Chapter 7:
“Daniel, kilala mo ba si Sir Dave?” tanong ni Juri.
“ oo, he’s our schoolmate. Nung highschool pa tayo.”
“ba’t wala akong maalala tungkol sa kanya?”
“you don’t have to remember him. Sa present mo na lang pagtuunan ng pansin ang lahat. ‘wag sa past.” Huminto na ang kotse, nag-smack ng halik sila Juri at Daniel tapos bumaba na si Juri.
“ bye” sabi ni Daniel. Nag-wave lang si Juri tapos umalis na ang sasakyan ni Daniel.
Bago pa man makatulog si Juri, nag-sulat muna siya sa kanyang diary.
Dear diary,
These past few days, may napapaniginipan akong boy. Hindi ko maclear yung mukha niya. Pero feeling ko kilala na kilala ko yung boy na yun. Ang weird ko ngayon, hindi ko maintindihan yung sarili ko. Nung nakita ko kasi yung girlfriend ng boss ko parang sumikip yung dibdib ko. Parang gusto kong agawin yung boss ko sa kanya. When I met my boss naman, parang bumilis yung pagtibok ng puso ko. It felt that it will explode anytime. Yung mata ko, gusto lumuha nung nakita ko siya. Pero di ko naman alam kung bakit. Bakit ba? dapat si Daniel lang yung iniisip ko hindi si Sir Dave. Si Daniel yung boyfriend ko di ‘ba?. But Dave Park, he really is so familiar. pero hindi ko talaga siya matandaan.
Ano ba to? Nagiging paranoid na siguro ako. Ewan. Basta I will do my best sa work nalang. Para hindi ako ma-fire sa trabaho. It’s my first work, here in Phillipines. I guess?
Basta! Gambarro!
Kinabukasan nag-krus ang landas nila Mila at Dave.
“Mila..” ani ni Dave. Napatitig lang si Mila sa kanya, at aktong aalis ito. Hinawakan ni Dave ang kamay ni Mila upang hindi ito maka-alis.
“ can we talk? Please..” sumamo ni Dave. Ang dami-daming katanungan sa isip ni Dave. Kaya if possible, sana meron makasagot nito.
Nag-nod si Mila, at pumunta sila sa isang restaurant. Doon sila nag-usap.
“Anong nangyari kay Juri… bakit?..” ani ni Dave.
“ Dave, I’m sorry to tell this to you. pero hindi ka na talaga maalala pa ni Juri.” Hinawakan ni Mila ang kamay ni Dave.
“pero.. bakit.. galit ba talaga siya sa akin.. wala naman akong ginawang masama sa kanya, di ‘ba?” ani ni Dave.
“ Juri has.. Juri has..” biglang tumulo ang luha ni Mila.
“ Mila tell me please.. I want an answer to ALL my questions.”
“ Si Juri, meron siyang alziemers. Every 5 years makakalimutan niya ang lahat ng pangyayari sa kanya. Last year, hinimatay siya. Paggising niya nakalimutan niya lahat except nung mga 5-10 years old siya. Nandun pa yung memories niya hanggang 10 siya.”Uminom si Mila at pinag-patuloy ang pag-sasalita
“ pero yung memories niya hanggang 11-20 wala na. nakwento ba sa’yo ni Juri, na namatay ang papa niya dahil sa isang car accident?” tanong ni Mila.
“oo. Bakit?” sagot ni Dave.
“ yung car accident na yun, kasama si Juri, her dad died and Juri’s head was hurt. Nabangga kasi yung head niya sa isang bakal. Almost 1 month siyang na-comatos. Pag-gising niya, nabalitaan na lang niya na patay na yung papa niya. Then the doctor said that her brain can’t take anymore memories. So, humanda na lang daw kami kung makakalimutan niya kami.” Tumigil muna si Mila sa pag-sasalita. Bumuntong-hininga siya.
“ kaya nung naging fifteen siya, nakalimutan niya yung last five years ng life niya. Siyempre naalala pa rin niya kami. Naging bestfriend ko siya since diapers. Si Daniel naman, tinake yung opportunity. Nung nagising si Juri, at nakalimutan na yung past. Sinabi ni Daniel na boyfriend siya nito, pumayag naman ang mama ni Juri. Kaya noon ayaw ng mama ni Juri na magkarelasyon siya dahil makakalimutan sin niya ito.”
“ hindi na ba talaga mababalik ang alaala niya?” tanong ni Dave.
“I’m sorry Dave. Hindi na talaga. Sorry. Kung ipipilit ng kahit na sino na ipa-alala sa kanya ang lahat. May chance na mamatay si Juri. Her brain can’t take it too much. Miracle. Yun lang ang kailangan natin.” Tumayo si Mila at tinap ang balikat ni Dave.
“ Dave, kalimutan mo na lang ang lahat sa inyo ni Juri. Nakaya mo naman di ‘ba? I just don’t want her to be dead. Kaya please..” lumakad na si Mila paalis sa kinaroroonan ni Dave.
“ sakit? Nang dahil sa isang sakit nakalimutan ako ni Juri. Hindi ko kaya, nawala na siya sa akin kaya hindi ko na palalampasin ang pagkakataon na ito. Pero mamatay siya kapag pinilit kong ibalik sa kanya ang mga alaala niya. Isa na lang ang tanging paraan…” nag-isip si Dave. Sana gumana ang paraan na naisip niya. She will make Juri fall in love with her ONE MORE TIME!
“Miss. Ikeyamada, pwede ka bang pumasok sa room please.” Ani ni Dave beeper ng telepono
“ yes. Sir.” Tumayo si Juri at pumasok na sa kwarto ni Dave. It was her first time entering Dave’s room. Ang linis-linis tingnan ng room niya at nakakarelax ang ambiance na baby blue at dark blue na may halong white.
“ ahm.. may gagawin kasi tayong project sa St. Anthony Academy. Gusto kasi nila na magtayo ng bagong swimming area. Yung exclusive daw at siguradong walang malulunod.” Ani ni Dave “so this coming Friday, sasamahan mo ako sa school para tingnan kung ano dapat ang gagawin natin.”
“opo, sir. Pero sir, kayo po ba talaga ang kailangan na pumunta doon?” tanong ni Juri, biglang hinawakan ni Juri ang kanyang bibig. Sino naman siya para kwestyunin ang boss niya. She is just a mere secretary. “pasensiya po kayo sa akin sir.” Muling sabi ni Juri.
“ it’s my alma matter school. That place was very special to me.” Ani ni Dave na tumitingin kay Juri. Nag-grin din siya rito.
“ ganun po ba.. St. Anthony Academy, wala ako masyadong maalala sa place na yun.”
“it’s ok. Just wear a formal attire. Mag-dala ka rin ng extra na damit.”
“bakit po?”
“wala lang. in any case.. susunduin kita sa bahay mo ng mga 7 am. So be ready.” Nagulat si Juri. Susunduin? Baka janai? [fool isn’t it?] boss niya ang susundo sa kanya? At sa bahay pa niya.
“ naku sir, ‘wag na po. Kaya ko na po yung sarili ko..” ani ni Juri. Tumayo si Dave sa kinauupuan at lumapit kay Juri. Hinawakan niya ang kamay nito.
“ Juri.. I’m your boss. Obey me.” Sinabi nito na mellow pero may command na boses.
5 a.m palang pero nag-ready na si Juri. Ayaw niyang mapahiya sa boss niya. Pupunta siya sa dating school niya. Pero yung heart niya parang gusto lumabas sa dibdib niya. Excited lang siguro siya dahil aalis siya, kasama ang boss niya. Nang maalala niya si Dave bigla siyang nag-blush. MALI! Hindi dapat niya pag-nasaan ang boss niya. PAG-NASAAN! Ibig-sabihin pinag-nanasaan niya ang boss niya. Let me rephrase it. Hindi dapat siya kinikilig sa boss niya. May girlfriend na yun, at siya may boyfriend. Hindi pwede. Pero kung pareho silang hindi committed ibig-sabihin pwede?
“ hindi pa rin pwede. Boss ko lang siya at secretary lang din niya ako. That is our only relationship to each other.” Ani ni Juri sa sarili at umiiling-iling pa sa mga na-iisip.
Tapos na siyang maligo, naghahanda na siya ngayon ng pagkain niya. Nasa Japan parin ang mom niya. Hindi nito maiwan ang trabaho nito kaya hindi ito makabisita man lang sa kanya. Nagluto si Juri ng hotdogs. Pinapak na niya yun habang may oras pa. it’s almost 30 minutes to seven. Kaya hinanda na niya ang sarili niya at ang mga gamit niya.
6:50 am na nang may biglang nag-ring ng doorbell. Binuksan siya iyon.
“ sir! Ang aga niyo po naman.” Gulat na sabi ni Juri.
“ are you ready?” ani ni Dave.
“ hah?! Opo. Sandali lang po.” Nagmadaling kinuha ni Juri ang kanyang mga gamit. Kagaya ng sabi ng boss niya naka-formal attire siya, nagdress siya yung hindi kita ang tuhod at naka- 2 inch heels. Meron din siyang mga extra na damit. Juri went inside Dave’s car. Mabango yun, amoy malinis rin.
Doon lang niya napansin na napaka-guwapo ng boss niya sa suot nito. Medyo mahaba na kasi ng buhok nito kaya natatalian niya. Naka polo rin ito pero naka ¾ fold yun.Color white. Tapos naka jeans si Dave. He looked like a teen ager wearing those things. Juri was fascinated by him. Ni hindi niya namalayan na nakatitig pala siya ng matagal dito.
“ may dumi ba ako sa mukha?” nauntag si Juri sa biglang tanong nito.
“ w-wala po” agad na sagot ni Juri. Bago magmaneho, sinuot ni Dave ang kanyang sunglasses. He looked more handsome wearing those glasses. Parang gusto ng mag-drool ni Juri. Tinapik ni Juri ang kanyang sarili at bumuntong-hininga. Umalis na ang sasakyan. Good luck na lang kay Juri.
NAMANGHA si Juri sa laki ng school. Nakita na niya ito dati pero blurr na yung alaala niya. Nakatingin sa taas si Juri kaya hindi niya masyado tinitingnan yung nilalakaran niya. Kaya ayun, muntik na siyang mahulog dahil sa bato na nakaharang sa daan niya. Buti na lang at naagapan iyon ni Dave. Nag-delubyo naman ang puso ni Juri.
“easy, tumingin ka kasi sa nilalakaran mo.” Nag-grin si Dave. Hinawakan nito ang kamay ni Juri at hinila niya ito papunta sa site kung saan magtatayo ng swimming pool. Medyo nailang ngunit kinikilig si Juri.
“ s-sir” tumigil naman sa paglalakad si Dave at binaling nito ang tingin sa kanya.
“ yung.. yung kamay ko po.” Binawi ni Juri ang kamay niya sa pagkakahawak ni Dave.
“ sorry. Tara na” ani nito tapos nag-smile. Muntik nang himatayin si Juri sa smile na yun. May dimples pala ito. Cute na gwapo. Ano ba ‘yan? Gusto na talaga niya ang smile na yun. Smile lang. wala nang iba.
Napa-jaw drop si Juri nang makita yung site na paglalagyan ng swimming pool.
“ medyo pa-triangle yung shape nang lugar kaya pa right triangle din ang pool. So kapag gagamitin ang Pythagorean theorem.. so ganito yung magiging hitsura..” ani ni Dave, na kausap ang sarili habang nag-ssktech sa isang papel.
“ ano? Pythagorean theorem? Nosebleed” ani ni Juri.
Napatingin si Dave sa kanya at tsaka nag-smile.
“ a-aahh! ‘wag nyo nalang po akong pansinin. Sorry po” ani ni Juri.
“ alam mo ba na magaling ka sa math noon. Kaya bakit ka nag-no-nosebleed sa Pythagorean theorem? Nakakatuwa ka.” Inalok ni Dave ang kamay niya kay Juri. “halika may pupuntahan tayo.”
“saan po?”
“basta. Sumunod ka na lang.” tumayo si Juri at inabot ang kamay ni Dave. Lumakad sila papunta sa lake ng school. Hinahawakan pa ri ni Dave ang kamay ni Juri. Para silang nag-ddate.
Namangha naman si Juri sa nakita niya. That place seem very important to her. Napaka-nostalgic ng feeling. Parang may nangyari dito na hindi niya matandaan.
“ kung gusto mong alalahanin kung ano nangyari sa’yo rito at hindi mo talaga maalala, huwag mo na lang ipilit na alalahanin.” Biglang sabi ni Dave.
“ o-opo.” Ani ni Juri.
“ ‘wag mo akong i-po kung tayong dalawa lang. tutal mag-kaibigan naman tayo dati eh.” Ani ni Dave tapos nag-smile. Dumagundong ang kanyang puso, she was very happy that day. Sana hindi na muna yun matapos. She come up to the thought that she maybe liked her boss. She maybe really liked Dave.
Dumagundong ulit ang langit. Akala ni Juri puso lang niya iyong dumagundong pati rin pala ang langit.
“Tara. Punta tayo sa cafeteria.” Hinila ni Dave si Juri. Kinuha na ni Juri ang kamay niya kay Dave.
Kumain sila ng burger tapos nag-icecream. Biglang may boses na nag-announce.
“ hello guys, this is your loveble DJ. DJ Riri. The cutest DJ in the world. May nag-request sa akin ng song. Kaya to the one who requested, this song IS FOR YOU!” tumunog na yung kanta. Walk away yung title.
I saw you with your new girl just yesterday
And I feel that I must confess
Even though it kills me to have to say
I'll admit that I was impressed
Physically just short of perfection
Gotta commend you on your selection
Though I know I shouldn't be concerned
In the back of my mind
I can't help but question
Does she rub your feet
When you've had a long day
Scratch your scalp
When you take out your braids
Does she know that you like too
Play PS2 till 6 in the morning
Like I do
I can't explain this feeling
I think about it everyday…..
Anito ng kanta. Parang natagusan naman ng pana si Juri. She really can’t explain what she’s feeling right now. Kung iisipin naman niya at i-aanalyze yung feeling na yun. Naguguluhan lang siya.
“ Juri are you ok?” ani ni Dave. Napapitlag naman si Juri, masyado siyang nadala sa kanta.
“ oh, bakit? May problema ba?” tanong uli ni Dave.
“ h-hah?! Wala po.” Inayos ni Juri ang kanyang sarili at saka inubos na ang pagkain sa kanyang harapan.
Mag-isang naglakad-lakad si Juri sa St. Anthony Academy, ang sarap kasi ng feeling na makabalik sa kanyang school dati. She really can’t remember her past pero hindi parin nawawala ang nostalgic feeling na dumadaloy sa kanyang katawan. Natutuwa siya sa tanawin. May nakita si Juri na hardin, pinasok niya iyon. Nakatago ito sa skwelahan kaya wala masyadong tao. Pero halata naman na maganda ang pag-aalaga ng mga halaman doon, merong mga tulips, rose, iris at iba pa. nakakita din si Juri na mga white pink na strawberries, kadalasan kasi yung mga nakikita niya ay mga reddish pink. That strawberry was new to her eyes kaya nilapitan niya iyon. Pagkatapos niyang tikman nasiyahan siya kasi masarap daw ang lasa.
“ mmmm..kore wa ichigo..ta OISHI-desu.[ ang strawberry na ito ay… napaka-SARAP!]” Ani ni Juri na parang bata na kinikilig sa katamisan ng strawberry.
Then she strolled other places in the garden. Sa kanyang pag-lalakad, may biglang pumasok sa kanyang isip. Blurr iyon. May nakita siyang isang lalake at babae na masayang naglalambingan sa garden, sumakit naman ang ulo ni Juri. Gusto niyang alalahanin kung sino ang mga iyon, masyado kasing pamilyar sa kanya ang mga mukha pero hindi talaga niya maaninag sa kanyang isip.
Hinawakan ni Juri ang kanyang ulo, masakit na masakit na talaga iyon. Naghihirap na siya hindi na niya makaya nang bigla siyang himatayin. Eksakto naman na bumuhos ang ulan masyado iyong malakas. At si Juri naman ay nakahiga sa hardin na nababasa sa ulan.
IT IS almost 30 minutes nang simulang umulan. Nagtataka si Dave kung hindi pa rin bumabalik si Juri.
Nagpasya si Dave na tawagan ito sa kanyang cellphone pero walang sumasagot. Nag-labasan na ang mga estudyante sa kanilang mga classroom. Uwian na kasi. Pero hindi pa rin nagpapakita si Juri.
“baka nagpasilong lang iyon sa tabi-tabi” Ani ni Dave sa sarili. Pero hindi mapalagay ang kanyang loob, kaya kahit na malakas pa rin ang ulan at wala siyang dalang payong ay nilusong niya ito.
He went to other places, sa rooftop, canteen , playground, sa site kung saan itatayo nila ang swimming pool, at sa lake. Hindi parin niya makita ito. Nagpasya si Dave na pumunta sa secret garden sa skwelahan. Malaki-laki iyon kaya natagalan siya sa paghahanap. Nang makarating si Dave sa may strawberry field nakita niya si Juri na walang malay.
Nilapitan niya agad ito.
“ JURI!!” tinapik ni Dave ang mukha ni Juri, hindi pa rin tumigil ang pagbuhos ng malakas na ulan. Kinarga ni Dave si Juri, idinala niya ito sa clinic ng skwelahan at hinanap ang doctor, mabuti na lang at hindi pa iyon umaalis.
Kanina pa pala nababasa si Juri sa ulan, na walang malay.
“ ano po ba ang nangyari sa kanya?” tanong ng doctor.
“ naabutan ko lang po siyang walang malay na nababasa sa ulan.” Sagot ni Dave. Inexamine ng doctor si Juri.
“ wala naman dapat tayong ipag-alala. She will be fine. Pero kailangan natin na palitan ang mga damit niya at damit mo.” Ani ng doctor. Medyo nag-smile si Dave, hindi niya namalayan na siya rin pala ay basang-basa.
“opo” sagot niya sa doctor.
“ huwag kang mag-alala hijo” tinapik ng doctor ang kanyang balikat “meron kaming mga extra na damit at mga babaeng nurse pra tulungan siya mag-bihis.”
Napangisi si Dave. “ salamat po”
Mga 6 o’clock na nang magkamalay si Juri. Napatayo si Dave, at nilapitan si Juri. Umungol ng kaunti si Juri at unti-unting binuksan ang kanyang mga mata.
“ are you ok now?” mahinang sabi ni Dave. Lumaki naman ang mga mata ni Juri at biglang bumangon mula sa pagkakahiga.
“ nasa’n ako?” tanong ni Juri na may panic sa kanyang boses.
“ nasa clinic ka, nakita kitang hinimatay sa mau garden” paliwanag ni Dave. Napayuko si Juri.
“ganun ba?” bumuntong-hininga si Juri. “di ba sir. I mean Dave, schoolmate tayo noon?” biglang tanong ni Juri
“ oo bakit?” ani ni Dave.
“ may napanaginipan kasi ako, may lovers daw dito sa school. Masaya silang dalawa kahit na may ayaw sa relasyon sa kanilang relasyon. May glasses yung babae habang yung lalaki naman, medyo bad boy ang itsura” napatingin siya kay Dave “ tapos one day umalis ang babae, ngunit wala na siyang glasses. Maganda siya, iniwan niya yung boy kahit ayaw niya. I also saw her crying. Pati yung boy umiiyak rin. Hindi ko nga lang makita yung mga mukha nila. Masyadong blurr yung panaginip ko. May schoolmate ba tayo dati na nagging ganun ang relasyon? They really seemed very familiar to me, parang close sa akin yung mga taong ‘yon.” Nagulat naman si Dave sa naikwento nito. Alam ni Dave na ang napaniginipan ni Juri ay silang dalawa. “maari siyang mamatay” yun ang unang rumehistro sa isip ni Dave.
“ h-hah? Hindi ko kilala yung mga iyon… Baka friend mo.” Iniwas ni Dave ang kanyang mga mata.
“ makakatayo ka na ba?” pag-iiba ni Dave sa usapan. “gabi na, kailangan na nating umuwi”
“opo. Pasensya na po kayo. Naabala ko pa ka yo” ani ni Juri tapos tumayo na siya mula sa kama.
“ ayos ka na ba talaga?” tanong ulit ni Dave nang biglang nag-ring nag kanyang cellphone. Sinagot niya ito.
“hello?” Tina.. o sige, bye” ibinaba na niya ang kanyang cellphone at bumaling muli kay Juri.
“ tara! Uwi na tayo.” Nag-nod lang si Juri at tuluyan na silang umalis.
“HETO PO, regalo ko para sa inyo” inabot ni Juri ang dala-dalang pagkain kay Dave kinabukasan.
“s-salamat” inabot ni Dave ang pagkain. “ikaw ba ang nag-luto nito?” tanong niya.
“ opo, spaghetti po ang laman niyan. Sana magustuhan ninyo”
“ ganun ba?” napangisi si Dave, ngayon lang niya nalaman na nakaka-luto na pala si Juri. Dati rati ni hindi niya alam ang kaibahan ng pechay at saka cabbage.
“ sige po, aalis na ako” paalam ni Juri at lumabas na siya mula sa office ni Dave.
Pag-alis na pag-alis ni Juri ay nilantakan agad ni Dave ang pagkain. It really was delicious.
Kahit na hindi pa break ay at medyo busog pa siya ay parang isang patay-gutom si Dave nang kinain niya iyon.
It is almost time para sa uwian, dahil sa ginawa ni Juri na spaghetti ay naisip ni Dave na yayain siya sa isang dinner. Dave walked out from his room. Nakita niya si Juri na nakasandal ang mukha sa kanyang table. Nilapitan niya ito.
“Juri..” tawag ni Dave dito. Pero hindi siya nito sinasagot. Hinawakan niya ito upang gisingin pero naramdaman ni Dave na mainit si Juri.
“ My God! Juri you have a fever. Hindi ka na sana pumasok.” Dali-daling binuhat ni Dave si Juri papunta sa kanyang sasakyan.
No comments:
Post a Comment