Saturday, December 01, 2012

Chapter 27

Chapter 27
Rizalyn’s POV

Nung dumating ako sa bahay, agad ako na nagbihis tapos nag luto then kumain.
At ngayon ginagawa ko pa rin yung iba ko pang mga assignments.

Ang hirap naman kasi ng mga pinapagawa sa amin *pouts*

9 p.m na… at inaantok na ako.

Di bale malapit ng matapos ‘to!

Knock.knock.
“pasok!”

“Riza” sumilip naman sa pintuan ang mama ko.

“po?”

“may bisita ka. Boyfriend mo”

“ah, sige po. Bababa na po ako”

Bakit kaya pumunta ngayon dito si Dennis?

Nung bumaba na ako, nakita ko si Dennis na nakaupo sa sofa.

“pwede ba tayong mag-usap. Tayong dalawa lang” cold niyang sabi sa akin.


PARK

Nandito kami sa park ngayon.

Ito lang yung private place na malapit sa bahay namin.

“oh?! Ano bang sasabihin mo?” sabi ko.

“ba’t di ka pumunta?”

“ano?”

“sabi ko BA’T DI KA PUMUNTA?!”

“huh?! Saan?” ano bang pinagsasabi netoh?

“nag text ako sa’yo. Magkita tayo. Pero anong ginawa mo? Inindian mo ako!” galit niyang sabi sa akin.

Omg! Lowbat yung cp ko. Di ko pa siya na charge.

“s-sorry.. di ko naman ala—“

“ganyan ka ba talaga? Kapag wala ako kung kani-kaninong lalake ka sumasama!
GANYAN KA BA KA FLIRT!”

*slap*

“ANO BA YANG PINAG-SASABI MO HUH!?”

“kanina, nakita kita kung kani-kaninong lalake sumasama, huwag ka nang mag maangan. Kasi kitang-kita ng dalawa kong mata.


Ikaw babae ka! NAKU!! Hindi ko alam na ganyan ka pala!!”

“Hoy Dennis! Hindi mo alam ang pinagsasabi mo ha!”

“ALAM KO RIZALYN! ALAM NA ALAM!” sabi niya habang sumisigaw at hawak-hawak yung mga braso ko.

“mabuti pa siguro, mag break na tayo. Walang patutunguhan ‘to eh”

Hindi pa man ako nakakasagot.. umalis na siya.

WHY?

WHY DIDN’T HE LET ME EXPLAIN.

ANO BA NAMAN YAN!

PERO NASAKTAN AKO.

SOBRANG SAKIT NANG TAWAGIN NIYA AKONG FLIRT.

DI NAMAN TOTOO.

No comments:

Post a Comment