Saturday, January 26, 2013

Chapter 14


Chapter 14

Patuloy pa rin niya ang paghalik sa akin.

Naramdaman ko nalang na binuhat niya ako, pero hindi parin naghihiwalay ang mga labi namin.

Napaka amazing nga eh kasi hindi siya napatid o ano man. Sabagay memorize na niya yung bahay niya. Nung makarating na kami sa kwarto niya, pinahiga niya ako sa kama niya.

Well… hindi to makukumpleto kung hindi niya tatanggalin ang mga damit niya. Tinanggal naman din niya yung akin. Ang bilis nga ng mga pangyayari eh.

“this time hindi na tayo lasing, kaya maaalala na natin kung ano ang mga pinaggagawa natin” napangiti naman ako nun sa sinabi niya tapos hinalikan na naman niya ako.

He entered me, then I moaned.

Kailangan pa ba talagang I-detalye kung ano ang mga nangyari :P

Basta the rest was history, alam niyo na yun.


-----


“huwag ka nang makikipag-away ha, ayokong makick out ka.” Sabi ko habang hinihimas ang mukha niya.

“yes ma’am!” nag peck naman siya sa akin nun.

“ano pala ang ibig sabihin ng ruah?” curious na curious kasi ako kung ano yun eh.

Sinabi naman niya sa akin yun, tapos nagliwanag naman yung isipan ko. Ganun pala yun. Kinikilig naman tuloy ako nun.


Tapos natulog na kami.







“KAYONG MGA BATA KAYO! ANONG GINAGAWA NIYO HA?!!” naalimpungatan naman ako nun sa sigaw ng isang babae. Minulat ko yung mga mata ko tapos bumangon. Sabay pa nga kami ni Verzy eh.

“t-tita?! Anong ginagawa niyo dito?”

“ikaw Verzy ha! Bakit ka nag-uuwi ng babae dito?! Magbihis nga kayo! Nako ang kabataan talaga ngayon!!” umalis naman ng kwarto yung babae.

“sino yun?” tanong ko sa kanya.

“uhh.. tita ko” sabi niya sa akin. Tumayo naman siya nun tapos nagbihis na. pinulot naman niya yung mga damit ko kaya nagbihis na rin ako.

Pagbaba namin sa sala niya nakita ko yung tita na nakahalukipkip tapos nakataas ang isang kilay.

Umupo kami sa harapan niya, parang kinakabahan ako ngayon ah.

“anong sa tingin niyong ginagawa niyo ha?! At ikaw babae ka, bakit ka pumayag na magpagamit kay Verzy. Wala ka na bang pakialam sa mga pwedeng mangyari sayo? Pano kung mabuntis ka? In the first place gumamit ba kayo ng proteksiyon?”

“tita naman! Hinay-hinay lang sa pagsasalita—“

“tumahimik ka Verzy ha… anong pangalan mo?” tiningnan naman ko nun ng tita ni Verzy

“A-Angelou po”

“tawagan mo ngayon ang parents mo. Gusto ko silang maka-usap” tinawagan ko naman agad nun si mama. After 20 minutes dumating naman siya.

“anong problema?” tanong ni mama

“ikaw ba ang mama ni Angelou?”

“ako nga, bakit?” umupo naman si mama nun sa katapat niyang sofa

“alam mo ba kung ano ang pinaggagawa ng anak mo at pamangkin ko?”

“ano bang ginawa nila?” tanong naman ng mama ko tapos tumingin sa amin ni Verzy.

“naabutan ko lang naman silang hubo’t hubad sa kwarto ng pamangkin ko” napatingin naman agad sa amin nun si mama.

“eh ano naman ngayon?”

“yun na nga mali ang ginaga— anong sabi mo? Ano naman ngayon?” nagulat naman si tita nun sa sinabi ni mama.

“narinig mo naman ako diba? Alam mo, normal lang naman yan na gawin ng mag boyfriend at girlfriend eh”

“BOYFRIEND AT GIRLFRIEND??!! Kailan ka pa nagkaroon ng girlfriend Verzy ha? Ni hindi ka nga marunong manligaw tapos may girlfriend ka agad?” parang gusto ko naman tumawa ng mga oras na yun. Haha! Si Verzy hindi marunong manligaw. Haha LOL talaga.

“tita naman…” napayuko lang nun si Verzy. Napangisi naman ako sa reaction niya.

“hindi ka ba nag-aalala na baka mabuntis yang anak mo?”

“hindi… pero kung ikaw nag-aalala, then we should make this two marry each other” nanlaki naman ang mga mata ko kay mama nun.

“so starting from today, Verzy is engaged to my daughter. Payag naman kayo diba?” tumingin sa amin nun si mama. Tiningnan ko naman nun si Verzy. Hinawakan niya ang kamay ko tapos tiningnan ang tita niya at mama ko.

“payag po ako, dun naman din kami patungo eh. Diba ruah?” ngumiti lang ako nun tapos tumango.

“V-Verzy, sure ka bang pumapayag ka? Ikaw ba yan?”

“tita, hindi na ako nakikipag-away, matataas na ang grades ko, hindi na rin ako playboy gaya ng iniisip mo”

“thanks to my daughter” sabat naman ni mama.

“well, then…. Kailan natin paplanuhin ang kasal?” tanong naman ni tita nun.

“kung kailan na po kami settled ni Angelou?” inakbayan naman ako nun ni Verzy tapos hinalikan sa pisngi.

“hoy hoy hoy! Hindi porket engaged na kayo ay pwede na kayong mag labing-labing sa harapan ko. Bawal ang round 2 ok?”

No comments:

Post a Comment