Chapter 10:
Nadeskubrihan ni Juri na nagsisinungaling sa kanya ang kanyang Ina.
May narinig siyang pumasok sa pintuan ng knailang bahay. Agad niyang sinalubong iyon. Tama ang hinala niya. Ang kanyang Ina ang pumasok doon.
“Ma! Why did you did this?!” sigaw niya sa sarili niyang Ina.
“ang alin?” nagtataka ang kanyang Ina sa pinagsasabi niya at nanlalaki rin ang mga nito.
“ You’ve lied to me!” ipinakita ni Juri ang mga diary niya sa kanyang Ina.
“ s-saan mo nakuha iyan?” utal na sabi ni Go.
“ Ba’t mo itinago sa akin ang lahat? Ano bang ginawa ko para gawin mo ‘to sa akin?”
Ipinaliwaanag ni Go kung ano ang tunay na kundesiyon ng anak. Dahil sa kanyang nalaman, nawalan ng lakas si Juri, bigla siyang napaluhod at tumulo ang mga luha.
“i-ibig mong sabihin.. maari akong mamatay pag bumalik sa akin ang lahat-lahat ng mga ala-ala ko?”
Tumango naman ang kanyang Ina at nilapitan siya at niyakap.
“ayoko.. ayoko..” hagulgol ni Juri. Sinubukan ni Juri na tumayo.
“Kung mamatay man ako, gusto ko nasa tabi ko ang lalakeng pinakamamahal ko” tumakbo si Juri papunta sa kanyang kwarto at kumuha ng mga gamit at kanyang passport.
“ anong ginagawa mo?” tanong ng kanyang Ina.
“ babalik ako sa tabi ng taong mahal ko. Hindi niyo ako mapipigilan.” Pagkatapos maayos ang lahat, lumabas na mula sa kanyang bahay si Juri at pumunta na sa airport.
Now she will go back to where she belongs; In the arms of Dave.
Nakababa na nang eroplano si Juri, agad niyang tinawagan si Mila.
“Hello, nasan si Dave ngayon? Ganun ba? salamat. Oo, I’ m here in Philippines.” Agad niyang ibinaba ang telepono at pumunta kung nasaan si Dave.
Habang bumabiyahe ang kanyang sinasakyan na taxi ay naramdaman niyang sumasakit na ang kanya ulo.
Hindi niya ito ininda, ang mahalaga lang kay Juri ngayon ay makita at mayakap si Dave.
Nakarating sa Juri sa harap ng kanilang building, nakita niya si Dave na may pasa sa pisngi at malapit sa mata.
Agad siyang bumaba mula sa sinasakyan.
“DAVE!!” Sigaw niya, agad naming lumingon si Dave sa dereksiyon niya, halatang nagulat ito na nandoon siya.
Agad na tumawid si Juri sa kalye, hindi niya namalayan na may paparating pala na sasakyan. Huli na ang lahat ng lingunin niya ito at makita.
“JURI!” sigaw ni Dave, nakita niyang nabangga na nang tuluyan si Juri. Agad niya itong nilapitan.
Nakita ni Dave na may dugong lumalabas sa mula sa ulo nito.
“DOC! Maawa na kayo, sagipin niyo ang buhay niya.” Hiling ni Dave sa doctor na umasikaso kay Juri, maya-maya inilagay na si Juri sa loob ng operating room at dumating naman din sila Mila at Allen sa hospital.
Hindi mapigilan ni Dave ang kanyang emosiyon kaya tumulo na ng lubusan ang kanyang mga luha.
Dinamayan naman siya agad ng kanyang mga kaibigan, hindi na alam ni Dave kung ano ang gagawin ngayon. Parang guguho na ang mundo niya, kapag mawawala ang babaeng pinaka-mamahal niya.
Lumipas na ang dalawang oras at wala pa ring balita kay Juri, hindi na sila mapakali. Maya-maya pa ay lumabas ang doctor na nag-opera kay Juri.
Agad nila itong nilapitan.
“Her life is save, pero hindi naming masu-sure kung ano ang kalagayan niya. We saw a problem in her brain, kailangan pa nating maghintay hangganag sa magising siya para makita ang resulta ng operasyon.” Ani ng doctor.
Medyo nakahinga ng maluwag sila Dave, pero hindi pa rin sila lubusang nag-ko-kompansiya. Maari pa kasing may mangyari kay Juri sa mga sandalin iyon.
Kapagkuwan ay inilabas na ng mga nurses ang natutulog na si Juri, lalapitan sana ito nila Dave, pero pinagbawalan sila na lumapit dito.
Inilagay si Juri sa ICU, at nilagyan ng kung anu-anong mga makina sa katawan.
Pumasok si Dave na may suot-suot na hospital robe. Agad niyang hinawakan ang kamay ni Juri ng makalapit siya rito.
Napaluhod si Dave sa tabi ni Juri at umiyak.
“Juri, please mabuhay ka. Lumaban ka, kayanin mo yan.” Pinahiran ni Dave ang kanyang mga luha., at may kinuha ang keychain na bigay sa kanya ni Juri noong high school pa sila.
“ di ba ang ibig-sabihin ng keychain na ‘to ay never lose hope. Kaya hindi ako mawalan ng pag-asa. Kaya dapat… dapat..hindi ka rin mawalan ng lakas para mabuhay.” Tumulo ang luha ni Dave sa kamay ni Juri at lumabas na siya mula sa kwarto nito.
Paglabas niya nakita niya sila Mila at Allen na naka-abang sa kanya.
Lumapit sa kanya si Mila at hindi maipinta ang mukha nito.
“ Bumalik na ang ala-ala ni Juri, natagpuan niya ang mga diary niya at nang nabasa niya iyon. Unti-unti ng bumalik sa kanyang isip ang lahat na piang-daanan niya. Tinawagan ko na ang Ina niya. Sabi niya gagawin niya ang lahat para makapunta dito sa lalong madaling panahon.” Saad ni Mila.
“Ibig-sabihin dahil nabalik na ang mga ala-ala niya ay may chance na siyang mamatay”
Tumango naman si Mila. Naglabas si Dave ng isang malaking buntong hininga. He just prayed that it would not happen.
Dumating na sa ospital ang Ina ni Juri.
“Nasa’n ang anak ko?” naghehesterical na sabi niya.
“Nasa’n siya sabi eh.” Hindi na talaga mapakali si Go sa mga nangyayari.
“Tita..” ani ni Mila.
“ Nasa’n siya” lumuluha na si Go sa mga sandaling iyon.
“Nasa ICU po..” agad na sabi ni Mila. Ngunit hindi natuloy ang pagpasok ni Go sa loob ng kwarto dahil nakita niya si Dave.
“ikaw! Ikaw ang dahilan ng lahat na ito.. Kung hindi ka na sana niya nakilala.. hindi sana siya nagmahal, hindi sana siyang natutung sumuway. Hindi sana siya bumalik dito sa Pilipinas at nabangga! Dahil sa’yo maari na siyang mamatay! Alam mo ba iyon!” sigaw ni Go kay Dave, Yumuko lang si Dave at hinayaan ang Ina ni Juri na sapak-sapakin siya nito.
“Tita.. tama na please..” awat ni Mila sa kanya. Lahat ng tao na naroroon sa paligid nila ay nakatingin na rin sa kanila dahil sa ginawang eskandalo ni Go.
“ Hindi niyo dapat pinagbawalan si Juri, mayroon rin siyang buhay. Hindi siya nakagapos sa inyong mga kamay at wala kayong karapatan para kunan siya ng kalayaan na magmahal at I deskubre ang mundo” ani ni Allen na hindi na nakapag-timpi.
“ akal niyo, malinis kayon tao, at ang pinag-kakagawa niyo ay para sa ikabubuti ni Juri. Pwes! Mali kayo. Nakakasama lalo yun sa kanya. Siniraan niyo pa ang mga taong malapit sa kanya at gumawa pa kayo ng kasinungalingan na akala mo! Ikakabubuti iyon ni Juri!” patuloy sa paglitanya ni Allen.
Natahimik si Go, napagtanto niyang totoo ang mga sinabi sa kanya ni Allen. Nagpatuloy na lang siya sa pag-iyak at humagulgol.
“ Allen.. tama na yan please” awat uli ni Mila sa kanya. Binaling naman ni Allen ang atensiyon kay Dave. Nakita niyang tahimik lang ito at nangangalumbaba ang mga balikat.
“Ikaw naman Dave, hahayaan mo na lang ba na ganituhin ka niya” itinuro ni Dave si Go.
“ Hindi mahalaga sa akin kung ano ang ginawa niya sa akin, basta ang mahalaga lang ngayon ay mailigtas ang buhay ni Juri, iyon lang ay sapat na para sa akin.” Saad ni Dave sa isang nalulungkot na boses.
Pumasok na si Go sa loob ng kwarto ni Juri.Tumulo muli ang mga luha niya.
“anak… patawarin mo ako… patawarin mo ako sa ginawa kong kasalanan ko sa’yo” hagulgol ng kanyang Ina.
“Patawarin mo ako kung nagging manhid ako sa mga nararamdaman mo at hindi ko inalintana kung ano ang idinudulot nun sa’yo… Patawarin mo ako kung nagsinungaling man ako sa’yo. Hahayaan na talaga kitang mamuhay kasama ng lalakeng mahal mo. Basta’t patuloy ka lang na mamuhay” Pinahiran ni Go ang mga luha.
“Lumaban ka anak, paki-usap.. paki-usap”
Na-alimpungatan si Juri ng may narinig siyang umiiyak sa kanyang tabi at may mga sinasabi. Unti-unti niyang binuksan ang kanyang mga mata.
Nakita niya ang kanyang Ina na umiiyak, gusto sana niya yakapin ito, pero wala siyang lakas para gawin iyon.
Kaya sinubukan na lang niya na igalaw ang kanyang mga kamay at hawakan ang kanyang Ina.
Naramdaman ni Go na humawak sa kanyang balikat at nang makita niyang si Juri iyon ay agad niya itong nilapitan.
“ Juri!” nagulat si Go sa nakita. “ Doc!” agad naman niyang tinawag ang doctor dahil nga nagising na si Juri.
“ayos ka na ba anak?” nangingilid ang luha ng kanyang Ina ng makita ni Juri ito. Tumango na lang si Juri bilang sagot sa katanungan ni Go.
Maya-maya pa ay pumasok sa kwarto niya sila Dave, Mila at Allen. Laking tuwa ni Juri ng makita niya si Dave.
Lumapit agad ito sa kanya, at nag-simula nang tumulo ang mga luha niya. Agad na tumabi ang kanyang Ina at hinawakan ni Dave ang kanyang kamay.
“Juri, lumaban ka okay? Kaya mo to di ba?” saad ni Dave.
“D-dave..” mahinang sabi ni Juri.
“ Andito lang ako sa tabi mo, tandaan mo iyan Juri.” Kapagkuwan ay pumasok na ang doctor niya sa loob ng kwarto at ichi-nek ang vital signs niya.
Agad siyang inilipat ng kama para kuhanan ng mga test.
Hindi naman bumitaw si Dave sa kamay niya at sumunod kung saan man dinala ng mga doctor si Juri.
ISANG linggo na ang nakalipas nang nagkamalay-tao si Juri, medyo maayos-ayos na rin ang lagay niya at she gained energy from before.
Ngayon na rin lalabas ang resulta ng mga test niya. Sabi ng doctor, dahil daw may sakit si Juri sa utak hindi nila matitiyak ang kaligtasan nito.
“ Teka, huwag mong ilipat ang channel, nanonood ba ako ng Yuyu Hakushu” saad ni Juri.
“ ang tanda-tanda mo na nanonood ka pa rin ng mga animé.. tsk tsk tsk” ani naman ni Mila.
Napatawa na lang sina Dave at Allen.
Maya-maya pa ay pumasok ang doctor sa loob ng kwarto, at may dala-dala itong mga papel. Ibig-sabihin yun ang mga resulta sa kalagayan ni Juri.
“Dahil sa nangyaring aksidente, nabagok ang ulo ni Juri. And to our surprise natanggal nito ang dating sakit sa utak ng payente.” Nagulat ang lahat sa mga narinig.
“ibig-sabihin.. hindi na mawawala ang ala-ala ng anak ko tuwing ika-limang taon?” tumango ang doctor.
Nakahinga sila agad ng maluwag. It was a miracle, God made a miracle.
Hinagkan ni Dave si Juri at napatulo ang mga luha nila, ngayon hindi na sila mag-aalala pa kung ano pa ang maaring mangyari sa kinabukasan.
“I’m so happy for you, Juri”ani ng kanyang Ina.
“Thanks ma’.”
“BAKIT tayo nandito sa rooftop?” mag-iisang buwan na rin simula noong makalabas si Juri mula sa hospital, nasa itaas sila ng bahay ni Dave ng mga oras na yun.
Nasa pinaka-tok-tok na talaga sila ng bahay, at doon makikita na nila ang langit.
“ Wala lang, basta mag-intay lang tayo mga five minutes pa.” ani ni Dave.
“ bakit? Ano ba ang mangyayari?” tanong naman ni Juri.
“ just wait..” inakbayan ni Dave si Juri at tumanaw sa langit, gabi na noon kaya’t maraming bituin.
Napatingala na rin si Juri kahit na siya ay nagtataka.
“ What if kung, namatay ako..” kapagkuwan ay sabi ni Juri na nakatingala pa rin sa langit.
“ Hindi ako papayag.. because you are the only one I want, the one I love and the one that holds my life then and now” Pagkatapos iyon sabihin ni Dave ay bigla na lang nag meteor shower.
Nanlaki ang mga mata ni Juri sa tuwa, first time niyang makakita ng ganoon sa tanang buhay niya.
“ Ito ba yung sinasabi mong hintayin ko?” lumingon siya kay Dave, at nakita niyang tumango ito.
Tapos, humarap si Dave sa kanya at may dinukot na kung ano sa bulsa nito. Iyon pala ay iyong key chain na ibinigay niya dito noong nasa high school pa sila.
Nang tingnan niya iyong mabuti may iba pang nakasabit dito.
“Juri, simula pa noong nagkakilala tayo. Hanggang ngayon na ikaw ay nasa piling ko. Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko, noon, bukas—“
“at magpakailanman.” Dugtong ni Juri sa pinutol niyang salita ni Dave.
“ Will you—“
“yes!” sabi ulit ni Juri sa pinutol niyang salita kay Dave.
“naman! Patapusin mo ako..” parang bata na sabi nito.
“ no need, because. Kung tatanungin mo na papakasalan kita o hindi. My answer is ‘yes’ and nothing else. Dave Park, I am yours and you are mine forever, ‘till the end of time”
Niyakap nila ang isa’t isa at pinuno ng halik ang sensasiyong nagpapatunay na sila ay dapat sa isa’t isa.
True love waits ani nga nila, even if time goes by love will never be change. Even time will pass by fate will always find a way to make two hearts become one.
-Wakas-
_________________________________________________________________________
Salamat po sa pagbabasa netoh ^___________^
mabuti naman at napag tiyagaan niyo 'to at umabot kayo hanggang katapusan..
sana po patuloy niyo pong suportahan yung ibang stories ko.
MARAMING SALAMAT <3<3<3<3
No comments:
Post a Comment