Chapter 3
Mas binilisan ko pa yung lakad ko kasi masama na nato. Mas tumindi pa yung kalabog at yung ungol. Meron rin akong naririnig na mga lalake na tumatawa.
Napunta ako sa isang classroom na serado ang pinto, pati rin ang mga bintana.
“akala mo kung sino ka!”
“itong bagay sayo!”
Binuksan ko yung pintuan.
Tapos nakita ko nalang si Alex hinahawakan ng dalawang lalake tapos sinusuntok nung isa pang lalake.
May iba naman na may dalang pamalo.
“ano bang ginagawa niyo?!” napalingon ako sa gilid ko, nakita ko naman si Peter.
Napatigil naman sila nung nakita nila si Peter. Agad naman sumugod si Peter tapos hinigit yung kwelyo ng sumuntok kay Alex.
Mga ka-frat pala ni Peter yung mga nandito.
“ano bang problema niyo? Diba sabi ko ako na bahala sa kanya. Bakit niyo hinantong sa ganito?” sabi ni Peter tapos sinuntok yung lalake.
“eh sumusobra na ang babaeng yan eh! Akala mo kung sino!”
“tapos ano? Papatayin niyo siya? Hindi tayo ganyan! Ano na bang pumapasok sa kokote niyo? Tingnan niyo nga siya oh! Nanghihina na siya” lumapit naman ako kay Alex nun, kasi binitawan na siya ng mga humahawak sa kanya.
“nakikilala mo pa ba ako” tiningnan lang ako ni Alex nun tapos nagbigay siya ng faint smile. Naaawa ako sa kanya.
“mga hunghang kayo!” inisa-isa naman ni Peter na suntukin yung mga kasamahan niya.
“alam niyo namang babae yan! Kahit na anong gawin niya wala siyang lamang sa inyo. Lalong lalo ang dami niyo!” sumuntok na naman si Peter
“babae? Walang laban?” kumunot naman ang noo ni Alex nun.
“ALEX!” bigla nalang bumagsak papunta sa akin si Alex, mabuti nalang nasalo ko siya.
Napalingon naman si Peter sa akin nun, tapos nilapitan niya kami.
“ikaw! Wala ka paring bilib sa akin” tinuro ni Alex si Peter.
“manahimik ka na nga” sabi ko tapos inalsa si Alex. Lumabas na kami sa classroom.
“teka! Yung bag ko” bumalik naman si Peter sa loob tapos kinuha niya yun bag. Pagbalik ni Peter umalis na kami ng tuluyan.
Napag desisyunan namin na sa bahay ko nalang dalhin si Alex, kasi mas malapit yun at hindi namin alam kung saan ang eksaktong bahay ni Alex.
Pagpasok namin sa bahay inilapag ko siya sa sofa, tapos kinuha ko yung first aid kit. Pagbalik ko nakita kong hawak-hawak ni Peter ang kamay ni Alex tapos puno ng pag-aalala ang mga mata niya.
Hindi kaya?
“natutulog siya?” sabi ko. Agad naman binitawan ni Peter yung kamay ni Alex.
“ah oo. Mukhang napagod ang katawan niya eh.” Sinimulan ko naman na gamutin ang sugat niya.
Pagkatapos nun, hinayaan ko nalang muna siyang matulog. Kumain muna kami ni Peter. Tahimik lang kami. Wala kasi akong balak sabihin sa kanya. Mukhang ganun din siya sa akin.
Gusto ko man tanungin kung may gusto ba siya kay Alex, pero huwag nalang baka masuntok lang ako ng taong to eh.
“mayron pa bang pagkain diyan?” napalingon naman kami nun.
“ALEX!” sabay namin na sabi ni Peter. Tumayo naman si Peter nun tapos pinaupo si Alex sa tabi niya
Ako naman, kumuha ng pagkain niya. Pinanuod lang namin ni Peter na kumain si Alex.
“hindi niyo ba pinakealaman ang bag ko?” tanong ni Alex. Umiling naman kami bilang sagot.
“bakit? Ano bang meron sa bag mo?” tanong naman ni Peter.
“siyempre gamit ko, ano pa ba?”pinag patuloy naman ni Alex yung pagkain niya.
“bakit ka ba nakipag suntukan sa mga kasama ni Peter” tanong ko
“hinamon nila ako eh”
“hindi naman nila gagawin yun kung wala kang ginawang kasalanan sa kanila” sabi ni Peter.
“bakit kasi hindi mo turuan yung mga kasama mo ng tamang asal. Para hindi sila sugod ng sugod tapos gaganituhin yung mga tao sa paligid nila” sabi ko
“eh masama bang manindigan para sa tama?”
“bakit? Akala niyo ba tama yang pinaggagawa niyo?”
“bakit? Sa tingin mo kung wala kang gagawin, maayos ang buhay mo?”
“kesa naman makipag bugbugan o ano!”
“at least kami, pinapakita namin kung gano kami kalakas at kami ang tunay na mga lalake”
“tunay na lalake? Para nga kayong mga aso”
“anong sabi mo?!”
“bakit? Papalag ka!”
“you two! Shut the hell up!” sigaw naman ni Alex sa aming dalawa. Nanahimik naman kami tapos nag-ring ang cellphone niya.
“huwag na huwag kayong mag-iingay kundi lagot kayo sa akin” sabi ni Alex tapos tumalikod siya ta sinagot ang tawag niya.
Tinitigan lang siya namin nun. Humugot ng hangin si Alex tapos sinagot ang tawag.
“hello mom~~~~” O.O si Alex ba yung nagsasalita?
Nagulat kami sa tono ng boses niya, lumambot mas naging babae. Parang hindi siya.
“what?! You’re here na? wait?! But why did no one told me about this?—
You’re serious?—
Now na? as in now?—
But mom!—“ humarap naman si Alex sa amin tapos pinalo ang lamesa.
“walang hiyang ate ko yun, hindi naman ako sinabihan. Grr!” nanlalaki lang ang mata namin ni Peter sa kanya.
“asan c.r niyo dito?” tinuro ko naman kung nasan yung c.r tapos dali-dali niyang kinuha yung bag niya at pumasok sa c.r
Napatahimik kami ni Peter nun dahil sa gulat.
Pumunta kami sa sala kahit na natutulala pa kami.
O.O
O.O
OoO
oOo ganyan yung mga expression ng mga mukha namin.
“sabihin mo nga, nananaginip ba ako?” sabi ni Peter.
“kung nananaginip ka? Bakit pareho tayo ng panaginip?” sabi ko naman.
“hoy kayong dalawa!”
O.O
O.O
O.O
O.O
Kulang nalang lumugwa yung mga mata namin dahil sa nakikita namin.
Si Alex?! Naka dress? Naka high heels? At naka MAKE UP!! Nakalugay pa ang buhok niya!
Ano na ba ang nangyayari ngayon?
Paki-explain naman oh!
Hindi ko na kasi maintindihan eh.
O kung nasa panaginip ako paki gising naman ako.
“huwag na huwag niyong ipagsasabi sa iba kung ano ang nakita niyo ngayon, kundi lagot kayo sa akin” sabi ni Alex, tapos lumabas siya ng bahay ko.
Iniwan niya kami dun na nakatulala.
“multo yun noh?” sabi ko naman kay Peter.
“ang ganda niya O///O” sabi ni Peter habang namumula.
“ay ewan ko sa iyo! Si Alex ba yun?”
“malamang…” sabi naman ni Peter.
Nagkatinginan kaming dalawa.
Tapos napag desisyunan namin na sundan si Alex.
Or should I say Alexis.
Ano bang sekreto ng babaeng to?
No comments:
Post a Comment