Saturday, December 01, 2012

Chapter 26

Chapter 26 oopsie !

Rizalyn’s POV

Natapos na rin yung project namin at back to school na naman kami.

Nagtataka nga ako eh, kasi biglang nagging close yung boys at si Dennis.

Ano kayang nangyari? Oh well, *kibit balikat*

Basta ang saya ng mga nangyari, kasi nung natapos namin yung project namin, naligo kami agad sa pool nila Honney.
Ang saya kasi nung naliligo kami, ang daming tulakan na nangyayari. Basta enjoy!

*fast forward*

Ang hectic ng schedule namin ngayon. Kasi naman malapit ko na matapos ang 3rd year college life ko.

At in the next next next month 4th year college na ako.

o.o


my ghad! GRADUATING NA AKO!!  Yippie!!

Haha.. ang saya naman.. pwede na akong mag trabaho pag katapos nun..

Pero kailangan ko pala na makapasa sa board exams.

Education nga yung course ko dibuh..

Hehe..

Ang dami ko nga ginagawa kaya ayun hindi na kami masyadong nagkikita ni Dennis.

Pero ok lang. nakakasama naman namin ang isa’t isa kapag dismissal.

At tsaka nag tetext din kami.

“pssst!” sino yun?

Lumingon ako, pero wala naming tao. =\

Kaya yun lumingon ulit ako harapan.

“boo!”

“waaaaaaaaaaaahh!!!!!!”

“wahahahahahahaahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahhaha”

“psh! Bryan naman oh! Ginulat mo ako ah!”

“ahahahahahahahahahahaha…. Sorry…. Hahahaha…. Hanggang ngayon rin pala magugulatin ka……hahahahahahahaaaaahahahhahaha”

Sinapok ko siya!

“tumigil ka na nga! *pouts* huhu.. ikaw--- teka nga!”

“oh?”

O.O

O.O

O.O
“KAILAN KA PA NAKABALIK NG PILIPINAS?”

“AWTS! Akala ko pa naman hindi mo na mapapansin eh.”

“kahapon lang” he said, and flashed me a great smile

Si Bryan pala ay isa sa mga long time bestfriend ko.  Pero nung 15 ako iniwan niya ako.

Pumunta kasi siya ng Ireland. Oh diba bongga!! Hehe..

So more than 3 years na kaming hindi nagkikita.

“awwww.. ikaw na lalake ka!” hinampas ko siya, tapos pinahid yung mga luha sa mata ko.

“namiss kita ng sobra!” tapos hinug ko siya ng sobraaaaaaaaaaaaaanngggg higpit!!

“I miss you too..” hinug niya din ako.

Tapos hinalikan niya yung noo ko.

“kumusta kana?” he said.

“etoh.. super duper busy ng life. Oo nga pala! Medyo pumogi ka ah!”

“ay ganun?! Medyo lang? huhuuhuhu, todo-todong japorms pa naman ang ginawa ko para sa’yo tapos. Medyo lang” *pouts*

“haha! Angara mo! Korni much!” tapos kinurot ko yung ilong niya.

“waaaaaaahhh!! Ngama nga! (tama na!)” sabi niya.

“ahahahahahahahaha…” tinigilan ko na ang pagpingot ng ilong niya.

“siyempre, gumwapo ka. Cute mo pa nga eh! Sure ako may girlfriend ka na noh!”

“huh? Ako?! Wala nuh?”

“hee! Bakit?”

“ikaw lang kasi ang gusto ko~” sabi niya habang hawak-hawak ang baba ko with sincere look in his eyes pa

“YUCK!”

“wahahahahahaha.. siyempre hindi noh! Para sa’n pa’t nagging bestfriend kita dibuh? Alam mo na yun!”

“akala ko naman nag bagong buhay ka na, ganun ka din pala?”

“let’s say na..  pwede oo. Pwede hindi.. soul searching ako noh!”

let me clear things up guys.


BAKLA PO SI BRYAN, AS IN JOKLA, BALE, ANO PA BA? BASTA BADING!! GANUN SIYA.  Kaya ayun don’t misunderstand us. Ok?

At by the way hindi naman siya vulgar na jokla. Yung simple lang. yung tipong ayaw niya sa babae at pasekretong gusto ang lalake, pero lalake pa rin siyang manamit.

“o sige, bry huh! Alis na ako. Puntahan mo na lang ako sa bahay mamaya. Babye”

“o sige, bye.” At ayun na nga nag beso-beso na kami at umalis na ako.




Papunta ako sa library...


Mag reresearch ako dun eh.

Pagdating ko dun pumunta agad ako sa literature area tapos kinuha ang mga libro na kailangan ko.

Madami siya actually.

Nilapag ko na sila sa table

*sigh* ang bigat naman kasi.

Kaya ayun, sinimulan ko na ang pag reresearch ko.

“Rizalyn! Nandito ka pala?” napalingon naman ako nun.

Si Jay R pala. Classmate ko sa isa ko pang subject.

“oo eh. May research kami.”

“ahwts. Kami rin eh.. ano ba yan?”

Tiningnan niya yung mga libro ko.

“ahhh literature. Gusto mo tulungan kita?” sabi niya.

Bigla naman lumiwanag ang mukha ko.

“TALAGA?!” napalakas yung boses ko . oops!!

“ssssssshh!! Silence”

“sorry po.”

“hehe.. oo naman.. ano ba yan?” tumabi siya sa akin. At yun na nga tinulungan na niya ako.

Mabuti naman at may savior ako ngayon. Hehe.



After 1 hour and 30 minutes..

“ayan! Tapos na!” sabi ni Jay R.

“naku! Salamat talaga! Tara libre kita ng snacks!”

“o sige buh! Pagkain na yan. Hindi na ako tatanggi. Haha”

Inayos ko na ang mga gamit ko tapos sinauli ang mga libro at umalis na kami sa lib.


Pumunta na kami sa canteen.

Yun na nga kumain na kami. Siyempre libre ko.

Hindi ako mayaman huh. FYI lang po. >.<

Chi-neck ko yung cellphone ko. Kaya lang lowbat kaya ayun, pagkatapos namin na kumain.

Umuwi na ako sa amin.


Dennis’ POV

Hinahanap ko si Rizalyn.

Nakita ko rin siya sa wakas!

Pero.. may kausap siya na lalake.

Ngayon ko lang ata nakita yang lalake dito ah!.

“awwww.. ikaw na lalake ka!” hinampas ni Rizalyn yung lalake

“namiss kita ng sobra!” tapos hinug ni Rizalyn yung boy. TEKA TEKA! ANONG NANGYAYARI! SINO YUN?

“I miss you too..” hinug din siya nung boy.

Aba! Aba! Iba na ‘to ah!

Tapos hinalikan nung lalake si Rizalyn ko.


HOY! HOY! GIRLFRIEND KO YAN!
 Tapos nun nag usap pa sila.


Bigla naman piningot ni Rizalyn yung ilong ng lalake

“siyempre, gumwapo ka. Cute mo pa nga eh! Sure ako may girlfriend ka na noh!” narinig ko na sabi ni Rizalyn

“huh? Ako?! Wala nuh?” sabi naman nung lalake

“hee! Bakit?”

“ikaw lang kasi ang gusto ko~” sabi niya habang hawak-hawak ang baba ni Rizalyn tapos parang seryoso yung lalake.

Aba! Iba na talaga ‘to ah!


Nagagalit na ako!.
Grrrr!.


Tapos nun nag usap pa sila ng kaunti tapos nung paalis na si Rizalyn

Nag beso beso pa sila.!

TEKA NGA! ANO BA TALAGANG NAMAMAGITAN SA KANILANG DALAWA?!

Tapos nun umalis na si Rizalyn. Sinundan ko naman siya.

“Dennis iho, pwede mo ba akong tulungan” napalingon naman ako sa teacher ko.

Medyo matanda na siya. Kaya ayun tinulungan ko siya.

Mamaya ko na lang ulit susundan si Rizalyn.


After 30 minutes..


Pumasok na ako sa library, nakita ko naman si Rizalyn.

May kasama NANAMAN NA IBANG LALAKE.

Ayokong mag skandalo dito.

Psh! Umalis na lang ako sa library at tinext si Rizalyn.

‘ mag kita tayo, ASAP ‘



9 p.m na ng dabi ngayon. Halos 5 oras na akong naghihintay sa kanya.

Pero di pa rin dumating si Rizalyn

No comments:

Post a Comment