Chapter 3:
“DAVE!!” sigaw ni Juri. Hinawakan niya si Dave, mainit ito. Kinabahan siya, hinawakan niya ang noo ni Dave.
“ang taas ng lagnat mo, OMG!!” hindi na alam ni Juri kung ano ang gagawin.
Kumuha si Juri ng taxi at nag-patulong sa driver sa pagbubuhat nito. Dinala ni Juri si Dave sa kanilang bahay, tutal wala naman ang kayang ina kaya safe siya. Halos umiyak na siya sa kaba, alam kasi ni Juri na siya ang dahilan kung bakit nag-kasakit ito. Inilagay nila si Dave sa kama niya at naki-usap sa driver na bihisan si Dave, pumayag naman ito at ibinigay ni Juri ang maluluwag na unisex na damit niya. Pagkatapos noon, iniwan niya muna ito para mag-bayad sa driver. Kumuha si Juri ng medicine kit, isang face towel at nag-yeyelong tubig. Inilublob ni Juri ang face towel sa nagyeyelong tubig at inilagay yun sa noo ni Dave.
“please, gumising ka naman Dave” tuluyan na siyang umiyak, kasalanan niya kung bakit nagkaganito si Dave, iyon ang iniisip niya. Pinunasan niya ang kanyang mukha at umupo sa gilid ng kama at ni Dave. Pina-inom niya ito ng gamot para makatulong iyon sa mabilis na paggaling ni Dave. Naalala ni Juri kung ano ang ginawa ni Dave sa kanya kanina. Hinalikan siya nito.
“sana ‘di mo nalang ginawa yun. Alam ko na tuloy kung ano talaga ang nararamdaman ko sa iyo.” She admitted it, she was in loved with Dave, dahil sa pangyayaring ito sure na sure na talaga siya sa feeling nito para kay Dave.
“Siguro nag-didiliryo ka lang kaya nagawa mo yun.”nalungkot si Juri sa nasabi, kung nag-didiliryo nga lang ito ibig sabihin hindi niya alam kung ano ang ginagawa niya. “Sana maulit yung pangyayari kanina.” Dasal niya sa sarili, kung di man siya gusto ni Dave, at least nahalikan niya ang lalakeng gusto niya. That was her first kiss, it was sudden yet so sweet. “Sweet” aniya sa sarili. Nakangiti siya sa naisip, unti-unting napapikit siya at ‘di namalayan ni Juri na nakatulog siya.
UMAGA na nang magising si Dave, bumangon siya at tumingin siya sa paligid. Nakita niya si Juri sa tabi niya, mahimbing na natutulog. Napangiti siya, binantayan pala siya nito. Doon niya napagtanto na kwarto pala iyon ni Juri, punong-puno iyon na libro, posters, action figures na anime at kung anu-ano pa basta anime. Hinanap niya ang orasan, napangiti siya ng makitang pati ang orasan nito ay anime-style pa rin. 7:30 na pala ng umaga, napatingin siya sa damit niya, nagulat siya ng iba na ang sinusout niya, maluwag yun na long sleeve at isang square pants. “Binihisan ba ako ng babaeng ‘to?” napatingin siya kay Juri. “Ibig-sabihin nakita niya yung…”
“NO WAY!!” sigaw niya, nakagising naman si Juri sa sigaw na yun.
“Ano ba?! Ingay-ingay mo naman eh!” pinalo niya si Dave sa balikat
“aray! Masakit hah.!” Hinawakan ni Dave ang napalo na balikat “ikaw ba ang nag-bihis sa akin?” tanong niya rito.
“Hindi no!!” gulat na sagot ni Juri
“ganun ba?” may panghihinayang na sagot ni Dave. Ang labo niya, kanina parang hindi niya gusto na binihisan siya ni Juri ngunit ngayon parang gusto na niya. “ehh.. sino ang nag-bihis sa akin?”
“yung si mamang driver, pinakisuapan ko siya na bihisan ka. Kasi pareho naman kayong lalake, ‘di na kita dinala sa ospital. Wala akong pambayad, hindi ko naman din alam kung saan ang bahay mo kaya dito na lang kita dinala.” Tumayo si Juri at kinuha sa drawer ang digital na thermometer, ipinasok niya yun sa bibig ni Dave
“anong ginagawa mo?” tanong ni Dave
“tinitingnan kung bumaba na ba ang lagnat mo” tumabi siya kay Dave at hinawakan ang noo nito, ang isang kamay naman niya ay nasa ulo niya. Pagkatapos nun ay hinanap naman ni Juri ang pulso ni Dave sa kamay at binilang yun habang tumitingin sa relo niya. Hindi pa siya nakakapag bihis simula kagabi, kaya hanggang ngayon ay naka-eyeliner pa rin si Juri.
“May balak ka bang mag-doctor?” tanong ni Dave. Binitawan na ni Juri ang kamay ni Dave.
“bakit?” balik na tanong ni Juri
“wala lang. Kung umasta ka kasi para kang doctor.”
“AAHH. Hindi ko pa kasi alam kung ano ang kukunin ko, and besides, kaya alam ko kung ano ang ginagawa ko kasi isa akong red cross member. Tinuturo sa amin kung ano ang mga first aid treatments.” Paliwanag ni Juri. Tumayo ito at kinuha ang thermometer sa bibig ni Dave. Tiningnan ni Juri yun.
“mabuti naman at wala ka nang lagnat.” Pagkatapos nun umalis siya lumakad.
“sa’n ka pupunta?” tanong ni Dave
“magluluto, diyan ka lang at magpahinga kung mabinat ka ako na mismo ang papatay sa’yo”
“yes, maam” Inintay ni Dave si Juri, pagkalipas ng ilang minuto bumalik ito na may dala-dalang tray at noodles. Inilagay ni Juri sa kama ang tray at pinakita kay Dave.
“pasensya na, yan lang ang alam kong lutuin eh. Kainin mo na yan, bago pa lumamig” pagkatapos sabihin yun kumuha ng mga damit si Juri mula sa cabinet niya at pumasok sa CR ng kwarto niya.
“huwag kang pumasok o maninilip or else you’re dead” pumasok na nang tuluyan si Juri sa banyo at inilock ang pinto nito.
“ano ba ‘tong babaeng ito kapag aalis may death treath na kasama. Gusto niya ba akong patayin” bulong ni Dave. He’s a boy, and a girl is taking a bath just beside the room where he is now.
“Pigilan mo ang sarili mo Dave, or else you’re dead”sabi niya sa sarili. Pinagtuunan na lang niya ng pansin ang noodles na inihain sa kanya. Tinikman niya iyon, masarap naman pala itong mag-luto kaya nasiyahan siya sa pagkain.
Malapit na ni Dave maubos ang pagkain niya nang lumabas si Juri mula sa banyo. May tuwalya na nakabalot sa ulo nito. Babae talaga siya. Humarap si Juri sa salamin at inilugay na niya ang kanyang buhok, sinuklay niya iyon. Nakatingin naman sa kanya si Dave.
“Tapos ka na bang kumain?” untag ni Juri kay Dave.
“hhh—hah??!”
“sabi ko tapos ka na bang kumain?”
“ahh.. malapit na.” hinigop na ni Dave ang natitirang sabaw ng noodles.
“masarap ba?” lumapit si Juri sa kanya kaya nabigla siya.
“oo naman. Masarap ka naman magluto” ngumiti si Juri at lumakad, kinuha ni Juri ang mga damit ni Dave para labhan.
“sama ako” parang bata na sabi ni Dave.
“bakit ka naman sasama? Baka mabinat ka kargo de consencia pa kita.”
“aaaiiiihhyy, sige na please. Ayaw mo nun kung may mangyari sa akin, malalaman mo agad kasi nasa tabi mo ako”
“ok fine” ibinaba muna ni Juri ang mga damit ni Dave at inilalayan siya sa pag-bangon. Pagkatapos na makabangon ni Dave binalikan ni Juri ang mga damit niya.
“Umakbay ka sa akin.”sabi ni Juri
“hah?”
“sabi ko umakbay ka sa akin para may alalay ka sa paglalakad”
“pero…. Sige na nga” agad namang umakbay si Dave kay Juri. Para silang bagong kasal, mang-lalaba lang naman yung asawa pero kasama pa rin ang lalake. Ang sweet nilang tingnan.
“Ang sweet natin babe” sabi ni Dave na may pilyong ngiti
“heee!! ‘wag mo sabi akong tawaging babe. Ayoko na may pet name kapag may boyfriend ako” asar na sabi ni Juri
“uuyyy!! Boyfriend niya daw ako, himala masyado. Kilig naman ako dun.” Masayang sabi ni Dave. Nanahimik nalang si Juri, at patuloy pa rin sa pag-akbay sa kanya si Dave. Nakarating na sila sa washing area, bumitaw na si Dave sa pagka-akbay kay Juri at umupo sa gilid. Nilagyan na ni Juri ng tubig ang washing machine at nilagyan na rin niya ito nang powder.
“bakit mo ba ako iniwasan kahapon hah?” basag ni Dave sa katahimikan.
“Basta.” Sagot ni Juri. Inilagay na ni Juri ang mga damit sa washing machine at ini-on yun
“anong basta? ano ba kasing nangyari? nagagalit ka ba sa akin? O sa mga kaibigan ko kasi pangit ang tingin nila sa iyo? Sabihin mo uupakan ko ang mga iyon.”
“kung umasta ka parang boyfriend talaga kita.” Nakangiti ngunit malungkot na sabi ni Juri
“bakit hindi ba?”
“kung boyfriend at girlfriend kasi ang dalawang tao, gusto nila ang isa’t isa, pero sa kaso natin. Naging mag-on lang tayo dahil nalaman mo ang sekreto ko at blackmail mo lang sa akin ‘to”
“bakit? Akala mo ba hindi kita gusto?” nabigla si Juri sa sinabi nito. Napatitig siya ng matagal kay Dave. “binge ba ako? Meron bang tutuli ang tenga ko? O baka nabulol lang siya” aniya ni Juri sa isip.
“P-paki-ulit mo nga yung sinabi mo?” sabi ni Juri
“sabi ko, bakit? Akala mo ba hindi kita gusto? In short Ikeyamada Juri, I LOVE YOU, SA-RANG-HAE-YO , AI-SHE-TE-RU. O yan, sinabi ko na sa language mo, baka di mo pa rin maintindihan.” Ngumiti ng pilyo si Dave. “’di nga ako nabibinge, may gusto rin siya sa akin. Kami-sama, arigatou[God, thank you] pero, si mama, pa’no siya. Ahh ewan, bahala na si batman.”
“Totoo?” tanong ni Juri “totoo ba talaga na mahal mo ako?”
“oo naman, kung iniisip mo na pinag-pupustahan ka namin ng mga kaibigan ko, pwes nagkakamali ka.” Kinuha ni Dave ang kamay ni Juri at inilagay yun sa dibdib niya.
“You can feel my heart beating so fast right now, and it is because of you. This heart belongs to you, kung hindi kita gusto, hindi na sana ako nangugat sa kahihintay sa’yo sa gitna ng ulan. Hindi rin sana kita hahalikan kung hindi kita gusto di bah?”
“naalala mo yun?”
“siyempre first kiss ko kaya yun, at first kiss ko rin yun mula sa’yo” Ngumiti si Dave sa kanya “matino pa rin ang isip ko nun kahit na mataas ang lagnat ko no”
“ganun ba?”kinilig si Juri, his heart belongs to her ika nga niya. Naramdaman din niya ang malakas na pagtibok sa puso nito. She was not dreaming after all.
“so, bakit mo nga ba ako iniiwasan?” inilagay ni Juri ang kanyang index finger sa mga labi ni Dave kaya natigil ito sa pagsasalita.
“SShhh.. shut up” pinikit ni Juri ang kanyang mga mata at hinalikan si Dave, nabigla yata ito nung una pero tinutugon na rin ni Dave ang halik niya. It was so sweet, ang halikan ang lalakeng mahal mo at mahal ka rin. Uminit ang pisngi ni Juri habang hinahalikan si Dave, di na niya alam kung gaano na niya katagal ito hinahalikan, basta kung nanaginip man siya ayaw niyang magising, pasalamat siya at totoo ang mga nangyayari ngayon.
Naramdaman ni Juri na kinarga siya ni Dave. Pumunta ito sa kwarto niya at hiniga siya roon pero hindi pa rin siya nito tinitigilan sa paghalik. “WAIT! Walang tao sa bahay na ‘to kundi kami lang, KAMI LANG. OMG!! ‘DI PA AKO READY.!!”
“D-Dave..” ungol ni Juri, tumigil sa paghalik sa kanya si Dave at tiningnan siya nito.
“bakit?”
“anong gagawin mo?” nag-aalala na tanong ni Juri. Mukhang na gets naman agad ni Dave ang ibig niyang sabihin kaya ngumiti ito.
“it’s ok, I’m not doing anything. I just want to kiss you. That’s all,trust me.”
“ok” ngumiti rin si Juri. Hahalikan na sana siya ni Dave ng biglang may nag-doorbell. Bumangon agad si Juri, at nag-aalala kung sino ang taong bumisita sa kanya. Pumunta siya sa pintuan at iniwan si Dave sa kwarto, sinilip niya sa bintana kung sino ang naroon.
“haaayy!! Salamat.”she was relieved, it was her friend, Mila. Pinagbuksan niya ito ng pinto.
“HI!!” masaya na bati sa kanya ni Mila.
“anong ginagawa mo rito?”
“wala lang, bored kasi ako sa house namin” Yes, Mila knew what Juri’s secret was. Kaya nga bestfriend niya ito, kasi pinagkakatiwalaan niya ito ng lubos since childhood bestfriend na sila. Maganda rin ito kung walang geek glasses pero ayaw nito na napapansin ng mga lalaki kaya nag-papangit siya.
Biglang pumasok agad si Mila at muntikang ng dumiretso sa kwarto niya. Buti na lang at naharangan ni Juri si Mila.
“ano ba kasi kailangan mo ha?”
“I just want entertainment, that’s all.” Bubuksan na sana ni Mila ang pintuan sa kwarto ni Juri pero pinigilan siya nito.
“ano ba, ba’t ba ayaw mo akong papasukin sa kwarto mo?” ani ni Mila.
“basta.” Hindi na nagawang pigilan pa ni Juri si Mila kaya nabuksan na niya ang kanyang kwarto.
“OMG!!” Ani ni Mila. “sabi na nga ba” ani ni Juri sa kanyang isip
“HI!!” bati ni Dave sa kanya.
“sorry, kaya pala ayaw mo akong papasukin eh, may gagawin pala kayo. UY! Dave use rubber when you do it ok.” Ani ni Mila
“ano bang pinagsasabi mo diyan! Umalis ka na nga.” Itinulak niya si Mila palabas.
“oo na,aalis na po. Good Luck! DAVE!! BE GENTLE OK?!! Sigaw nito
“WTF! Mila stop it” tuluyan na na nasa labas na sila.
“You are getting the wrong idea” ani ni Juri
“Whatever! Halata na kaya friend, indenial ka naman eh. Tsk tsk”
“no, that’s not it—“ hindi pa natatapos sa pagsasalita si Juri pero umalis na nakangiti si Mila.
“THANKS, YOU GAVE ME ENTERTAINMENT!!” sigaw ni Mila habang tumatakbo palayo.
“Mila!!!” nag-aalalang sigaw din ni Juri. Nagpasiya na ni Juri na bumalik sa kwarto niya, nadatnan niya si Dave na pangiti-ngiti na tumitingin sa kanya.
“Nakakatuwa pala si Mila.” Ani ni Dave
“hmmp!!” snob niya rito.
“may pa-rubber rubber pa siyang nalalaman, hindi pala siyang kasing inosente sa akala ko sa kanya”
“kung anu-ano kasi ang iniisip nun.”
“akala ba niya na mag—“ hinampas ni Juri si Dave ng unan.
“matulog ka na lang nga, para makauwi ka na sa inyo at magawa ko na yung assignments ko”
“ayoko ko nga” tumayo ito at hinagkan si Juri “gusto pa kitang makasama”
“ewan ko sa iyo”
NANG makarating si Juri sa tapat ng gate, nakita na niya si Dave na naghihintay at tumitingin sa kanya. Nilapitan niya ito.
“morning” bati niya rito
“morning lang walang good?” ani ni Dave.
“Good morning” bati niya ulit tapos nag fake smile. Lumakad na si Juri, at sinundan naman siya ni Dave.
“Juri, wait ka naman sa akin”
“bakit ba?” tanong ni Juri.
“dapat, kasi nasa tabi mo ako. Hindi sa likod.”
“bakit?”
“para magawa ko ‘to” hinawakan ni Dave ang kamay ni Juri para mag HHWW sila. Pinabayaan na lang ni Juri si Dave, pati na rin ang mga taong nagb-back fight sa kanya. She liked holding Dave’s hand, so what nalang sa mga taong nasa paligid niya.
“Bye bye na” nakarating na sila sa tapat ng classroom ni Juri kaya nagpaalam na rin si Dave. Pumasok na si Juri sa kanyang classroom, umupo na rin siya at tsaka lumapit si Mila, excited ang mukha nito. Parang alam na ni Juri kung ano ang tatanungin ninyo.
“so what happened yesterday?” masaya ang mukha ni Mila at excited din pati ang tono ng salita nito.
“nothing, I told you. We didn’t do anything”
“pero bakit siya—“ tinakpan ni Juri ang bibig ni Mila at hinila ito papunta sa roof top
“Mila..” hinawakan ni Juri ang mga balikat ni Mila “walang nagyari sa ‘min, kaya siya nandoon kasi may sakit siya at wala akong pera pampa-ospital sa kanya. So stop thinking all about those pervertedness.”
“Hentai janai. [I’m not pervert]” ani ni Mila na parang isang bata.
“Halika ka na nga” pinagsyahan na nila na pumasok ulit sa classroom.
Nang nakapasok na sila eksaktong nag-ring na yung bell. Pumasok na ang adviser nila.
“Class, welcome you’re new classmate. Mr. Daniel Montelibano.” Pumasok ang isang lalake na pamilyar ang mukha. Nagpalakpakan naman ang iba niyang mga classmates habang siya inaalala kung saan niya nakita ang lalakeng si Daniel Montelibano.
“saan nga ba yun?”aniya ni Juri sa isip.
Tumingin si Daniel kay Juri at nag-smile ito sa kanya, pero parang may ibig-sabihin ang ngiting iyon.Hindi pa rin matandaan ni Juri kung saan niya nakita si Daniel, pinaupo ng teacher nila si Daniel sa bakanteng upuan sa likod. Hanggang sa pag-upo nito, tinitingnan pa rin siya ni Daniel.
Reccess na at pumunta sa roof top. Hinihintay ni Juri si Dave, narinig niya na may yabag ng paa na papalapit sa kanya. Pinuntahan niya iyon, pero nabigla siya sa sumalubong sa kanya.Si Daniel, nakatitig lang ito sa kanya.
“Ikeyamada Juri, the girl who is working at the bar” ngumiti ito ng masama.
“w-what did you say?”
No comments:
Post a Comment