Chapter 6:
“ Aisheteru, Juri-chan. Please, be my girl” nag-sigawan lahat ng mga kaklase nito, siya naman naging isang statue. Hindi niya maigalaw ang anumang bahagi ng kanyang katawan. Bumilis ang pag-tibok sa puso ni Juri. Gusto niya maging panaginip na lang ang lahat. Tumayo si Daniel at hinawakan ang kamay nito. Nakakatitig sa mga mata niya si Daniel, parang matutunaw siya.
“ onegai [please]” masuyong sabi nito. Tumulo ang luha ni Juri, hindi rin niya alam kung bakit siya umiiyak. “ I will wait for your answer” biglang sabi nito. Nag-sigawan ulit ang mga kaklase nila. Hinalikan ni Daniel si Juri sa pisngi niya na naging dahilan ng mas matinding hiyawan.
“ACHOO!” humatsing bigla si Dave. Nasa isa siyang sinehan kasama ang mga kabarkada niya at isinama nila si Tina. Walang hiya talaga ang mga kaibigan niya, noong nasa pool pa sila nag-papakilala ang mga ito kay Tina. Tinuro pa nila na siya ang may pakana noon. Friendly naman si Tina kaya pumayag siya na makipag-kilala sa mga ito. Siyempre hindi siya nakaligtas, pinakilala rin sila sa isa’t isa. Nung nag-shake hands na sila, na-hiyawan naman ang mga kasama niya. Nakita niyang nag-blush ng kaunti si Tina. Simula noon, naging-close sila.
Tina de los Reyes pala ang totoong pangalan nito, isa siyang working student at HRM ang kinuha nitong course. Tatlo silang magkakapatid at si Tina ang panganay, kaya siya ang bread winner sa kanilang pamilya.
“ok ka lang ba?” tanong ni Tina, magkatabi lang sila ng upuan kaya narinig ni Tina ang paghatsing niya.
“oo, wala ‘to. Baka may naka-alala lang sa akin” sininghot ni Dave ang kanyang ilong at nag-patuloy sa panonood ng palabas.
After 3 years……
“EXCUSE me sir, may tumatawag po sa line 2” mahinang sabi ng sekretarya ni Dave. 22 years old na si Dave, at naging isa siyang successful business man. Pinatuloy ni Dave ang negosyo ng kanyang mga magulang. Gumadruate siya na may honors at kinikilala na siya ngayon sa bansa na isa sa mga ‘richest man’. Wala na ang mga piercing niya sa tenga, pero medyo bad boy pa rin ang image niya. Naka-formal na siya ng gupit at pati damit. Naging isa siyang engineer si Dave, at nagustuhan naman niya ang kanyang kalagayan ngayon.Everything has changed.
“ yes, Miss. Lazaro. Ganun ba? ikaw na ang bahala pumili ng karapat dapat na impleyado. I trust you. Thank you, bye.” Binaba na ni Dave ang kanyang telepono. Mag-reretire na kasi ang kanyang secretary, na si Mrs. Manguilamutan, kaya kailangan niya ng bago. Yung makakapag-tiwalaan, responsible at siyempre yung matalino, wala siyang paki-alam kung maganda ito o hindi. Hindi siya gaya ng ibang mga amo na maganda lang ang palaging gusto. Well, ibahin niyo siya.
Nag-patuloy na sa pagtatrabaho si Dave nang may biglang may bumukas sa kanyang pinto.
“ Babe…” ani ng boses ng isang babae. Tumayo si Dave at lumapit sa pinto.
“Tina? Di ba may trabaho ka? Ba’t nandito ka?” oo, naging sila ni Tina, the waitress whom Dave met at the resort.
“ day-off ko ngayon kaya, gusto kitang bisitahin.” Ani nito at ibinigay kay Dave ang dala nitong mga cake. Nag-mamanage na ngayon si Tina sa isang restaurant at umayos na rin ang buhay niya. Nag-sikap din ito sa pag-aaral para matulungan ang kanyang mga magulang.
“ ‘wag kang mag-aalala hindi kita didistorbohin.. dito lang ako manonood sa ‘yo” umupo si Tina sa isang sofa at bumasa ng isang magazine.
“ sure ka ba? baka ma-bore ka?” tanong ni Dave.
“ mas mabuti na ‘to, kaysa hindi kita makita.” Binasa niya ulit ang magazine, bumalik naman si Dave sa kanyang trabaho habang kinakain ang handa ni Tina na mga cake.
Sweet si Dave pag-dating kay Tina, pero medyo strikto siya kung trabaho na ang pinag-uusapan. Alam na rin ni Tina ang tungkol kay Juri, naiintindihan daw siya nito. Sabi pa niya na we live in the present not in the past. Halos 2 years na rin sila, 1 year and 7 months to be exact. Ang mga kaibigan naman ni Dave naging mga seryoso na rin ng kaunti dahil sa mga trabaho nila. PEOPLE CHANGE talaga ika nga nila.
Biglang nagpa-music si Tina sa kanyang cellphone, Wait for you by Elliott Yamin yung music. Naalala na naman ni Dave si Juri. Pero hanggang doon na lang yun, sa alaala na lang ang lahat.
“ DANIEL! Look at this. HYAKKU! [faster!]” sigaw ni Juri kay Daniel, nakabalik na sila ng Pilipinas last month, nakatapos na rin sila ng pag-aaral. Naka-tapos na sila ng pag-aaral kaya ngayon, humahanap na sila ng trabaho. One year na rin silang mag-on, naging sila dahil sa isang pangyayari.
May trabaho na si Daniel, vice-president siya ngayon sa kompanya na pag-aari ng kanyang pamilya. Siyempre ang presidente ay ang kanyang ama. Si Juri na lang ang walang trabaho sa kanilang dalawa, sabi naman ng mama ni Juri sa kanya, hindi pa raw niya ibibigay ang kompanya na pag-ari nito habang hindi pa raw napapatunayan ni Juri ang kanyang sarili.
“nani? [what?]” sabi ni Daniel. Nakakita si Juri ng isang vacant na job sa isang kompanya, Development on A Visious Environment ang pangalan ng company.
“ Daniel-kun I want to try this job. Pwede naman sa nakuha kong course ang trabahong ito di ‘ba?” nag-pacute si Juri kay Daniel. Inihilamos naman ni Daniel ang kanyang kamay sa mukha nito, napangiti na lang siya sa reaksyon nito.
“ if that’s what you want. Then why don’t you apply?”
“sige, susubukan ko. Pray for me.” Pumasok si Juri sa kompanya at hinanap kung saan mag-aapply. Nakita naman niya yun at ibinigay ang kanyang mga kinakailengan o requirements sa kanila. Nakadaan na rin si Juri sa interview, maghihintay na lang siya sa resulta. May second interview pa kasi siya na dadaraanan, kaya ninenerbyos siya. Sana makuha naman siya ika 5th try na niya kasi sa pag-aaply ng trabaho.
Nagpapahinga si Juri ng tumawag si Mila.
“hey, what’s up?” ani ni Juri
“uuyyy, labas naman tayo. Miss na kita eh.”
“anong miss? Baka sabihin mo nag-away lang kayo nag boyfriend mo. Yung si… sino ng ulit yun?”
“ Si Kevin.”
“ oo yun nga.”
“ pano mo nalaman?”
“siyempre ako pa? expert kaya ako pagdating sa’yo. I guess… we’re bestfriends right?”
“oo na, tama ka na. so please let’s meet.”
“just come to my house I’ll cook for you”
“yippie!” ibinaba ni ni Juri ang kanyang cellphone, at nag-tungo sa kusina.Nagluto siya ng pasta at sushi. Namimi-miss na kasi niya ang Japan kaya nag-luto siya nito. Halos mga 30-minutes din siyang nagluluto at naghanda ng dumating si Mila.
“ Juri-chan tadaima![I’m here!]” medyo marunong din ng kaunting Japanese si Mila, tinuruan kasi siya ni Juri.
Tumungo si Mila sa kusina at nakita niya si Juri.
“so, what happened?” ani ni Juri, nakalagay ang isang kamay sa pisngi niya at nakaupo ito sa may kitchen table.
“ayaw ko na talaga kay Kevin…” umupo si Mila sa harapan niya at nag-simulang papakin ang pagkain sa harapan nila.
“palagi na lang niya ako pinagbibintangan na may ginagawang masama.”
“ edi makipag-break ka? Is that a problem or an answer?” advise ni Juri.
“ ayoko. Kung iiwanan ko siya may mangungulit na iba.”
“ ganun naman pala. So what’s the problem about that?”
“ ayoko ko rin sa lalaking yun.”
“yung mangungulit sa’yo pag nakipag-hiwalay ka kay Kevin?”
“uh huh! Tumpak!”
“ engot ka talaga..” biglang may tumawag sa cellphone ni Juri. Number lang iyon kaya sinagot niya.
“hello. Opo ako po to… talaga po? Salamat po” ibinaba na ni Juri ang kanyang cellphone at ngumiti kay Mila.
“ what happened?”
“Mila! I’ve passed the first test! Papupuntahin nila ako sa company nila bukas para sa final interview!” galak na sabi niya kay Mila.
“that’s great!” hinug nila ang isa’t isa at nag talunan sa tuwa.
“ HI!, Dave!” bati ng Ina ni Dave sa kanya. “how are you?” hinug niya si Dave.
“mom, as usual I’m busy. Kailangan ko pang makahanap ng bago kong secretary.” Sagot ni Dave.
“ gusto mo tulungan kita na pumili.”
“’wag na baka ma hassle ka pa. nandun naman ang tao ko eh para humanap ng karapat-dapat na secretary.”
“ ok, I’ll just look at them.” Bumuntong hininga si Dave. “ok, fine.”
NANGANGATOG ang mga tuhod ni Juri sa waiting area. Naka formal dress siya at may hawak-hawak na folder, naka black stilleto’s din siya at meron rin siyang dalang shoulder bag. Naka-lugay lang ang kanyang buhok at naka-light make-up.
Mula sa isang pinto may lumabas na dalawang babae, ang isa halatang mataas ang estado sa kompanya kasi pina-una siya nung isang babae at nag-bow pa sa kanya. Nasa mid-40’s yung babae at edukada ang dating. Numbulabog naman ang puso ni Juri. Sobra pa ang nerbyos niya ngayon kaysa kanina.
Lumakad ang mid-40’s na babae at sumunod naman yung isa sa kanya. Huminto sa may side na mga upuan ang babae at tumingin sa kanila.
“ma’am, here are the applicants.” Tinuro ng babae ang mga applicants.
“ applicants, this is Mrs. Park the mother of the owner of this company”
Lumakad sa harap nila si Mrs. Park at tiningnan ng isa-isa ang mga applikante.
“ito pala ang mga applikante” ani nito at tumango-tango. Pagkatapos ng ilang saglit, bumalik na ito sa pintong pinagmulan niya at binigyan ng go sign ang babaeng nakasunod sa kanya. Ibig sabihin magsisimula na ang final interview.
“this is it! Gambarro! [good luck sa akin]” ani ni Juri sa sarili. Ipinalabas niya ang isang napakalalim na hininga. At nagsimula na yung interview. Ika pang tatlo siya so may time pa siya na mag-prepare. Lahat na dasal na alam niya ay dinasal na niya, may mga personal prayer pa siya. She was sweating at halos mapuno na ang kanyang panyo.
At last it was her turn. Tumayo si Juri at pumunta na sa interview room. Pagpasok niya nakita niya si ‘MRS. PARK’ naka-upo ito sa gilid at nasa may table naman yung isang babae. Umupo si Juri sa harapan nito at nag-simula na nag interview.
Nung una medyo nininerbyos pa si Juri pero nakuha na rin niya ang kanyang confidence at maayos na siyang nakasagot sa mga tanong.
KINABUKASAN nagluluto si Juri ng breakfast niya ng may tumawag sa cellphone niya.
“hello, ikaw ba si Juri Ikeyamada?” ani ng babae sa telepono.
“opo. Ako po yun” sagot ni Juri.
“ kasi tungkol dun sa interview..” tumalon ang puso ni Juri. Hindi mapakali ang kanyang internal organs nang marinig ang tungkol sa interview.
“ natanggap ka at kailangan mo nang mag-simula bukas” natulala si Juri at binaba na nang babae ang kanyang linya. After 5-seconds, na-recover na ni Juri ang kanyang utak.
“YES!” sigaw niya.
Pumasok na si Juri sa company. Magtatrabaho siya bilang secretary at magtatrabaho siya sa D.A.V.E o Development on A Visious Environment. Lumakad siya papaunta sa staff room at doon nagtanong-tanong. May lumapit na isang babae sa kanya.
“ikaw ba si Ikeyamada Juri?” tanong nito?
“opo.”
“ ako pala si Mrs. Manguilamutan, at ikaw ang papalit sa akin bilang secretary ni Mr. Dave Park” nag-shake hands sila at inihatid na ni Mrs. Manguilamutan si Juri.
Nasa harap na sila ng isang pintuan, medyo magara tingnan iyon at naiiba talaga ang pintuan na iyon sa lahat ng pintuan sa kompanya.
Kumatok si Mrs. Manguilamutan.
“sir, nandito na po ang bagong secretary niyo.” Ani nito sa pinto.
Lumabas na nakayuko si Dave.
“good morning po” bati ni Juri. Unti-unting nagtaas ng ulo si Dave, nanlaki ang mga mata niya sa nakita.
“sir, si Miss Ikeyamada Juri po. Juri si Mr. Dave Park” pikalala ni Mrs. Manguilamutan sa kanilang dalawa. Nag-smile lang si Juri habang si Dave naman ay nakatulala lang ng tingin sa kanya.
“maiwan ko na po kayo sir” iniwan ni Mrs. Manguilamutan ang dalawa.
“J-juri?” ani ni Dave.
“po?” ani ni Juri.
“k-kailan ka pa bumalik galing Japan?” nangangatog na tanong ni Dave.
“ pa’no nyo po nalaman na pumunta ako sa Japan? Magkakilala po ba tayo?” inosenteng tanong ni Juri. Nabigla si Dave sa sinabi ni Juri. Nakalimutan na ba siya nito? Nasaktan ba siya ng ganoon ka tindi at binura na siya sa isipan niya?
“a-ko to si Dave. Yung sa St. Anthony Academy” seryosong sabi ni Dave.
“ aahhh, magka-klase po ba tayo dati?”
“hindi, school mate mo ako.”
“pasensya na po kayo sir ha, kung hindi ko kayo matandaan. Halos wala kasi ako matandaan noong highschool life ko… sige po, magtatrabaho na po ako” nag-smile si Juri at ito ay umalis.
TULALA pa rin si Dave sa mga pangyayari. Nakupo siya habang naka-ipit sa bibig niya ang ballpen.
“galit ba talaga siya sa akin kaya niya ako kinalimutan? Schoolmate? Yun lang ang tingin niya sa akin ? sa lahat ng nangyari sa amin, binura lang niya sa isipan niya. Bakit Juri? Bakit?” ani ni Dave sa kanyang isip.
“Dave..” nagising si Dave mula sa kanyang pag-iisip.
“Tina.. ba’t nandito ka?” tanong ni Dave.
“ balita ko kasi may bago ka nang secretary. Hindi ko pa siya nakikita nag-cr yata nung pag-pasok ko.”
“ ba’t naman gusto mo siyang makita?”
“wala lang, baka ipagpalit mo siya sa akin eh.” Nag-smile si Tina at hinug si Dave.
“tara it’s almost lunch, let’s go out.” Yaya ni Dave.
“ ok” excited naman na sagot ni Tina.
“Mila? May kakilala ka ba na Dave Park? Schoolmate daw natin siya eh.” Ani ni Juri sa cellphone niya.
“ D-dave? Oo, schoolmate natin siya. Heart throb yun sa school natin eh, tapos medyo close siya sa atin. Hindi mo ba naalala?”
“hindi eh. Yung memory ko nung highschool, hindi ko talaga maalala.”
“it’s ok. I understand.” Ibinaba na ni Mila ang linya at umalis na si Juri sa CR. It’s almost lunch, kaya kumuha muna siya ng kape. Hindi pa naman siya kasi masyadong gutom kaya mag-kakape muna siya. She was going towards her table nang may isang babae na biglang sumulpot sa kanyang harapan.
Natapunan ni Juri ng MAINIT na kape yung babae.
“OMG!” ani nung babae. Nagulat naman si Juri, bago pa lang siya sa kompanya pero may nagawa na siyang kasalanan.
“naku! Sorry po! Hindi ko po sinasadya.” kinuha ni Juri ang isang napkin at pinahid yun sa damit ng babae.
“ my gosh! Sobrang init. Ouch.”
“ sorry po talaga, di ko po sinasadya.. patawad po” ani ni Juri
“ hindi ka kasi sa dinadanan mo.. ayan tuloy.” Ani ng babae. Lumabas naman si Dave mula sa pinto.
“ what happened?” ani ni Dave.
“ sir hindi ko po sinasadya. Sorry po talaga.”nagmamaka-awa na sambit ni Juri.
“ Dave, look what she has done to me.” Ipinakita ni Tina kay Dave ang kanyang damit.
“it’s ok, I’ll just buy you a new dress.”
“ sorry po talaga sir, mali ko po yun. Alam ko” ani ni Juri.
“ siya ba ang bago mong secretary?” tanong ni Tina.
“ oo siya.”
“ what’s your name?” ani ni Tina kay Juri.
“ Juri po, Ikeyamada Juri.”
“ Your name sounds familiar. well, it doesn’t matter. I’m Tina pala, Your boss’ girlfriend” ikinabit ni Tina ang kanyang kamay sa arms ni Dave.
“ nice to meet you po. Sorry po talaga, hindi ko po sinasadya.”nag-bow si Juri.
“ it’s ok Juri, I’ll just buy her a new dress.” Ani ni Dave, hinawakan ni Dave ang kamay ni Tina at umalis na sila.
Nakaramdam ng kaunting kirot si Juri sa kanyang puso. Hinawakan niya ang kanyang dibdib “anong nangyayari sa akin? Why is it that I am so hurt while they where showing their sweetness in front of me?” ani ni Juri sa kanyang isip.
“ Dave Park.. it’s like you have done something big in my life but I don’t know it..” bulong ni Juri. Napabuntong-hininga nalang si Juri at nilinis ang kape na nagkalat.
“what do you want?” tanong ni Dave kay Tina. Tapos na sila makapamili ng dress kaya nandito na sila sa restaurant at namimili ng pagkain.
“ yung pasta at burger.”
“ok” sagot ni Dave.
“Yung Juri na yun, saan ko ba narinig yung pangalan niya?”
“ huwag mo na lang pansinin yun.” Gi-nrab ni Dave ang kamay ni Tina at kumain na sila.
Pagkatapos nilang kumain, bumalik na si Dave sa office at si Tina naman bumalik na rin sa trabaho niya.
Buong maghapon parang wala sa kanyang sarili si Dave. Hindi siya mapakali na nandiyan lang si Juri sa tabi niya. It’s been almost or more than five years simula nung nag-hiwalay sila. His heart was unstable. There are also butterlies in his stomach. Hindi na niya alam ang gagawin at hindi na niya alam kung ano ang sagot sa mga tanong na nasa isip niya. Kagaya nang kung bakit kinalimutan na siya nito? Galit ba talaga ito? At marami pa. he want to answer it all.
It’s almost 10 pm. Kailangan nang umuwi ng mga trabahante. Uuwi na rin si Dave. Pumunta na siya sa parking lot kung saan naka-parking ang sasakyan niya. Hindi pa man siya nakakasakay sa kanyang sasakyan ay nakita niya si Daniel. Yung Daniel na naka-away ni Juri sa bar at naging kaklase niya. Nilapitan niya ito, total hindi pa man dumarating si Juri.
“ Daniel?” ani ni Dave. Napatingin lang si Daniel sa kanya.
“ anong nangyari?” tanong ni Dave. Nag-chuckle lang si Daniel.
“ naiintindihan ko ang ibig mong sabihin… hindi ka na maalala ni Juri. Kahit kailan hinding-hindi ka na babalik sa isip niya.” Isang matalim na tingin ang ibinigay sa kanya ni Daniel.
“why?” tanong ni Dave. Pero bago pa man masagot yun ni Daniel ay dumating na si Juri.
“ Daniel!” ani ni Juri. Nakita ni Juri sa Dave kaya nag-bow ito sa harapan ni Dave.
“ good evening po sir.” Bati ni Juri. Si Daniel naman nag-labas ng isang evil smile.
“ good evening din.” Sagot ni Dave. Tiningnan niya si Daniel na nagbibigay pa rin ng evil smile.
“ magkakilala na po ba kayo ni Daniel?” tanong ni Juri.
Hindi umimik si Dave, pinatuloy lang niya nag pagtitig sa dalawa. Lumakad si Daniel palapit kay Juri at hinalikan ito sa pisngi. Hinawakan din nito ang kamay ni Juri.
Parang sasabog si Dave, nagagalit siya sa ginawa ni Daniel, pero hindi dapat. He have Tina by her side now, Juri forgot all about him. Kaya… pero… hindi pa rin alam ni Dave ang gagawin at hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman sa oras na iyon.
“siyanga po pala.. si Daniel… boyfriend ko po.” Sabi ni Juri.
Parang lumuwa na ang mga mata ni Dave ng marinig iyon.
“sige po mauuna na po kami.” Lumakad na sila Juri at Daniel papuntang sasakyan at umalis na sila.
Nakatitig pa rin si Dave sa kawalan at hindi makapaniwal sa mga pangyayari.
“Juri, why?” yun na lang ang mga nasabi ni Dave.
No comments:
Post a Comment