mapag-isa.

“kayo kasi eh! Alam niyo naman hindi kami talo.” Tinapunan ko naman sila ng bag ko. Mabuti nalang nasalo nila.

“ano bang problema nun?” tanong ni Gerry sa akin, habang binabalik sa akin yung bag ko.

“yan! Yang ginagawa niyo. Tinutukso niyo kami sa isa’t isa.” Sabi ko.

“yun lang? mukhang mas malaki pa ang ikinagagalit niya eh” sabi naman ni Dexter

“eh, nagalit siya kasi sinabi ko na babae siya” tumawa naman sila nun.

“yun lang? totoo naman na babae siya eh. Nag-aasta lang lalake. Pero ganyan lang siguro ang mga tomboy. Ikaw talaga ang may kasalanan” inakbayan naman ako ni Gerry.

“ayos lang yan bro!” tumango naman ako nun.


-----


“yan! Ang napapala ng mga taong gaya mo!” kalabog na naman. May nag-aaway ba?

Pinuntahan ko naman kung nasan nanggagaling yung mga tunog. Kumaliwa ako kasi dun yun nanggagaling eh.


*bogsh*

Kalabog na naman, tapos may narinig ako na may napa-ungol sa sakit.

Mas binilisan ko pa yung lakad ko kasi masama na nato. Mas tumindi pa yung kalabog at yung ungol. Meron rin akong naririnig na mga lalake na tumatawa.

Napunta ako sa isang classroom na serado ang pinto, pati rin ang mga bintana.

“akala mo kung sino ka!” itong bagay sayo!

Binuksan ko yung pintuan.

Tapos nakita ko nalang si Alex hinahawakan ng dalawang lalake tapos sinusuntok nung isa pang lalake.

May iba naman na may dalang pamalo.

“ano bang ginagawa niyo?!” napalingon ako sa gilid ko, nakita ko naman si Peter.




-to be continued-

No comments:

Post a Comment