Monday, April 22, 2013

Chapter 1


Chapter 1

 *swooosssh*

“hoo! Galing!” nagpalakpakan naman yung mga tao sa ginawa niyang stunt

Nakita ko nalang na tumalon siya gamit ang skateboard niya tapos sumampa doon sa railings at nag slide.

Mas lalong lumakas yung hiyawan ng mga tao.

Ako rin napalakpak kasi alam ko talagang magaling siya sa ganitong bagay. Hmm… I’ve decided, pwede na siyang pumasok sa grupo namin.

“ang galing mo brad!” nakipag chest bump naman yung lalake sa kanya. Sa braso nalang niya pinatama yung lalake. Tapos nag hand shake sila.

Lumapit naman siya sa akin habang dala-dala yung skateboard sa gilid niya, tapos pinapahiran ang mga pawis niya.

“ano tanggap na ba ako?” sabi niya tapos tumango sa akin. Medyo maangas siya pero ganyan talaga.

“ano sa tingin niyo guys?” humarap naman ako sa mga kasama ko. Nag hiyawan naman sila na ‘siyempre’ tapos yung iba ‘oo’.

Tiningnan ko siya, na para bang pinapa telepathy ko sa kanya ang sagot ko.

“welcome to the group!” sabi ko, tapos nagsilapitan ang mga kasamahan ko at hinug kaming dalawa. Ang baho nga nila eh. Pero siyempre given nayun kasi puro kami mga lalake, at pusong lalake.

Alexis Hope L. Javier, you are now officially part of the group” sabi ko tapos nag abot ng kamay sa kanya.

“Alex nalang bro!” inabot naman niya sa akin yung kamay niya. After nun, pumasok na kami sa kanya-kanya naming mga klase.

Hindi ko pa nasasabi kung sino ako, ako pala si Yamin Cloud V. Faustino, ako pala yung leader/president ng sports club ng school namin. Pinaghalo-halo na ang lahat ng sports sa club namin.

Pero may mga section naman para hindi masyadong magulo. Mayroong basketball section, swimming section, volleyball section, soccer section, basta lahat ng sports. At yung paborito ko na skateboard section. Mas mahilig talaga ako sa skateboard sa kahit ano pa mang sports diyan.

Hindi naman masyadong kagandahan ang skwelahan namin eh, pero gusto ko dito. Hindi kasi ganun ka strict ang mga admins ng school.

Mas gusto nilang sundin kung ano ang gusto ng mga studyante. Kaya malaya kami sa school nato.

At dahil nga malaya kami, maraming mga batugan at marami ding mga gang sa school namin. Kaya pag nalaman ng mga tao na sa Clemence University ka nag-aaral, iisipin agad ng mga tao na masama ka.

Pero para sa akin, hindi nadedetermine ng skwelahan mo kung ano kang klaseng tao. Kung ano ka, yun ka.

Uwian…

Wala na akong klase para sa araw na to, kaya napag desisyunan ko na mag skate board muna. Medyo na bobored kasi ako sa bahay ko, ako lang kasi mag-isa dun.

Ewan ko ba sa mama ko, kung bakit ayaw pa niya ilipat ng morning shift ang schedule niya. Nurse kasi siya kaya masyadong hectic ang schedule. Yung papa ko naman ayun sumakabilang-bahay.

Tinanong ko naman yung mama ko niyan once, kung bakit ayaw niya ng morning shift. Sabi naman niya sa akin, ayaw daw niyang walang tao sa bahay. Kumbaga, morning shift si mama sa bahay ako naman ang evening shift.

Ewan ko rin ba kung bakit ayaw niyang walang tao yun, eh wala naman nanakawin sa amin. Ok, fine. Meron. Pero hindi naman kami ganun kayaman para pagdiskitahan ng mga magnanakaw.

Pumunta muna ako sa locker ko tapos kinuha yung mga gear ko, naisipan ko kasi na gawin yung bagong trick na nakita ko sa youtube. Mahirap kasi yun kaya na cha-challenge ako.

Pumunta ako sa skating ring tapos nag skateboard na ako. Nag-warm up muna ako saglit, yung padaan-daan lang muna sa railings tapos konting talon.

Huminto naman ako saglit para i-estimate kung saan ako tatalon at babagsak. Ngayon ko gagawin yung trick.

Huminga muna ako ng malalim tapos pinatakbo na yung skateboard ko.

Tumalon muna ako sa railings tapos tumalon ulit habang tumambling at tsaka naglanding doon sa damuhan.

Napangiti naman ako sa ginawa ko. Alam kong hindi ko pa sya perpekto kasi lumihis ako sa patumbling ko kaya paglanding ko nahiwalay sa akin yung skateboard ko.

*pak pak pak pak pak pak* (ang pobre ko talaga pagdating sa sfx -.-)

Napalingon naman ako nun nung marinig ko na may pumalakpak.

“ang galing ah! Idol talaga kita!”

“oh! Alex! Tapos na klase mo?” sabi ko tapos pinulot yung skateboard ko.

“ah… hindi pa eh, pero ang boring kasi kaya takas lang ako.” Sabi niya tapos nag wink.

Napa-iling naman ako sa kanya, kakaiba tong babaeng— este lalakeng to. Yan si Alex, isang well known na tomboy sa skwelahan namin.

Ni hindi pa daw siya nakikitang nakapalda, puro nakapants o di kaya naka p.e uniform. Mas bumilib pa kami sa kanya nung naging syota niya yung Ms. Clemence ng skwelahan namin. Grabe! Inggit na inggit ako sa kanya nung mga panahon na yun.

Crush na crush ko kasi si Wendy, ang sexy tapos ang ganda pa. Nakakalaway! Ni hindi pa yun nagkakaroon ng boyfriend sa skwelahan namin tapos itong si Alex ang nagkuha sa matamis niyang oo. Kaso nag hiwalay sila kasi nag transfer na si Wendy. Sayang naman. Tsk.

Kung nandito pa siguro si Wendy, baka hanggang ngayon may syota pa itong si Alex. Balita ko may pinopormahan na naman itong si Alex eh, kaso mukhang ayaw sa kanya. Gusto daw kasi nun, tunay na lalake.

Ganyan talaga ang buhay, weather-weather lang.

Umupo naman ako sa damuhan kasi medyo napagod ako sa pag s-skate. Umupo naman din si Alex sa tabi ko.

“alam mo brad! Hindi ko alam pero napapahanga mo talaga ako sa mga galaw mo. Tapos yung bagong trick na ginawa mo, mahirap yun ah! Nakita ko yun sa youtube, ni hindi ko pa nga memorize pa’no yung routine pero ikaw nagagawa mo na! grabe! Hands down” sabi ni Alex sa akin.

Tumawa lang ako nun tapos umiling-iling.

“magagawa mo rin naman yun eh, gusto mo turuan kita?”

“oo ba!”

“pero I mamaster ko muna yun bago ko ituro sa’yo, ayos ba?” ngumiti lang siya nun tapos nag clasp ang mga hands namin.

“sige uwi na ako” sabi ni Alex.

“sabay ako” tumayo naman ako agad nun tapos lumakad kasabay siya. Err… ako lang pala ang lumalakad kasi siya, nakasakay sa skate board niya.

Pumunta na kami sa gate nun, tapos lumiko. Iisang direction lang pala yung mga bahay namin.

Pinapatakbo lang ni Alex yung skateboard niya habang nililipad yung konting buhok na naiwan. Naka ponytail kasi siya.

“bakit pala sa Clemence ka nag-aaral?” tanong ko sa kanya. Masyado kasing tahimik eh.

“ano… kasi— ah!” napatigil naman kami tapos yumuko siya.

Mukhang naputol ang tali niya sa buhok, kaya pinulot niya ito.

“ano ba yan! Kailangan ko na naman bumili ng bago” tiningnan niya ako nun. Tapos for the first time in history, nakita kong nakalugay ang buhok ni Alex.

Mahaba naman pala ang buhok niya eh, tapos maganda pa. Siguro kung hindi lang siya tomboy, baka iniisip ko na ngayon na inaalagaan niyang mabuti ang buhok niya. Bagsak kasi siya pero may pag bouncy ng kaunti.

At tsaka, bagay sa kanya ang nakalugay, mas mukha siyang babae. Actually, maganda naman talaga tong si Alex eh. Sayang nga lang at naging kalahi ko siya.

“hoy!” napa-atras naman ako nun, kasi mukhang susuntukin ako ni Alex.

“kanina pa kita kinakausap, titig ng titig ka lang sa akin. May problema ba?”

“a-ah… wala…” sabi ko tapos yumuko.

“oh… sabi mo eh…” kumuha ng lapis si Alex mula sa bag niya at yun ang ginamit niya para mailigpit ang buhok niya.

“o siya! Alis na ako ah… malapit na dito bahay ko eh” umalis na nga nun si Alex.

Ako naman, tulala pa rin dahil sa kanya.

No comments:

Post a Comment