Saturday, December 01, 2012

Chapter 25

Chapter 25 deal!

“pwede ba tayong mag-usap?” sabi ko.

Yun na nga nag-usap na kami.

Pumunta kami sa garden ng bahay nila.

Umupo kami dun. Pa-circle.

“sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin” sabi ni Dustin

“oo nga. Matutulog na kami eh” sabi naman ni Diether.

“simple lang naman ang sasabihin ko eh..

Tungkol lang naman ‘to kay Rizalyn eh” sabi ko, seryoso yung mga mukha namin. Usapang lalake eh.

“AH YUN BA!” sarcastic na sabi sa akin ni Dave

“KUYA DENNIS! ISA LANG NAMAN ANG GUSTO NAMIN EH.” Sabi ni Dustin

“kapag pina iyak mo si Ate Rizalyn, lagot ka sa amin.” Sabi ni Diether.

“TANDAANMO, NANDITO KAMI NA HANDANG BUBUGBOG SA’YO PAG GINAWA MO YUN” sabay sabay nila na sabi.

“alam mo Kuya Dennis, oo. Inaamin namin ne medyo galit kami sa iyo kasi nakuha mo ang babaeng pinakamamahal namin.” Sabi ni Dave

“pero, ano ang magagawa namin. Kung mahal ka talaga ng ate namin” sabi ni Deither

“at isa pa, tadhana na yata ang gumawa ng paraan para magkakilala kayo” sabi ni Dustin

“kaya ang hinihiling lang namin sa iyo, na alagaan mo siyang mabuti.” Sabi ni Diether
“oo naman, gagawin ko ang lahat para mapasaya ko lang siya.” Mabuti naman at nadaan sa mabuting usapan ang lahat
Tumayo ako at nag-alok ng kamay sa kanila

Tumayo naman si Dave at kinuha ang kamay ko. Kasunod si Dustin at lastly si Diether.

*sigh* at least panatag na ang loob ko ngayon.

No comments:

Post a Comment