it's my first story. I'm Sorry for the TYPO'S
Actually this story is my entry for a certain pocketbook. Kaso sabi nila studyante pa daw ako kaya ayun, hindi nila pwedeng tanggapin.
----
Chapter 1:
Nerd kung tawagin si Juri sa kanilang skwelahan, Isa syang half-japanese. Meron syang malalaking eye glasses na tumatakip na sa kanyang mukha, at meron din syang braces na kulay pink at si “PUCCA” pa ang design.
“Juri!! Paki tulungan mo ako, please.” Aniya ng kanyang kaklase na si Mila.
Friend niya kung maituturing ito. Mag kasangga sila sa ano man hamon sa skwelahan. Kagaya sa mga bully at sa mga feeling na girls din na ang iniisip na sila ang pinaka-magandang babae sa balat ng lupa.
“Sure!” naka-smile naman na tugon ni Juri.
Tinulungan nga ni Juri si Mila sa assignment nila sa math. Matalino naman si Juri. ‘Di lang sya gaano nag paparticipate sa mga school activities kaya 2nd Honor lang siya sa kanilang batch.
Nag ring na yung bell, palatandaan na magsisimula na ang kanilang klase. Pumapasok na ang lahat at nagsimula na ang kanilang klase.
Pumasok na rin yung teacher nila, pero bago pa man magsimula ang kanilang klase inutusan na siya ng kanilang teacher na pumunta sa kabilang room para kunin yung mga bagay na kekelanganin nila para sa kanilang experiments. Pumunta naman si Juri sa kabilang klase kagaya ng sabi sa kanya na kanilang teacher.
“Excuse me po…” aniya habang sumisilip sa pintuan ng kwarto.
Nagtinginan sa kanya yung mga schoolmates niya. Habang yung iba nag-bubulungan.
“OMG! The nerd is her” bulong ng babae.
“pssst!! Tumahimik ka nga. Wag mo nalng tingnan, baka mahawa tayo sa kaNerdan niya” sagot naman ng isa.
“akala mo naman kung sino ang mga taong ito!!Makikita nyo rin!!” isip naman ni Juri .
“Anong kelangan mo?” sagot naman ni Dave. Siya ang maituturing na heartthrob sa school campus nila. Bad boy image ang meron siya. Ngunit siya parin ang class president ng kanilang klase kasi gwapo siya, responsible yun nga lang tamad mag-aral.
“Aaahh… may pinapakuha kasi si Ma’am Luna” sagot naman ni Juri na parang walang expression sa kanyang mukha. Actually hindi siya nadadala sa kagwapuhan ni Dave. Iba kasi ang mga type ni Juri basta lalake na ang pinag-uusapan. She prefer anime than true people.
“Aaahh.. yung mga test tube.” Nag nnod siya habang sinasabi nito.
Kumawala ng isang malalim na hininga si Juri. Na ssuffocate na siya sa mga bulong-bulongan na kanina pa niya naririnig. Kesyo nerd daw siya, pangit daw siya. Di lang nila alam.
“Para saan daw ang mga ito?” biglang sabi ni Dave na hawak-hawak na ang mga gamit.
“ Edi para sa experiments namin” Sarkastikong sagot ni Juri.
Aabutin na sana niya ang mga test tube, ng binawe ni Dave ang kanyang mga kamay at itago ito sa kanyang gilid.
“Ano naman ang experiments nyo?” may pilyong ngiti na lumalabas sa mga labi ni Dave.
“Bullying again??”isip ni Juri.
“It’s none of your business” Taas kilay na sabi niya rito. Napalakas ata niya ang kanyang boses. Kaya nag tinginan na lahat ng mga tao sa kanya.
“MY GOD!! Did she just shouted at our prince?” bulong na naman ng isa.
“shimata!!” [shit]asik ni Juri sa kanyang isip.
“I mean.. di ko alam. Basta pinapakuha lang sa akin to ng teacher namin” sabi niya na pinipilit di mairita.
“Ganun ba. Eto oh.” Inabot na ni Dave ang mga gamit.
“Thank you” sabi naman ni Juri habang nakadugtong na ang mga kilay.
“NP” sagot naman ni Dave.
Umalis na si Juri ngunit tinatanaw pa siya ni Dave na may pilyong ngiti pa rin sa kanyang mga labi.
GABI NA, ng maisipan ni Dave na pumunta sa isang bar. Siyempre alam niyang bawal ang mga 18 below sa lugar na yun kaya inaabutan niya ng pera ang guard para makapasok siya sa loob ng bar. Kaka-sixteen lang niya pero 2 years na siya umiinom ng beer at nag-tatable ng mga babae. Habang umi-inom siya ng mga liquor napansin niya ang isang magandang waitress. Parang ka-edad lang niya iyon at parang sobrang familiar sa kanya yung face ng babae.
“Brad, bago ba yung babaeng yun?” Tinuro niya yung waitress na nakikita niya.
“aahhh yun, hindi po. Anak kasi siya ng may-ari kaya pinapatrabaho siya para daw makatulong” sagot naman ng bar tender.
“ ahhh…” tumago-tango na sabi ni Dave.
“Pwede ko ba siyang i-table?”tanong niya
“ Naku hindi po, under-age pa po kasi. Mga 16 pa po yung edad niya.”
“ok.”
Umalis na si Dave sa bar, pero hindi pa rin mawala sa isip niya yung babae. Para talagang nakita na niya ito ‘di lang talaga niya matandaan.
Kinabukasan, nag-mamadali si Juri papunta sa skwelahan niya. First time niyang malate ng ganito. Hingal na hingal na siya ngunit hindi niya pa natatanaw ang school gate.
“Ba’t ba kasi ang layo ng gate mula sa babaan eh. Grrrr” murmur niya sa kanyang sarili.
“ Ganyan talaga yan..” sagot ng lalaking sumasabay din sa kanya ng takbo. Si Dave. “ bilisan mo nalang”
“…” Hindi umimik si Juri baka kasi masisira lang yung araw niya kapag kakausapin niya ito.
Si Dave ang isa sa mga tao na bumubully sa kanya araw-araw.
Half-korean ito at kasali sa basketball team nila. What do you expect, basta lalake first love talaga nila ang basketball.
Buti na lang at nakapasok na sila sa skwelahan habang hindi pa nag-bebell.
Papasok na sana si Juri sa classroom niya ng biglang may bumuhos sa kanya ng tubig.
“OMG!!” sabi ni Juri. Nakita na lang niya na nagtatawan yung mga classmates niya at may mga tao rin na schoolmates lang niya.
Tiningnan niya ang paligid niya at hinanap si Mila ngunit absent pala ito. Nakita niya si Dave nakatingin lang sa kanya halatang nagulat rin.
“Yan ang bagay sa ‘yo NERD BITCH!!” sabi ng babae na feeling maganda, na si Aireen.
“Tammaaaa!!” sang ayon naman ni Nicka.
“Yan ang napala mo, sinigawan mo kasi si prince Dave namin kahapon.” Malditang sabi ni Erica sa kanya.
“ You have no right to do that you bitch!!” taas kilay na sabi ni Aireen.
Tiningnan lang ni Juri ang suot niyang damit at tsaka nag walk out. Wala siyang expression sa mukha niya kahit galit wala. Pumunta siya sa roof top. Doon inalis niya ang eye glasses niya pati ang braces. Inilugay niya rin ang kanyang medyo curly na buhok. Bagay ang buhok na iyon sa mukha niya.
“You..!!” sabi ng isang boses lalake. Si Dave.! Akala ni Juri pumunta na ito sa classroom niya habang pinagsasabihan siya ng kung anu-ano ng mga babaeng yun.
NAKITA ni Dave na pumunta si Juri sa roof top kaya sinundan niya ito. Binigyan niya ng matalim na tingin ang mga babae na gumawa ng masama kay Juri. Pag-dating niya sa roof top nakita niya si Juri na tinatanggal ang mga glasses at braces, tsaka inilugay niya ang kanyang buhok. Parang slow motion ang lahat ‘di niya alam na may itinatago na kagandahan pala si Juri. Naalala niya bigla ang babaeng waitress sa bar. Si Juri pala yun, ang magandang babaeng yun.
“You…!” sabi ni Dave.
Biglang tumingin sa kanya si Juri, doon niya nakita ang maganda nitong mga mata medyo greenish pala yun at double eyelid din pala si Juri, at ang mga labi nito na bagay na bagay sa kanyang mukha. Dave thought that Juri was perfect. Pero bakit niya itinatago ang kagandahan niya?
“Ikaw yung babae sa bar!!” manghang sabi ni Dave kay Juri.
Biglang tumayo si Juri at tumakbo pero napigilan siya ni Dave.
“Ano ka ba ‘di ko naman ipag-sasabi ang sekreto mo eh.” Nakangiting sabi ni Dave.
“D-di ako yun” hindi diretsong sagot ni Juri.
“Anong di ikaw, tandang-tanda ko pa ang mukha mo. Ikaw yung wai—“ Tinakpan ni Juri ang labi ni Dave para hindi na matuloy ang sasabihin niya.
“Ok fine, It’s me. Pero pano mo nalaman bawal ang minors dun?” nakadugtong ang kilay ni Juri habang sinasabi yun.
“That’s the power of money”
“Please, ‘wag mong sasabihin sa iba.” Sincere na sabi ni Juri.
“Ba’t ‘di ka lumaban kanina. I’m sorry pala.”
“Sorry??”
“oo, sorry kasi ako pala yung dahilan kung bakit ka nila binuhusan ng tubig.” Paliwanag ni Dave.
“ Eh sa ayaw ko eh.”
Binigay ni Dave ang kanyang polo kay Juri para di ito malamigan. Naiwan na lang sa kanya yung inside shirt niya.
“arigatou” sabi ni Juri.
Biglang may naisip si Dave na dahilan sa pagliwanag ng kanyang mukha.
“You know what….” Simula ni Dave.
“para di ko ipag-sabi yang sekreto mo may condition ako.” Pilyong sabi ni Dave.
“ANO?! Ayoko nga,!! Iritadong sagot ni Juri.
“Sige ka, kung ayaw mo malalaman ng buong school na si Juri nag-tatrabaho sa isang—“ pinigilan ni Juri si Dave sa pagsasalita gamit ang kanyang kamay.
“Fine. I’ll do it!!” Taas-kilay na sabi ni Juri.
“Ok. From now on your my girlfriend.” Sabi ni Dave na may pilyong ngiti sa mga labi.
“WHAT!!??”
INIISIP pa rin ni Juri ang mga sinasabi ni Dave sa kanya kaninang umaga. Hindi na siya pumasok ng klase kasi na bad trip na siya sa tatlong babaeng yun.
“girlfriend….” Sabi ni Juri sa kanyang sarili.
“patay ako ke mama nito. Napaka-careless ko kasi.”
Biglang may tumawag kay Juri. Number lang yun kaya sinagot niya.
“Juri..” aniya ng boses sa kabilang linya
“hu u??” sabi ni Juri.
“Si Dave.”
“Dave?”
“Oo. Ako to”
“How did you get my number?” galit ngunit nag tatakang tanong ni Juri.
“ secret..”
“ba’t ka naman napatawag.?”
“di ba GF na kita”
“condition mo yun di ba?” sarkastikong sabi ni Juri.
“ikaw na gumawa nung assignments ko.” Utos ni Dave
“at bakit?” galit na talaga si Juri
“ Kasi girlfriend kita...” Confident na sabi ni Dave.
“ Gumising ka ng maaga bukas hah. Para magawa mo yung mga assignments ko, ok?? Dapat 6 a.m pa nasa school kana” ibinaba na ni Dave ang telepono pagkatapos sabihin ang mga iyon.
“ USER!!” sigaw ni Juri sa kanyang telepono
Kinuha ni Juri ang isang unan at sinuntok niya iyon.
“grrr.. Dave!! Akala ko pa naman ang bait-bait mo, may pabigay-bigay ka pa ng polo mo yun pala gagawin mo akong taga-gawa ng assignment mo!!” sabi ni Juri habang sinusuntok ang kanyang unan.
4:30 AM pa lang at gising na si Juri. Sinunod niya ang barumbadong Dave na yun. Siyempre ayaw niyang ipa-alam sa buong school campus na nagtatrabaho siya sa isang bar.
“hahai. Buhay nga naman ..” reklamo niya sa kanyang sarili.
Ine-ready na Juri ang lahat ng kanyang kekelanganin sa skwelahan, inihanda na rin niya ang kanyang sarili pati ang kanyang utak. Math kasi yung ipapagawa sa kanya malamang sobrang hirap nun na maaring mag-bigay sa kanya ng nosebleed. Sino ba naman kasing tao ang gusto ng math, nakakasakit na nga sa ulo yung mga theorems at postulates. Pero kaya naman lahat yun ni Juri kung pinag-aaralan niya ang mga iyon. Pagdating sa pintuan nagmeditate muna si Juri upang hindi siya mairita sa mga mangyayari ngayon araw. 5:30 na nang maka-alis siya sa bahay nila. 30 minutes ang biyahe papunta sa skwelahan nila kaya nagmamadali na siya sumakay ng bus papunta sa skwelahan nila.
Saktong 6 am na ng makapasok sa school nila si Juri. Pinuntahan niya ang room nila Dave, nagulat na lang siya ng makita niya ito na natutulog sa kanyang desk. Nilapitan agad ni Juri si Dave upang gisingin.
“Hoy! Dave gising na!! yung assignment mo bilis!!” sabi ni Juri habang inyuyugyog si Dave.
“mmmmm…”Ungol naman ni Dave na parang ayaw pang gumising.
“Gising na sabi eh!!”
Sinimulan na ni Dave na imulat ang mga mata niya. Para siyang bata na walang kamalay-malay sa mga pangyayari sa hitsura na pinapakita niya kay Juri. Inshort parang tanga yung mukha niya habang nakatingin kay Juri.
“ Ba’t ngayon ka lang.?” Tanong ni Dave
“Sabi mo 6 diba? Kaya 6 na ako nakarating dito” paliwanag naman ni Juri.
“Kanina pa ako 5:30 dito alam mo ba yun?”
“Aba!! Sorry po!! Di ko naman PO alam na ganun ka kaaga kung dumating sa school.! EARLY BIRD ka pala. Yung assignment mo Bilis!” Asik ni Juri habang iniaabot ang kamay para makuha ang mga notes na sasagutan niya.
“Eto oh!” iniabot naman ni Dave ang tatlong makakapal na libro sa mathematics at isang pad ng intermediate.
“eto lahat??”gulat na sabi Juri
“Oo yan lahat, kailangan ko na yan bukas hah. Babe.” Sabi ni Dave na may pilyong ngiti sa mga labi.
“Eeeewwww!! ‘wag mo nga ako mababe-babe, It’s disgusting” Mataray na sabi ni Juri.
“Ok.” Sagot ni Dave.
Sinimulan na ni Juri ang pagsagot sa mga math problems na ibinigay sa kanya ni Dave.
“mahirap ba??” Tanong ni Dave habang nakatitig kay Juri.
“Oo noh! Ano pa ba sa palagay mo. Math nga eh syempre nosebleed ang aabutin ng kahit na sino”
“Bakit sila Euclid at Pythagoras hindi naman nag-nosebleed sa pagdiscover ng mga theorems at postulates na yan?”
“Aba malay ko! Sila nga yung nag pasimuno nito di bah. At tsaka genius ang mga yun. Maliit man ang mga kukote nun kaysa normal na tao, mas marami yung naka-palaoob na mga kung anu-anong mga bagay. Curiosity is the start of everything.” Isang mahabang paliwanag naman ni Juri.
Hindi maipagkakaila na matalino ang dalawa kaya lang kung hindi tamad mag-aral ayaw lang talaga nila ng popularity. In case of Juri popular siya as a nerd, ngunit ayaw niya na napapansin siya ng ibang tao. Si Dave naman sikat kasi gwapo at tsaka yung bad boy type kung baga. Hindi naman din maitago na magaling rin ito mag-basketball.
“my gosh! Sumasakit na yung ulo ko! Sobra!” reklamo ni Juri.
“Pag-tiisan mo nalang” isang ngiti na may kasama pang wink ang binigay ni Dave kay Juri.
“Alam mo huwag ka nalang mag-glasses. Mas-maganda ka kapag nakikita yung mga mata mo.” Suggest ni Dave kay Juri.
“Ayoko.”
“Bakit?” bigla naman na inilagay ni Dave ang mga kamay sa mga glasses ni Juri balak niya sanang kunin ang mga iyon ng biglang may pumasok mula sa pintuan.
“Dave, ang aga mo ata—“ biglang napatigil si Allen ng makita si Juri.
“woah! Woah! Am I missing something here?” sabi ni Allen na iniwwave pa ang kamay na parang nag-no no deal.
“Sorry, aalis muna ako” tumayo si Juri at umalis palabas ng kwarto.
Tiningnan ni Dave ang kanyang relo na Techno Marine. 6:30 am na pala, mag-sisimula ng dumating ang mga tao sa school sa oras na iyon.
“Tell what happened.” Umupo so Allen sa harap ni Dave na sobrang excited na malaman kung bakit niya kasama ang dakilang nerd sa balat ng St. Anthony Academy.
“Dude, you shouldn’t disturb us.” Seryosong sagot ni Dave.
“Wae? [why?]” Tanong ni Allen na nagkkorean pa. Pareho silang half-korean ni Dave. Magkababata sila. They were friends since they are in diapers.
“Allen…” tinap ni Dave ang balikat ni Allen.
“Ikeyamada Juri is my girlfriend.” Patuloy nito.
“GIRLFRIEND!!” sigaw ni Allen na napatayo sa kanyang kina-uupuan.
“O M G!!!” gulat na gulat na sabi ni Allen.
NAGBUBULUNGAN ang mga tao kapag dumadaan si Juri sa harapan nila. Di niya alam ang dahilan. Nagtataka na talaga siya sa mga nangyayari. Biglang lumapit sa kanya si Dave. Nagsigawan naman sa kakiligan ang mga tao sa paligid niya.
“Anong nangyayari?” tanong ni Juri
“I don’t even know” sagot ni Dave
Biglang may kumalabit kay Juri
“totoo ba?” Ani ni Mila na bigla na lang sumulpot
“ang ano?” nakakunot ang kilay ni Juri habang itinatanong ito.
“Na mag—“ itinaas ni Mila ang dalwang index finger niya sa magkabilang kamay. Ipinag-tabi niya ito. Nagets naman ni Dave ang ibig ipahiwatig ni Mila.
“Yes! We are dating.” Inakbayan niya si Juri, Nagsigawan naman lahat ng nakakita sa kanila. Iba kinilig ang iba parang na irita. Ang pinakanairita sa lahat ang tatlong babae na sina Aireen, Nicka at Erica. Hindi nila ma-absorb na si Juri at si “prince” Dave nila ay mag-on.
“paano nangyari yun? My Gosh!” ani ni Nicka
“Bitch talaga ang nerd na yun!” nakapameywang na sabi ni Erica
“Shut up! May araw rin sa atin yun Juri na yun” taas kilay naman na sabi Aireen.
Pinagmamasdan nila sila Juri at Dave na papaalis mula sa corridor.
“WHAT the hell are they talking about?” asik ni Juri kay Dave.
Nasa secret garden sila ng school kaya malaya si Juri na sumigaw ng kung anu-ano.
“I just said that you’re my girlfriend, Is that bad?”
“Yes! It’s bad! Warui! Kimi wa baka!! Kimi wa warui!! [bad! You’re an Idiot! You’re so bad!]” nagsimula ng mag-hapon si Juri.
“Ano? Di ko maintindihan? Japanese ba yun?” nagtatakang tanong ni Dave.
“Don’t change the topic you moron!” matalim na tingin ang isinama ni Juri habang sinasabi ito.
“ok.” Nakataas na ang dalawang kamay ni Dave parang yung nakasurrender na sign.
“OMG! Doushiyo? [what am I gonna do?] meron nang mga taong magagalit sa akin ngayon, baka alamin nila yung family background ko.” Nakasapo ang kamay ni Juri sa kanyang ulo, halatang litung-lito siya sa mga pangyayari. Pati si Dave nahihilo sa pagtingin sa kanya. Ikaw ba naman tingnan tumingin sa ibang tao na nag-back and forth lang sa paglalakad.
“Tumigil ka nga!” utos ni Dave
“ Magtiwala ka sa akin sabi ko naman sa’yo di ba walang makaka-alam ng sekreto mo.” Sunod na sabi ni Dave.
“Ewan ko sa ‘yo!” biglang nag-walkout
“Tingnan mo yun, kapag tutulungan na tsaka naman magagalit. Complicated girl” isang ngiti ang lumabas sa labi ni Dave habang sinasabi iyon.
PUMUNTA na si Juri sa bar para magtrabaho kagaya ng utos ng kanyang “okasan” [mama]. Pumunta siya sa dressing room at nagpalit na nang suot, bago pa man siya pumunta sa bar tinatanggal na ni Juri ang nerd glasses niya at braces. Isa siyang “goddess of the eve” kapag sasapit na ang gabi. Siyempre hindi maiiwasan sa daan na may magtatanong ng pangalan niya, number, age at kung anu-ano pang information tungkol sa kanyang sarili.Hindi na lang pinapansin ni Juri ang mga iyon. Isinuot na nya ang uniform nilang mga waitress. Isang mini-skirt at tube na may vest na with hood. Meron rin silang head dress na parang sa mga maid, at sinuot na rin ni Juri ang kanyang boots na aabot sa tuhod na isang 3 inch heel. Itinali na ni Juri ang kanyang buhok, twin ponytail dapat kasi kasama yun sa uniform nila. Lalabas na sana siya ng makita niya ang isang pamilyar na mukha.Si Dave. Pinalilibutan siya ng mga babae, pati mga costumers tinitingnan si Dave. Lumakad si Juri as if hindi niya nakita si Dave, total wala naman siyang paki-alam rito, basta’t hindi siya nito pakiki-alaman sa kanyang trabaho. Nag-simula na siyang mag serve sa costumers. Dinala niya ang limang bote ng beer at dalawang pulutan sa isang table, ngunit may isang lasing na lalaki ang bumangga sa kanya. Nahulog ang mga dala niya, nakatingin ang lahat ng tao sa kanilang dalawa.
“Ano ba! harang-harang ka eh!” aniya ng lalaki na namumula ang mata, at naka-gewang-gewang na kung tumayo.
“H-hindi naman po ako yung may kasalanan eh, kayo po yung bumangga sa akin.” Matapang na sabi ni Juri.
“Anong ako?! Nakakainish naman to oh! Tang-ina!”Tiningnan ng lalaki mula ulo hanggang paa si Juri Ngumisi ito ng kaunti na parang may binabalak na masama.
“alam moh…. maganda ka, ako na mag-babayad niyan kung sasama ka sa akin...” lumapit ang lalake kay Juri at bumulong.
“Sa hotel” Nan-laki ang mga mata ni Juri, ‘di na siya makapag-timpi sa galit niya rito kaya sinampal niya ang lalake na parang wala ng bukas, dahil sa sampal na ‘yun natanggalan ng isang ngipin ang lalake. Nag-sigawan naman ang mga tao sa loob ng bar pati ang beat ng music nawala na. Nagalit na ng tuluyan ang lalake sa ginawa ni Juri.
“Malakas ka pala”aktong sasampalin din ng lalake si Juri may pumigil sa kamay niya.
“Pare, respetuhin mo naman. Babae yan oh, ‘wag mo naman suntukin.”aniya ni Dave na confident masyado sa pag-sasalita, kung titingnan mukhang magka-edad lang sila ng lalake.
“Isa ka pa” sinuntok ng tuluyan ng lalake si Dave. Aktong susuntukin rin sana ni Dave ang lalake para makaganti.
“STOP THIS NONSENSE RIGHT NOW!!”
No comments:
Post a Comment