Chapter 2:
“STOP THIS NONSENSE RIGHT NOW!” aniya ng isang babaeng nasa mid 40’s Kahit na may gulang na ito, kung tutuusin meron pa rin itong tinatago na kagandahan. Nakapang-business woman attire siya at nakasuot ng 4 inch stilleto’s. Nasa likod nito ang tatlong machong mga lalake, na handa ng pumatay ng tao sa mga itsura nila.
“Juri-san nani kore?[Juri what is this?]” tanong ng babae kay Juri.
“Ma…” sagot ni Juri na halatang may pag-aalala sa kanyang boses.
“Hoy! ‘di namin maintidihan ang sinasabi mo!” sabi ng lalaking nakahandusay na sa sahig.
“Pasensya na po sa nangyari rito, para hindi na maka-cause pa ng gulo ang lalakeng ‘to dadalhin na naming siya sa police station” sabi ng mama ni Juri, at dinala na ng mga bodyguard ng mama niya ang lalake.
“you two!” tinuro niya sila Juri at Dave. “come with me” lumakad na ang mama ni Juri na parang nasa catwalk at rumarampa. Pumunta sila sa office nito, malawak yun, color white and gold ang motif kaya malinis tingnan. May isang mesa at master’s chair at apat na single’s couch sa harap na mesa. Umupo si Juri sa right side na chair, tumabi naman sa kanya si Dave.Umupo na rin ang mama niya.
“what’s that ruckus all about?” tanong ng mama niya sa kanya
“yung lalake kasi hinarang yung dadaanan ko tapos nahulog ang mga dala ko”katwiran ni Juri
“do you know costumers are always right?”
“right? Right?! Kung right siya. Left ako? Ganun? If that man was right, where’s my right? Alam naman ng lahat na siya yung may kasalanan, ‘di ako. Tapos siya pa yung kakampihan mo, wala nga sa tamang isip niya yung lalakeng yun tapos tama pa siya. MAN! WHERE’S THE JUSTICE!” tuloy-tuloy na sabi ni Juri. Nagulat naman si Dave sa sinabi ni Juri.
“Damare![shut up] ayan naman yang litanya mo, ok fine! Right ka na.” asik ng mama ni Juri sa kanya.
“By the way, I’m Ikeyamada Go the mother of this child” tumayo si Go at inabot ang kamay niya kay Dave.
“grabe ang anak na pala ngayon ang nag-lilitanya sa mama niya, sira na talaga ang mundo. Climate Change, nararamdaman na talaga kita” isip ni Dave.
“Ako naman po si Dave. Park Jung Min, but Dave is my english name.” nakipag-shake hands din siya sa mama ni Juri.
“salamat ha. Tinulungan mo etong anak ko kanina, actually kaya naman niya ang sarili niya kaya lang babae siya kaya ang sagwa tingnan kung siya yung makikipag-suntukan sa boy kanina”
“ok lang po yun actually, bo—“
“Friend ko po siya ma.” Hinarangan ni Juri ang sasabihin sana ni Dave
“Friend? Ok. Basta, thank you dear.” Sabi ni Go kay Dave.
“Ma, ihahatid ko lang po siya sa labas” Itinulak ni Juri si Dave para lumakad ito palabas.
“ok.” Sagot naman ni Go.
Naglakad sila Juri at Dave papunta sa train station o MRT kung tawagin.
“ang lakas mo pala” sabi ni Dave
“huh?”
“Isang sampal lang yung ginawa mo pero tanggal agad yung ngipin ng lalakeng yun.” Aniya ni Dave na may pagmamangha sa mga mata
“Ah yun ba? Marunong kasi akong mag aikaido kaya yun, malakas ako kaysa normal na babae”
“Aikaido?? Ano yun?”
“Yung kapatid na taekwondo na pinsan ng judo” paliwanag ni Juri
“Ahh”tangu-tangong sagot ni Dave na natutuwa kay Juri, may kapatid at pinsan pa siyang nalalaman. “kung anu-ano lang talaga ang pinag-sasabi nito” aniya sa sarili.
“Ba’t ka naman nag-aral nun?” tanong ni Dave
“Kelangan eh, kasi walang magpoprotekta sa akin kung nasa panganib ako. Wala na kasi si papa kaya kailangan kong maging malakas.” Nakayukong sagot ni Juri
“Saan pala ang papa mo?”
“Patay na…” nagulat si Dave sa sagot ni Juri “namatay siya sa isang car accident” patuloy ni Juri.
“sorry” sabi ni Dave
“Ok lang yun,” Nag smile ng kaunti si Juri pero mapait.
“Pero lumaki ka pa rin na walang ama”
“Ano ka ba napaka-emo mo naman. Di bagay sa ‘yo” humagikgik ng kaunti si Juri.Hinawakan ni Dave ang kamay ni Juri, napatingin naman si Juri sa kanya. “Ba’t parang may music ngayon na tumutugtog sa isip ko. It’s a very sweet song.” Napangiti lang si Juri at nagpatuloy na sila sa paglalakad. Dumating na sila sa tapat ng train station at nagpaalam na isa’t isa.
KINABUKASAN pumasok na si Juri sa skwelahan dala-dala ang mga libro na binigay ni Dave para sagutan niya. Natapos na niya yaon at balak na sana niya itong ibigay kay Dave.Biglang tumunog ang cellphone ni Juri. 6:30 AM pa lang pero may tumatawag na sa kanya. Tiningnan ni Juri kung sino iyon ,si Dave.Sasagutin na sana ni Juri ang cellphone niya ng biglang huminto naman ang pag-ring nito.Hindi natagalan may nag text sa kanya, si Dave ulit.
“Wer na buh u? (“,)” aniya ni Dave sa text.
“Nasa classrum q. y? (‘.’)?” reply naman ni Juri
“punta u de2 sa ruf tap merun aq pk8a seu : D”nagtataka si Juri sa sinabi nito. Pumunta siya sa roof top kagaya ng sabi nito. Dala-dala rin ni Juri ang mga libro in case na ito pala ang kailangan nito.Nang makarating na siya, biglang may humalbot sa kanya. Nagulat naman si Juri, namalayan na lang niya na nasa loob na siya ng isang kwarto, madilim yun at halatang hindi na masyadong ginagamit.
“Sino ka bah?!” ani ni Juri na halatang iritado sa boses. Biglang may nag-on ng mga ilaw at nakitang si Dave lang pala iyon.
“Ano ba kailangan mo?” Kalmadong tanong Juri.
“Tanggalin mo yang glasses at braces mo. Pati yang buhok mo ayusin mo rin…”biglang napa-isip si Dave “ai.. ‘wag na lang.”
“Labo mo.” Nakakunot ang kilay ni Juri ng sinabi niya ito. Napabuntong-hininga si Dave. Ngumiti siya “huwag kang pumasok ng klase ngayong araw ha.”
“ANO?! ARE YOU INSANE?! BAKA! [IDIOT!] at ano naman ang gagawin ko na kailangan pang ipagpaliban ang pag-aaral ko ngayon, hah?” asik niya kay Dave na may kasama pang taas-kilay.
“array! Sakit ng tenga ko! Parang lalabas lahat ng earwax ko sa lakas ng boses mo. Pwede hinaan mo lang? baka may makarinig eh….. pero ok lang iisipin siguro nila na nagl-lq lng tayo.” Meron pilyong ngiti sa mga labi nito habang sinasabi ito.
“EWW!!” bumuntong hininga si Juri “ano ba kasi kailangan mo? Yung mga libro mo, nahulog ata nung bigla mo akong halbutin. Tapos ko nang sagutan” kalmadong sagot ni Juri
“ahw, Thank you” nag-smile si Dave sa kanya, iba yun sa mga smile na nakikita na sa kanya araw-araw. It was sweet and looked like it really came from the heart “gwapo ka palang hinayupak ka” aniya ni Juri sa sarili. Ngayon lang talaga niya napatunayan sa sarili niya na Dave ay isang lalakeng may mukhang hindi mo basta-basta makikita sa paligid. Maganda ang hugis ng mata nito, kung nag-sasalita ito ang mata naman niya ay ngumingiti, matangos ang ilong tamang-tama sa mukha niya. Ang mga labi naman nito, maninipis pero gugustuhin mong halikan. “wait! Halikan! Yuck!!” aniya ni Juri sa sarili. Naka pony-tail ng kaunti ang buhok ni Dave at meron siyang bangs na bagay sa kanya, parang kamukha niya yung mga artista sa Korea, na si Park Jung Su.
“Nakakatitig ka ata ng matagal sa akin?” napukaw si Juri sa mga iniisip niya.
“hah?! Wala!! Ano ba kasi kailangan mo sa akin?”
“balak ko kasi mag-date tayo ngayon, ayaw mo ata.”tumingin sa ibang dereksyon si Dave habang ang mga kamay niya ay nasa ulo niya.
“siyempre… ayaw ko. May klase tayo ngayon at tsaka date?! Para saan naman yun? ‘di mo naman ako totoong girlfriend.”napatingin sa kanya si Dave sa kanya, unti-unting inilapit ni Dave ang mukha niya kay Juri. Si Juri naman napa-atras sa ginawa ni Dave ngunit naabot na niya ang ding-ding kaya wala na siyang ma-atrasan pa. Tinibayan ni Juri ang loob, hindi siya natinag sa ginawa sa kanya ni Dave. Sinuklian niya ito ng matatalim na tingin.
“Ikeyamada Juri, remember this. YOU ARE MY GIRL… FRIEND” hinalikan ni Dave ang pisngi ni Juri. Nagulat naman si Juri sa ginawa ni Dave pero hindi niya pinahalata yun.Bumilis ang pintig ng kanyang puso, hanggang ngayon tinitingnan pa rin ni Dave sa Juri ng mata sa mata. Masyadong malapit pa rin ang kanilang mga mukha. Parang sasabog na ang puso ni Juri buti na lang may pumasok sa silid. Si Mr. Dulaogin ang school maintenance nila. Napatingin silang dalawa kay Mr. Dulaogin
“ang aga-aga may nangyayaring himala, mga bata talaga ngayon” umiling-iling si Mr. Dulaogin, kinuha niya ang isang walis at dustpan “sige, una na ako sa inyo, bahala kayo sa buhay niyo” Umalis na si Mr. Dulaogin. Natigilan si Juri, tumingin ulit siya kay Dave, mabuti na lang at malayo na ito sa kanya.
“a-aalis na ako.” Lalakad na sana si Juri ng pigilan siya ni Dave.
“ ‘di ba talaga pwede?” tanong nito
“ang ano?” sagot naman ni Juri.
“na mag-date tayo. Kahit minsan lang.please” Parang puppy ang mukha ngayon ni Dave.
“Kung libre ako, bye.” Umalis na si Juri ng tuluyan.
HUMIGA na si Juri sa kanyang kama, dala-dala ang kanyang diary. Kailangan kasi niyang mag-sulat doon roon isa yun sa utos ng mama niya. Hindi niya alam ang dahilan kung bakit siya pinapasulat dito, pero kahit ano pa yun nag-eenjoy siya sa pag-susulat doon.
Dear diary,
August 21 na ngayon. Ang dali lang ng panahon, parang kahapon pasukan pa lang pero ngayon nasa kalagitnaan na kami ng klase. Masyadong maraming assignments at may mga asungot rin sa school. Hanggang ngayon hindi ko pa rin nasasagot ang mga tanong na nasa isip ko, kagaya ng kung bakit kailangan kong mag-disguise pag papasok ako sa school, pero hindi yun kailangan kapag nasa work ako. Kung bakit ako pinapasulat ako dito ni mama, pero ok lang nag-eenjoy naman ako eh. Hehe. So, what really happened today is a thing I really don’t understand. Bigla na lang siya nag-yaya ng date. Umandar naman yung puso ko, heto na naman siya nagbebeat ng fast. Nang dahil sa lalakeng yun, para sasabog ang puso ko. Since ng nakilala ko siya. ‘di ko naman alam kong bakit. Basta ganito lang ‘to, in love na ba ako? ‘di ko alam. Naiirita naman ako palagi kung nandun siya sa paligid ko. Pero parang may kulang kapag wala naman siya. May problema lang siguro ang hypothalamus ko kaya ganito ang nararamdaman ko ngayon. HAY!! Ewan… Park Jung Min[dave] ano ka ba kasi, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa’yo?! Eh, siya kaya? May nararamdaman kaya siya sa akin? Teka?! Bakit ko tinatanong to sa sarili ko? Wala akong paki-alam kung may gusto siya sa iba.
“wala nga ba?!” aniya ni Juri sa kanyang sarili
Siguro meron, pero dahil sa curiosity yun noh. Ewan. Goodnight!! Patuloy nito sa pagsulat sa kanyang diary.
Biglang nag-beep ang cellphone ni Juri. Tiningnan niya kung sino yun. Si Dave.
“kailan ba u libreh??” aniya nito sa text
“di ko alam. Bc person aq eh.” Reply naman ni Juri.
“ganun buh? Basta sbhan mo aq huh kng kailan u libre? Good night. GBU! SD! TCO!”sagot naman ni Dave sa kanya.
“baliw talaga tong lalakeng ‘to” ‘di niya alam kung matutuwa o maiirita siya sa dami buh naman ng shortcut na nilagay ni Dave sa text niya. “mild jejemon siguro ‘to” aniya sa sarili, hindi kasi niya masyadong naiintindihan ang mga shortcut sa text messages.
“ano yung SD?” reply niya dito. GBU at TCO lang ang alam niya rito.
“HAHAHAHHA =D d mo pala alam un?? Anu kbuh huh?? Syempre SWEET DREAMS. Tsk tsk tsk >_< V” reply nito sa text niya.
“Ewan ko sa’yo hmmp!!! AMP ka!!” sigaw niya sa cellphone niya na parang ito si Dave. “Makatulog na nga”
NANG pagsapit ng umaga, inihanda na ni Dave ang kanyang gamit para sa skwelahan, hindi matanggal-tangal ang ngiti sa mga labi niya. Parang nakamighty bond yun. Para siyang baliw, ‘di nga niya alam kung bakit siya ngumingiti ngayon, basta naiisip niya si Juri nakakangiti siya na parang baliw. Pero kasiyahan man ang nararamdaman niya ngayon, meron pa rin siyang pangamba. Naniniwala kasi siya sa kasabihang “pagkatapos ng kaligayahan ay kalungkutan” ni hindi niya alam kung sino ay may sabi nun sa kanya o kung sino ang nagpasimuno ng mahiwagang sentence na yun. Pero kung iisipin totoo naman din yun kaya naniniwala siya rito.
“ang aga mo na yata kung pumasok sa school ngayon” nilingon niya ang boses ng nagsabi nun. Ang umma[mama] niya pala.
“UMMA!!” sumaya ang mukha ni Dave, ilang months din na hindi sila nagkita ng umma niya.
“How’s korea?” tanong ni Dave sa kanyang ina.
“Fine, maraming upcoming shows ang mga idol ko” Kpop lover kasi ang umma ni Dave, kahit medyo may edad na hindi pa rin ito nawawala sa trend ng panahon. Dave’s mom was young at heart and her looks.
“Anong nagyari sa’yo? ‘di ba nung last kita binisita dito sa bahay mo eh, mga ganitong oras ay tulog ka pa. Imagine it’s only 6 o’clock in the morning pero heto ka at bihis na bihis para sa school. Dati rati halos malate ka na kung pumasok sa skwelahan mo. Did I miss something? Or natuto ka na bang talagang pahalagahan ang pag-aaral mo?”
“Umma, people change.” Isang ngiti ang binigay niya sa kanyang ina. “I better go now, annyeong!!” nag wave ng bye si Dave sa kanyang umma at pumunta na si Dave sa kanyang skwelahan.
NATULALA si Juri pagdating niya sa skwelahan, umaalingaw-ngaw pa rin sa kanyang isip ang sinabi ng kanyang okasan.
“Yung Dave na yun, friend mo siya di ba? Tanong ng okasan niya sa kanya.
“opo”sagot ni Juri
“ibig sabihin nag-aaral rin siya sa school niyo. Paano niya nalaman ang sekreto mo ha?” napakatalino pa rin ng okasan niya, alam nito na wala siyang mga kaibigan na galing sa skwelahan niya.Si Mila lang. Nakarandam ng pangamba si Juri.
“Kasi po..” hindi alam ni Juri kung ano ang sasabihin niya.
“Gusto ko layuan mo siya”
“ano po?”
“layuan mo siya, parang may gusto sa’yo yung lalakeng yun, ikaw naman hinahayaan mo siya na magkagusto sa iyo. Di ba usapan natin walang boyfriend-boyfriend until I say so.” Nag-nod lang si Juri sa mga sinabi ng kanyang okasan.
“ayaw kong makikipagkita ka pa sa lalakeng yun, baka mamaya malaman na ng buong mundo na sa murang edad mo pa lang nagtatrabaho ka na sa isang bar. NO LOVE WHEN YOU ARE STILL STUDYING OK?”
Hindi pa rin makapaniwala si Juri sa sinabi ng kanyang ina, ang wais-wais talaga nito, she knows every person well. “bakit ngayon pa? bakit? Na kung kailan interesado ako kay Dave. Mali naman si okasan eh, wala naman gusto sa akin si Dave. Ata.” Isip ni Juri. Pero tama ang mama niya, kailangan layuan na niya si Dave kung ayaw niyang malaman ng iba ang sekreto niya. Pero bakit ganun na lang ka over-protective sa kanya ang kanyang ina sa kanya? Nadagdagan na naman ng tanong ang isip niya. Kailan ba niya ito masasagot?
“hoi! Ba’t natulala ka?” natinag siya sa ginawa sa kanya ni Mila, akalain mo ba naman na tutusukin nito ang pwet niya.
“ano ba? Masakit ha.!” Pa-cute na pagtatampo niya.
“samahan mo ako sa CR. Please.”
“ok.” Pumunta sila sa Girl’s CR. Samantalang naglalakad sila, nakita nila ang grupo ni Dave, kasama nito ang co-players niya sa Basketball at si Allen. Nakatingin sa kanya si Dave, nakangiti ito. Parang magm-melt siya sa ginawa ni Dave “stop it! This is not right!” saway niya sa kanyang sarili.
“Yung BF mo oh” Untag sa kanya ni Mila.
“Hindi ko siya BF” lumakad si Juri, malapit na siya sa CR ng nilapitan siya ni Dave.
“Hi” bati nito. Hindi niya pinansin ito at tumuloy na sa pagpasok sa CR, sumunod din naman sa kanya si Mila
“LQ?” tanong ni Mila
“anong LQ? Di kami lovers kaya Malabo yang LQ-LQ na yan.”
“ang labo mo, di ba inanounce nga niya na GF ka niya, havey na havey pa naman si Dave sa akin pari maging BF mo” Lumalabas na naman ang bading na accent ni Mila, palibhasa lumaki sa lugar na 95% ang mga babae at binabae.
“eww. STFU!”
“OMG!! Ano ba kasi nangyari at iniiwasan mo siya?”
“basta! Kailangan talaga, and besides para matigil na ang lahat. Period, tapos, end.”
“’di kita maintindihan friend..”
“pumasok na nga tayo, math pa naman yung una natin”
“ANONG nangyari sa babaeng yun? Naging snob bigla.”
“Baka sakit ng babae buwan buwan.” Sagot ni Allen
“imposible, iba eh” aniya ni Dave
“ikaw naman kasi bro, sa dami-dami ng isda sa dagat yung janitor fish pa ang napili mo” nagtawanan lahat ng team mates niya.
“Akala niyo lang yun. At tsaka ‘wag niyo siya pagsasalitaan ng ganyan ang babe ko.” Galit na sabi ni Dave.
“aba! Cheesy mo ha” aniya ni Bryan
“right!” sangayon naman ni Joseph
“pag-ibig nga naman, mahiwaga ka talaga” isang makata ngunit biro na sabi ni Andrew.
“ewan ko sa inyo” umalis na si Dave at iniwanan ang mga kasamahan niya. Pinabayaan niya lang na pangit sa paningin nila si Juri baka kasi kung malaman nila kung gaano kaganda ito ay ligawan nila si Juri.
Pumunta si Dave sa classroom nila Juri, nagtilian naman ang mga babae pagkakita sa kanya. Nilapitan niya si Juri.
“Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Juri.
“mag-usap tayo.”
“outsiders are not allowed to enter this room.” Coldly Juri said.
“bawal ba ako dito?” tinanong ni Dave ang mga babaeng kanina pa nakatingin sa kanya.
“Hindi. Ok lang basta ikaw.” Sabi ng isang babae.
“Mag-usap tayo please” sabi ni Dave.
“Nag-uusap na tayo can’t you see?” iniayos ni Juri ang kanyang glasses habang siya ang nagsasalita.
“I mean. I want to talk to you in private.” Dave grabbed Juri’s hands and brought her to the school secret garden, actually hindi secret yun pero nakatago kasi ang garden sa likod ng skwelahan at mahirap ito makita kaya tinawag ito na Secret Garden. Puno iyon ng iba’t ibang klaseng bulaklak at puno, meron din iyong lake na malinis at halatang inaalagaan ang lugar ng mabuti. Sa harap ng lake sila nag-usap ni Juri.
“Talk” aniya ni Juri na sobrang cold sa pagsasalita. “malapit ng mag-bell kaya bilisan mo.” Patuloy nito
“ano bang nangyari sa’yo?” tanong ni Dave.
“wala” sagot ni Juri “pwede ba humiling ng isang bagay sa iyo?”Hindi umimik si Dave. “layuan mo na ako please. Ayaw ko ng gulo I want my life peaceful kaya stay away from me.” Pagkatapos sabihin iyon ni Juri umalis na siya at nag-walkout. Naiwan si Dave na nakatingin lang kay Juri na lumalakad palayo.
INIHATID na ni Juri ang mga orders sa table na nag-order nito. Pagod na pagod na siya, marami kasing tao na dumating sa bar kasi weekend lalo na pag 9 pm na. Sabi kasi ng mama niya na kailangan niyang mag-trabaho para matuto siya sa buhay, tama naman ang point of view nito kaya sinunod niya iyon. Mothers knows best ika nga. Napatingin si Juri sa labas ng glass window, umuulan pala. Malakas iyon, meron kasing ITCZ kaya umuulan ng ganoong kalakas.
“Ma’am may naghahanap po sa inyo” aniya ng bodyguard nila
“sino?” tanong ni Juri
“yung kaibigan daw ninyo, yung tumulong po sa inyo sa lasing na lalake.”
“Si Dave?” naalala niya ang sinabi ng kanyang ina “huwag mong papasukin hah. Baka magalit si okasan.”
“opo” umalis na ang guard. Gusto sana niyang makita si Dave, there’s just this feeling that’s pushing her to but she can’t. Ayaw niyang masira ang relasyon nila ng kanilang ina, strikta man ito, ito lang ang nag-iisa na pamilya niya at ina sa buong mundo. Mahal niya ang kanyang ina kaya ayaw niya itong saktan.
Tapos na ang shift ni Juri, alas-dose na nang gabi, umaambon pa rin sa labas pero hindi na iyon kasing lakas kaninang mga 9:30.
Lumakad siya paalis ng dressing room, nag-paalam na rin siya sa mga kasamahan niya. Wala ang mama niya kaya wala siyang makakasabay ngayon, meron kasi itong kameeting na hapon. Ang alam niya magpapatayo raw ng bar ang kanyang ina sa Japan kaya naging busy ito nitong mga nakaraang araw. Suot-suot niya ang isang short at jacket sa loob nun ay isang black na tube, naka-lugay ang buhok niya at hindi pa niya tinatanggal ang eyeliner niya, nagmukha tuloy siyang model sa get up niyang iyon. Huminto na ang ulan ng lumabas siya sa bar nila,tumingin siya sa relo niya. 12:10 am na. Inaantok na siya, kaya balak niyang matulog whole day, wala naman kasing klase bukas. Nabigla siya sa nakita ng binuksan niya nag pinto. Si Dave, basang-basa ito, ang akala niya umalis na ito kanina pa pero nandun pa rin ito na parang basang sisiw na hinihintay ang kanyang ina. Tiningnan siya nito, parang mababaliw siya, masyadong malakas ang pump ng heart niya. Kinabahan siya, pero kailangan niyang lumayo rito. Napili ni Juri na hindi pansinin si Dave at lumakad siya ng mabilis.
“wait” hinawakan ni Dave ang kamay ni Juri, parang may kuryente na bumalot sa kanyang katawan sa nangyaring yun. Naramdaman ni Juri ang mainit na basa na kamay ni Dave.
“Bitiwan mo ako” nabawi ni Juri ang kanyang kamay at kumaripas siya ng takbo kahit na naka-high heels siya. Hinabol naman siya ni Dave, tumatakbo rin ito halos maabutan na siya. Naka-abot si Juri sa isang side-walk na meron waiting shed sa dulo at meron bakal na fence sa gilid nito. Naisipang tanggalin ni Juri ang kanyang heels kasi masakit na ang mga paa niya.
“Juri!!” sigaw ni Dave. Nagmamadali naman siyang kunin ang kayang heels at kumaripas ulit ng takbo, pero naabutan siya ni Dave at sapilitan siyang isandal sa bakal na fence sa gilid ng sidewalk.
“Ano bang problema mo?”aniya ni Dave na namumula ang mga mata.
“wala akong problema.” Sagot niya rito na pilit kinukuha ang mga kamay na hinahawakan ng matindi ni Dave. “biti—wan mo ako” hirap siya sa pagsasalita kasi kinakapos na siya ng hininga.
“Alam mo bang 3 hours akong naghintay sa’yo sa labas, at umuulan pa nun. Ano ba kasing nangyari sa’yo”
“Sinabi ko ba na intayin mo ako? Hindi di ba kaya hindi ko kasalanan yun” asik niya kay Dave. “kaya pwede ba bitiwan mo ako!” sigaw ni Juri kay Dave.
“ayoko.” Sagot ni Dave
“bitaw!!”sabi ulit ni Juri
“ayoko ko nga sabi!! Ang kulit mo!!”
“ako pa ngayon yung makulit na ikaw naman ‘tong nangungulit.Ayaw na kitang makita kaya pwede ba?!” mangiyak-ngiyak na sabi ni Juri
“SHUT UP!!” biglang hinalikan ni Dave si Juri. Nagulat naman si Juri sa mga nangyari. Bumitaw na si Dave mula sa pagkakahalik sa kanya at bigla itong nahimatay.
“ DAVE!!” sigaw ni Juri
No comments:
Post a Comment