Chapter 9:
KINABUKASAN nagising si Dave na si Juri ang katabi, akala niya panaginip lang yun pero totoong-totoo ang lahat ng mga ito.
Puno ng kaligayahan ang kanyang dibdib. Hinalikan niya si Juri sa noo, dahil dun na alimpungatan ito at unti-unting iminulat ang mga mata. Ngumiti agad si Juri pag-gising niya.
“good morning” Juri said in her sweetest voice. Hinalikan ni Dave si Juri bilang tugon.
Masayang-masaya silang dalawa. Nobody or No words can explain how much happiness they are experiencing right now.
Bumangon si Juri at nagtungo sa cr para mag bihis. Pagkatapos, Pumunta na rin siya sa kusina para maghanda ng pagkain nila. It was still 6 0’clock in the morning so may natitira pa silang time para pumasok sa kanilang opisina.
Habang nagluluto si Juri, nilapitan naman siya ni Dave medyo nagulat siya. Hindi kasi namalayan ni Juri na nadoon pala si Dave.
“ anong lulutuin mo?” tanong ni Dave sa kanya na nakapulupot na ang mga kamay sa beywang ni Juri.
Ngumiti naman si Juri.
“ Hotdogs and sunnyside-ups” sagot ni Juri.
“ Hmmm…… sana hindi maging sunog.” Biro ni Dave sa kanya. Tinapik naman ni Juri ang mga kamay ni Dave.
“ anong sunog yang sinasabi mo? Magaling yata akong magluto.” Pagmamalaki niya.
“ weehh… di nga. Pero mas masarap akong magluto kaysa sa’yo noh!” sagot ni Dave na may pride sa kanyang tono.
“ oo na..masarap na..” umiling-iling na nagbalik sa kanyang ginagawa si Juri.
SABAY na pumasok sina Dave at Juri sa trabaho. Pagpasok nila, nakatingin sa kanila ang lahat na makakasalubong sa kanila.
Nagtataka ang mga ito kung bakit sila magkasabay. Pero may mga ngiti sa mga mukha nito kapag nakikita sila.
“ Hindi siguro dapat tayo nag-sabay. Baka kung ano ang isipin nila sa atin” saad ni Juri sa mahinang boses.
“ Don’t worry, just trust me, and everything will be okay” Kinuha ni Dave ang kamay ni Juri at lumakad na sila.
Nagulat naman ang mga tao na nakakita sa kanila.
“ sila na ba?”
“ mas mabuti nga yun kaysa sa dung isang girlfriend ni sir.”
“bakit?”
“flirt!”
“ inakit niya siguro si sir nuh.”
“ di naman siguro” narinig ni Juri ang mga bulong-bulongan ng mga tao. May positive at negative na comment sa kanilang relasyon. Okay lang sana yung kay Juri.
Biglang huminto sa paglalakad si Dave, at humarap sa mga empleyado na naroroon.
“ Hindi niya ako inakit ok? Mahal naming ang isa’t isa, and no one can change that. Right?” tumingin si Dave sa kanya. Hindi alam ni Juri ang gagawin kaya tumango na lang siya. Nahihiya pa kasi si Juri.
Bigla na lang sinakop ng mga kamay ni Dave ang mukha ni Juri at hinalikan siya sa harap ng mga tao.
Naghiyawan naman yung mga empleyado, halatang kinikilig sa ginawa sa kanya ni Dave. Siyempre kinilig din siya sa ginawa nito.
“ Aisheteru Dave-kun… itsumo aishteru” sabi ni Juri sa kanyang isip. Narinig ni Juri na nagpalakpakan ang mga tao sa paligid niya dahil tinugon niya ang halik sa kanya ni Dave.
NASA bahay niya si Juri, para siyang tanga. Mag-isa kasi siyang ngumingiti.
Hindi pa rin kasi siya makapaniwala sa mga nangyayari ngayon. Hindi rin matago ang kaligayahan na nararamdaman niya sa ngayon. She wished that it would not end.
May narinig si Juri na may pumasok mula sa pintuan. Nagmadali siyang puntahan kung alamin kung sino yun.
Akala niya na si Dave ang madadatanan niya. Pero iba pala. Ang mama niya. Nagulat si Juri. Hindi naman maipinta ang mukha ng Ina niya.
“ano ‘tong nabalitaan ko na nag-hiwalay na kayo ni Daniel? Ha?” galit na sabi ng kanyang Ina.
Nagulat naman si Juri sa sinabi ni ‘to. Pa’no nalaman ng kanyang Ina ang nangyayari sa kanya?
“ Okasan.. hindi ako ang nakipag-hiwalay. Siya po yung nagsabi na maghiwalay kami.” Katwiran niya.
“ Kahit na!” sigaw ng kanyang Ina. Ngayon lang nakita ni Juri na nawala ang composure sa sarili ang kanyang Ina. “ Hindi ka sana pumayag, malaking mawawala sa atin kapag nalaman ‘to ng kanyang ama. Ano ka ba? ginagamit mo ba ang utak mo?” saad ng kanyang Ina.
Tumulo ang luha sa mga mata ni Juri.
“anong gusto niyong gawin ko? Manatili sa tabi ng taong hindi ko mahal. Ma! All my life kayo yung sinusunod ko. Kahit na ngayon lang naman hayaan mong gawin ko yung gusto ko. Hayaan mo naman na manatili ako sa taong alam kong mahal ko” Hindi na mapigilan ni Juri ang bugso ng kanyang damdamin.
“ anong pinagsasabi mo? May iba bang lalake diyan sa buhay mo?” tanong ng kanyang Ina.
“ opo, si Dave” halatang nagulat ang kanyang Ina.
“ sino si Dave Park?”
“ pa’no mo nalaman ang pangalan niya? Kilala mo ba siya” saglit na nag-isip ang kanyang Ina.
Bigla nalang itong umiyak. Nagtataka naman si Juri sa ginawa ng kanyang Ina.
“ Alam mo bang dahil sa pamilya nila.. nalugi… nalugi yung una nating negosyo. Pasalamat tayo sa pamilya ni Daniel at tinulungan nila tayong bumangon.” Tuloy pa rin ang pag-iyak ng kanyang Ina.
Hindi alam ni Juri na nagsisinungaling lang ang kanyang Ina.
“ doushite okasan? [ why, mother?] anong ginawa nang pamilya niya sa atin?”
Lumunok muna ang Ina niya bago nag-salita.
“ Malakas kasi ang kita ng negosyo natin noon… ginusto nilang kunin sa atin yun. Masakim kasi ang pamilya nang taong iyon.” Pinahid ni Go ang luha sa mukha nito.
“ sinabi kong ayaw kong ibenta sa kanila ang negosyo natin, nagalit sila. Kaya ginawa nilang lahat para malugi iyon. Nagtagumpay naman sila. Mabuti na lang at nakilala ko ang papa ni Daniel. Dahil sa kanila nakabangon tayo sa Japan. Kaya magaan ang buhay natin ngayon ay dahil yun sa kanila. Naiintindihan mo ba?” hinawakan ng kanyang Ina ang mga balikat ni Juri at ginalaw-galaw yun.
“ bakit sa lahat ng lalake na ipagpapalit mo kay Daniel ay si Dave pa? Sakim ang pamilya nila. Sakim!” natulala si Juri sa pinag-sasabi ng kanyang Ina.
Hindi siya makapaniwala na magagawa iyon ng pamilya ni Dave. Nagtagumpay ang Ina ni Juri na mapaniwala ito. Dahil doon ay namuo ang galit sa dibdib ni Juri.
Hindi na sana niya ito minahal, hindi dapat siya naniwala dito na mahal din siya nito. Iyon ang nasa isip ni Juri.
KINABUKASAN pumasok si Juri sa kanyang trabaho, nagtaka ang mga tao bakit hindi sila sabay ni Dave.
Hindi nalang niya pinansin iyon. Basta ang alam niya, galit ang bumabalot sa kanyang damdamin.
Abala si Juri na gumagawa ng kanyang trabaho ng biglang lumapit sa kanya si Dave.
“good morning” nakangiting sabi ni Dave sa kanya. Inirapan na lang niya ito. Nagulat si Dave sa ginawa niya.
“anong nangyari sa’yo?” tanong ni Dave sa kanya.
“ wala” malamig na sabi niya rito.
“ may ginawa ba ako?” masuyong tanong ulit sa kanya ni Dave.
“wala” sagot ulit niya. “huwag ka nang lalapit sa akin, kahit kailan. Siyanga pala..” may kinuha sa Juri mula sa kanyang bag.
Isa yung Letter of Resignation. Pinakita niya ito kay Dave. Nanlaki ang mga nito.
“ Bakit? Pa’nong?.. anong?” utal na sabi ni Dave.
“I want to resign from this company” Tumayo si Juri at akmang aalis na ito.
Pero pinigilan siya ni Dave.
“why?” sabi nito.
“dahil sa inyo, nagging miserable ang buhay naming.”
“anong bang pinag-sasabi mo?”
“ basta! I don’t need explanations. Aalis na ako”
“ What about us, makikipag-hiwalay ka na ba sa akin?”
“ There is no ‘US’ Dave, kung naalala mo hindi nagging tayo. You didn’t court me, and I didn’t said ‘yes’. Ang nangyari sa atin ay pawing mali. Erase me from your memory.”
“ Ikaw lang naman yung nakalimut sa ating dalawa” hindi pinansin ni Juri kung ano sinabi ni Dave. Umalis na lang siya, kahit na masakit para sa kanya ang ginawa.
Mahal niya si Dave, it’s a fact. Pero ginagawa niya ito para sa kanyang Ina. Para sa kanyang pamilya.
Siyempre sino bang pipiliin mo ang Ina mo o ang lalakeng hindi mo ka-anu-ano.
Blood is thicker than water ika-nga.
“Bakit kayo naghiwalay?” tanong ni Mila kay Juri.
“Hindi naging kami Mila. Walang kami” aniya.
Pinaliwanag naman ni Juri kung ano ang sinabi sa kanya ng kanyang Ina.
Umiba ang mukha ni Mila, halatang dismayado ito. Alam kasi ni Mila, na nagsisinungaling ang kanyang ina.
Hindi ang pamilya ni Dave ang bumili sa negosyo nila ni Juri, kundi ang ama ni Daniel. Sinabi kasi ni Daniel dito na may gusto ito kay Juri, at gagawin nito ang lahat para makuha niya ito.
Nagtagumpay naman ang mag-ama na mapalapit sa isa’t isa sina Daniel at Juri. Ngunit hindi akalain ni Dave na sasang-ayon sa kanya ang tadhana.
Nawalan nga nang ala-ala si Juri, kaya nung namulat na ito sa mahabang pagkakatulog, gi-nrab ni Daniel ang chance.
Inakala naman ni Juri na tunay niya na nobyo si Dave. Simula noon namuhay sa kasinungalingan si Juri.
Naaawa siya sa kaibigan, pero kung pipilitin ni Mila na maalala ang nakaraan maaari itong maging dahilan ng kanyang pagkamatay.
She don’t want her bestfriend to die without even knowing the truth and having her happiness.Dave.
“ganun ba?” yun na lang ang masasabi niya. Napag-desisyunan na ni Mila na kokomprotahin niya ang Ina ni Juri.
“naku! Mila kung alam mo lang kung ano ang nararamdaman ko ngayon..” asik ni Juri.
“ alam na alam ko Juri. Believe me, alam na alam ko..” mahinahong sagot ni Mila.
“Allen, bakit ganun?” lasing na si Dave habang inu-ulit kay Allen ang mga nangyari sa kanila ni Juri.
“Pare, ilang beses mo na bang sinabi yan sa akin? Naririndi na ako sa mga pinag-sasabi mo.” Sagot ni Allen sa lasing na si Dave.
“eh, hindi—“
“hindi mo alam kung ano ang dahilan kung bakit nag-kaganuon si Juri. Why don’t you ask her, or her bestfriend rather.”
“ sino? Si Mila? Hindi ko na nga siyang masyadong nakikita eh.”
“ excuse me, boyfriend niya nandito. So pwede natin siyang maka-usap” nagtaka si Dave sa sinabi ni Allen.
“ boyfriend? Sinong boyfriend niya.” Lumingon-lingon si Dave sa paligid para tingnan kung sino ang taong tinutukoy ni Allen.
Kinaway-kaway naman ni Allen ang kanyang kamay sa harapan ng mukha ni Dave at itinuro ang kanyang sarili.
“WHAT!? IKAW! Kailan pa?” nagulat si Dave nang ma gets niya ang ibig sabihin ni Allen.
“ ang huli mo naman sa balita pare, matagal na huy!” umiling-iling si Dave at uminom ulit ng alak.
“tama na nga yan. Ayokong buhatin ka pauwi ok.”
“ Matino pa po ako”
“ngayon! Pag mamaya hindi na, tigilan mo na iyan.” Allen made a big sigh.
“pare alam mo..” inilagay ni Allen ang kanyang kamay sa balikat na nangangalumbaba na si Dave.
“ alamin mo na lang kung ano ang totoong problema ni Juri. Kung alam mo na, find a solution to it. Every problem has a solution tandaan mo iyan.” Patuloy ni Allen.
Nagpakawala na lang si Dave ng isang buntong hininga. Tiningnan niya ang feather keychain na bigay sa kanya ni Juri noong high school pa sila.
NEVER GIVE UP. Iyon ang kahulugan ng keychain na iyon. Kaya hindi susuko si Dave. Ngayon pa ba na alam na niya na hanggang ngayon ay mahal pa rin siya ni Juri.
“Tita, bakit ganun ang sinabi niyo? Sinisiraan mo yung tao niyan eh.” Kinompronta na ni Mila ang Ina ni Juri.
“ ano ka ba? para ‘to sa kinabukasan namin, pa’no kung malaman ng ama ni Daniel na hiwalay na pala sila ni Juri. Siguradong mawawalan ako ng hanap-buhay.” Katwiran ni Go.
“mali pa rin iyon. Mag-simula ulit kayo, back to the basics ika nga. Tita, hindi tama ang manira ng tao.”
“ ewan! Basta, para ito sa kinabukasan naming dalawa. Yung Dave na iyon, pa’no kung dahil sa kanya, bumalik yung alaala ni Juri. Tapos mamatay yung mga brain cells niya, tapos… tapos.. mawala siya” tumutulo na ang luha ni Go habang nagsasalita at nagpapaliwanag kay Mila.
“ Tita…” iyon na lang ang nasambit ni Mila sa mga oras na iyon. Alam niya kung ano ang magyayari kay Juri kung saka-sakaling mapuno ang kanyang memory.
Ayon nga sa mga doctor, isang himala na lang daw ang makakapag-gamot pa kay Juri. 3 years na lang at mawawala uli ang alaala ni Juri.
Hindi na niya kayang makita muli si Juri sa ganoong kalagayan, na parang bata na walang alam sa mundo at hindi makilala ang mga taong nakapaligid sa kanya.
Naghahanda na sila Juri pabalik sa Japan, napagdesisyunan nila na bumalik doon ng kanyang Ina para doon ng permanenteng manirahan.
Handang-handa na ang lahat ng mga gamit ni Juri.
“sigurado ka na ba dito?” tanong ni Mila na katulong ni Juri sa pagliligpit ng kanyang gamit.
“oo naman.” Pinipilit ni Juri na pasiglahin ang kanyang tinig pero hindi niya magawa. Kahit na galit siya kay Dave, hindi pa rin maaalis ang katotohanang minsan ay minahal niya ito.
“huwag kang mag-alala tatawagan pa naman rin kita. So don’t get sad.” Aniya sa kaibigan.
“I am not the one who is sad, Juri. It’s you” natameme na lang si Juri sa sinabi ng kaibigan.
“I’ll pray for your safe travel Juri. I will miss you..” hinagkan ni Mila si Juri.
“Thanks Mila.” Tumulo ang mga luha sa mga mata ni Juri. It hurts, so much.
Pagkatapos nun, umalis na si Juri papunta sa airport kasama ng kanyang Ina.
“ANO!? But why?! Kailan? Ngayon na?!” Nabalitaan na ni Dave ang pag-alis ni Juri sa bansa.
“DAMN!” asik niya habang ibinagsak ang sarili sa upoan.
Tumayo siya at nagsimulang tumakbo papunta sa kanyang sasakyan. Hahabulin niya si Juri, ayaw niyang mangyari sa ikalawang pagkakataon na mahiwalay muli sila ni Juri.
Nakarating na siya sa airport. Hinanap niya si Juri. Nakita na lang niya itong papunta sa eroplano. Pinuntahan niya ito, pero may mga lalaking humarang sa kanya.
Tuluyan ng nawala sa kanyang paningin si Juri.
“JURI! JURI!” sigaw ni Dave. Pero huli na nag lahat. Narinig na lang niya na lumipad na yung eroplano na sinakyan ni Juri.
NAGLASING na naman si Dave, kasama niya ngayon sila Mila at Allen. Nakamasid lang ang dalawa sa kanyang umiinom.
“Dave, I’m sorry. Hindi ko siya—“
“It’s okay, ganito na yata kami palagi eh. Saglit siyang mapapasa-akin pero pagkalaunan ay aalis rin siya sa aking tabi.” Patuloy ni Dave sa pinutol niyang saad ni Mila.
“pare, tama na yan. Makakasama iyan sa’yo. Ganyan talaga yang totoong pag-ibig. Hindi iyan pag-ibig kung hindi ka minsang masasaktan. Love is not only happiness it is also sadness. But when there is a storm there will always be a rainbow after.” Saad ni Allen.
“ pa’no kung palagi na lang bumabagyo, tapos hindi dumating yung rainbow… siguro dadating yung araw, pero uulan at uulan pa rin.” Lumagok ulit ng alak si Dave.
Kukuha pa ulit siya ng alak pero inagaw iyon sa kanya ni Mila.
“ano ba!” asik niya.
“ makakasama ‘to sa’yo. Kung gusto mo ilabas iyang galit mo, huwag mong gamitin ang alak. Dagdag problema lang ang aabutin mo.”
“ anong problema na ihahatid sa akin niyang alak.eh, yan nga ang kasangga ko sa problema ko”
“problema?! Anong problema? First, sasakit ang ulo mo dahil sa hang-over. Second, kung patuloy mong iinumin at iinumin ‘to mayroon kang chance na magkasakit sa bato. Maari kang mag-ka-cancer at mamatay.” Litanya ni Mila
“ mas mabuti pa ngang mamatay ako kaysa hindi ko naman mararanasan ang maging masaya sa piling ng babaeng mahal ko.”
Bigla na lang hinablot ni Allen si Dave palabas, nagtataka naming sumunod si Mila sa kanila. Nang makarating sila sa labas ay bigla na lang sinuntok ni Allen si Dave.
Nagulat si Mila at Dave sa ginawa nito.
“ Kung gusto mong ilabas iyang galit mo, ilabas mo sa akin. Magsuntukan ta’yo! Ano?!” sabi ni Allen sa mataas na boses.
Hindi na rin nagdalawang isip si Dave, sinuntok na rin niya si Allen para na rin makaganti.
“gago ka!! Masakit yun!” sigaw ni Dave.
Napa-iling na lang si Mila sa pagtanaw niya sa dalawa. Naisip niya ganito pala ang paraan ng mga lalake para ipakawala ang galit nila.
Isang araw na ang nakalipas simula noong nakarating sila Juri at ang knayang Ina sa Japan.
Hindi pa rin mawala sa kanyang isip ang nangyari roon sa airport, hindi niya alam kung totooo ba yun o kung guni-guni nga lang ba niya ito.
Nrinig kasi niya na may tumawag sa kanyang pangalan, siguradong siyang si Dave iyon.
Iniling-iling niya nag kanyang ulo para mawala sa kanyang isip ang nangyari.
Napagpasiyahan na lang ni Juri na maglinis ng bahay, wala na naman ang kanyang Ina, at marami nang alikabok sa bahay nila.
Nilinis ni Juri ang kanyang kwarto, ang kwarto ng kanyang Ina at kung anu-ano pa.
Napagpasiyahan ni Juri na pumunta rin sa attic. Matagal-tagal na rin siyang hindi nakapasok doon at para malinisan na rin niya ito.
Nakita niyang nagkalat ang mga gamit dito. Kaya isa-isang niya itong iniligpit.
Binuksan niya ang mga drawer para ilagay doon ang mga gamit, ngunit may napansin siyang isang kahon. Hindi niya alam pero kumusa na lang ang kanyang katawan na buksan ito.
Nakita niya ang mga diary niya noong high school pa siya. Nakita niya rin ang isang feather shape na keychain.
Masyadong pamilyar para kay Juri iyon. Napag-desisyunan ni Juri na basahin ang mga diary niya since wala siyang maalala noong high school pa siya.
Nagtataka nga rin siya kung bakit niya ito nakalimutan, ang alam lang niya ay kung saan siya nag-aaral noon at yun lang.
Nagulat si Juri sa nabasa, pawing kasinungalingan lamang ang kanyang nalalaman sa ngayon. Nakasaad din doon sa diary kung paano sila nagkakilala ni Dave at kung ano ang pinag-daanan nila dalawa.
Tumulo ang mga luha ni Juri, bumabalik na sa kanya ngayon ang lahat ng mga ala-ala niya.Isa-isa yung bumalik sa kanyang utak, wala iyong nilagpasan na eksena.
Nagsisinungaling sa kanya ang kanyang Ina.
No comments:
Post a Comment