Monday, December 03, 2012

Chapter 7 : Hinanap

May one time nun.


halos 1 week.


hindi ako naka-daan sa classroom nila.

hindi rin ako nagpakita sa kanya.

kasi nga busy ako masyado.

ang dami kong ginawa.

ang dami kasing contest at churva

eh may sinabi sa akin yung kaklase ko.


si Jolly.


sabi niya..


"UY!! RIO,  hinahanap ka ni John Priam"


wow!! ang galing naman, hinahanap niya ako.

"talaga??" hindi kasi ako makapaniwala eh.

Sila Jolly pala at Priam ay magkapitbahay.

kaya kay Jolly ko nalalaman bawat moves ni Priam.

ang dami kong mata noh?


hahaha

"oo sabi eh. kanina paglabas ko ng bahay. tinanong niya agad ako, sabi niya nasan ka daw"

siyempre ako naman todo kilig.


kaya ayun napatingin ako sa classroom nila.


sakto naman na,


OBVIOUS MASYADO na tinitingnan niya ako.

kasi may patayo-tayo effect pa siya, tapos yung mga kaklase niya, tinuturo ako.


hay!!

KILIG MASYADO.



"ayiiiiiiieeee" napaganyan naman yung mga kaklase ko.


AT DAHIL KINILIG AKO,


umalis agad ako sa pwesto ko, at pumunta kung saan hindi niya ako makikita.



BALIW KO TALAGA!!


==========


so umabot ng ilang weeks ulit.

palagi ko na siya tintingnan.at nagpapakita na ako sa kanya.


para di naman niya ako, hanapin ulit.


(assuming ako masyado)

haha.




then pauwi na ako nun.



hindi ko siya, nakita nung araw na yun.


hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya.

Then sasakay na sana ako ng sasakyan.


eh bigla akong namawis tapos kinabahan.

di ko alam kung anong nangyari sa akin.


basta yung instinct ko nalang pinalingon ako.


sa paglingon kong yun.

nakita ko si Priam.


di niya ako nakita.


kasi ang daming tao.


oo, sobrang daming tao.

tapos sa crowd na yun ang bilis ko siyang nahanap.

iba na talaga pag may nararamdaman ka sa isang tao.

di ko nga ineexpect nun na makita ko siya.


pero tadhana na ang gumawa ng paraan para makita ko siya.


ang lakas naman kasi ng radar ng puso ko eh.

bigla na lang kakabog pag nandiyan siya.

No comments:

Post a Comment