Monday, December 03, 2012

Revenge.1

Revenge.1

Oh yeah.. kanina pa ako dada ng dada dito, ni hindi niyo naman ako kilala.

By the way, I’m Maria Isabela Kristina Annabelle April Joy Mae Ann G. Dimakulangangisip.

MIK for short.

20 years old. And NO BOYFRIEND SINCE BIRTH.

BAKIT?

Dahil yan kay Jarred David Carl Nathaniel Eric Joseph Romel John V. Gwapongnilalang

In love na inlove ako jan.

At first wala talaga akong feelings sa kanya.

Kaso, nung dumaan ang Segundo, minuto, oras, araw, linggo, buwan at taon…

Unti-unting nahuhulog ako sa kanya.

At yun na nga.

For 20 years of existence, siya ang mag patibok sa puso ko.

Kung wala siya patay ako.

Iyong babaeng kalaban ko naman, na umagaw sa future huisband ko.

Ay si

Hannah Anne Leah Ina Marivick Paola Ace Ria O. Tengenesiya

In short HALIMPAROT.

The name says it all.

Psh! TSK.

At ngayon, tinitingnan ko naman sila na nag s-sweetan sa harapan ko.

Naman!!

At hindi pa talaga nakuntento ha!

Kahit ang daming tao sa paligid naghahalikan sila.

Na parang walang bukas!!

Kung makasugod naman ito si HALIMPAROT sa labi ni MY LHUBS ko, parang kakainin niya nang buhay.

Hindi na nahiya!

Hindi na nakonsensya!!

May nasasaktan dito oh!!

Sino?

Ako?!! Obvious??

That should be me you know!!
Pagkatapos nilang maghalikan, nagka eye to eye contact kami ng lhubs ko.

Iniwas ko naman ang tingin ko, kasi tumibok naman ng mabilis ang puso ko.

Parang hindi kong mapigilan na tumulo ang luha ko.

Masakit. Sobra!!

Pumunta naman ako agad sa C.R

You know, what I did there.






Siyempre, umihi.





Ay! Umiyak pala.


(A/N: naiihi talaga ako nung sinulat ko ‘to.)


Hindi ko makayanan eh.

Paglabas ko ng C.R

Pumunta nalang ako sa classroom.

“uy, ang sweet ng BF ni Hannah no?  sana mag ka bf din ako ng ganun.”

“swerte nga siya sa BF niya, malas naman ang BF niya sa kanya”

“agree!” tinakpan ko agad ang labi ko, tapos umalis na.

Kasi naman eh, tama naman talaga ang sinabi ni girl number two kay girl number one.

Malas si Jarred kay HALIMPAROT.

Kung ako nalang sana yun,

Edi wala nang problema.

Happy together forever na sana.

Wala pang kontrabida kasi lahat agree na maging kami.

Hindi malabong maging kami, malinaw na malinaw.

Mas malinaw ba sa 3D na movie..

Kaso may nag jamper nga lang.. tapos pinirate. Kaya yun, Malabo na tuloy.

Nagsimula na ang klase namin.

Masaklap, kasama ko sa klase na ito si HALIMPAROT.

Badvibes -.-

Umuwi ako ng nakasimangot, siya naka-smile.

Narinig ko na sabi niya, mag d-date daw sila ulit ni MY LHUBS KO.

O edi ikaw na!

Ikaw na masaya…


Ngayon.



( iwannadoevillaughkasosasusunodna )


“nandito na ako”

“welcome home”




o.o

Jarred my lhubs said.



--------

REVENGE IS A SHORT STORY.. 5-10 CHAPS.. lang

No comments:

Post a Comment