Tuesday, January 01, 2013

Chapter 13


Chapter 13

Kinabukasan, halos hindi ko na mabuksan ang mga mata ko. Kaya ang ginawa ko, ki-nold compress ko nalang yung mga mata ko tapos nagsuot ng fashion glasses.

Nagdagdag na rin ako ng accessories sa katawan para hindi halata na medyo maga yung mga mata ko.

Pinilit ko na maging normal nung araw na yun. Magaling naman akong umarte eh, why not use my skill this time diba?

Nung time na kailangan na naming maglinis sa school campus ni Verzy, pinilit ko rin na maging normal yung pakikitungo ko sa kanya.

Kinakausap ko lang siya pag kailangan na talaga.

Lumipas ang mga araw na ganun ang ginagawa ko. Pero kahit na pinipilit ko yung sarili ko na maging normal, hindi parin nawawala yung sakit. Lalong lalo na pag nakikita ko si Verzy.

Halos gabi-gabi umiiyak ako kapag naiisip ko siya. Masyado akong na dedepress kaya mas tinuon ko nalang ang atensiyon ko sa pag-aaral. Well its worth it naman kasi, tumataas yung mga grades ko. Natutuwa naman ako nun.

“Ms. Javier, pumunta ka muna sa office ko” sumunod naman ako nun sa guidance counselor namin.

“ano po yun ma’am?” sabi ko tapos umupo sa upuan na malapit sa table niya.

“it is about Verzy…” umupo naman ako ng maayos nun.

“ano po ba ang tungkol sa kanya”

“lately, he is involved into fights again. And I do believe na pinag usapan na natin to na dapat wala ng away dapat. I want you to talk to him, hindi na maganda ito. Maybe makikinig siya sayo diba?” tumango nalang ako nun, pero I doubt it. Yun? Makikinig sa akin?

Well, para-paraan nalang siguro yan.

Umalis na ako nun, tapos iniisip kung pa’no ko ba kakausapin si Verzy. Ni hindi nga ako makalapit sa kanya ng maayos eh.

Bahala na nga.

Hindi ko na siya hinanap sa skwelahan nun, pumunta na ako sa bahay niya nun. Nung nasa harapan na ako ng gate niya humugot ako ng maraming hangin at lakas ng loob.

Nag doorbell ako, naghintay ako ng taong mag bubukas ng pintuan pero wala eh, kaya pinindot ko ulit ang doorbell. Wala pa rin.

Kaya nung naiirita na ako, pinindot ko ng pinindot yung doorbell

“ano ba?!! Tama na nga yan!” lumabas na siya nun sa pintuan niya tapos halata mong naiirita. Nag suot pa siya ng tshirt nun habang lumalapit sa gate.

“Sino ka ba? Ano bang kailangan—“ napahinto siya nun nung makita niya ako.

“uhhh… hi?” sabi ko tapos nag wave ng kamay.

“uhmmm… pasok ka” pumasok naman ako nun sa bahay niya. Umupo ako dun sa sofa tapos huminga nga malalim.

“ano kasi… kaya ako nandito kasi, involved ka naman daw sa mga away?”

“ah yun ba… huwag mo nang isipin yun. Kung paaalisin nila ako, ayos lang sa akin.” Nag init naman yung ulo ko sa sinabi niya.

“ayos lang sayo? Edi sana pala noon hindi na kita ipangtanggol at hinayaan kong ipa kick out ka nila kung ganito naman din pala ang kinalalabasan ng lahat!”

“eh ano naman ngayon sayo? Pwede ba huwag mo na ngang pakialaman ang buhay ko” nasaktan naman ako sa sinabi niya.

“tama ka… hindi mo ako kailangan. Sino ba naman kasi ako sa buhay mo?” tumulo na yung luha ko nun, sinama ko lahat ng hinanakit sa kanya. Sinama ko dun ang lahat ng sakit na naramdaman ko.

“bahala ka na sa buhay mo” tumayo na ako nun tapos pumunta sa pintuan.

“ah oo nga pala” sabi ko nung hindi ko pa binubuksan ang pintuan.

“nung tinanong mo ako kung pwede bang ipagpatuloy yung ginagawa natin, hindi ako nakasagot. Pero alam mo, kung hahayaan mo akong sumagot. Sasabihin ko na gusto yung ipagpatuloy”

“anong sinabi mo?” pinaharap niya ako sa kanya tapos dinikit yung likod ko sa pintuan. Medyo malakas nga yung pagkakatulak niya sa akin eh.

“sabi ko gusto ko ipagpatuloy ang relasyon natin” umiyak naman ako nun. Mahal na mahal ko talaga siya eh. Hindi ko kaya na mawala siya sa buhay ko.

“bakit? Sabihin mo  BAKIT?!!” napapikit naman ako nun habang sinigawan niya ako at inalog-alog.

“kasi nga, mahal kita Verzy! Noon pa! can’t you feel it? Nasasaktan ako sa mga pinaggagawa mo! Sa mga inaasal mo! Lalong lalo na nung nakita kitang may kasama na ibang babae” mas lalo akong umiyak nun nung maalala ko yung nasa laboratory siya.

“bakit? Sa tingin mo ba hindi din ako nasasaktan sa mga pinaggagawa mo sa akin? Sa tingin mo ba yang pag-iwas mo at mga kinikilos mo ay hindi nagpapadurog sa puso ko? At sa tingin mo ba hindi rin kita mahal?” nung sinabi niya yun, umiyak pa ako lalo. Hindi dahil sa lungkot kundi dahil napakasaya ko nun.

“huwag ka naman umiyak oh” pinahid niya yung mga luha ko tapos sinimulan niya akong halikan.

I didn’t think twice on responding to him. Tiningnan namin ang isa’t isa  nun tapos napangiti kaming pareho.




Who thought that we could fall in love with each other.

No comments:

Post a Comment