Chapter 12
Lumipas ang mga araw, patuloy pa rin
naman ang pagpapanggap sa harapan namin ni mama.
“I’m gonna miss you Verzy, bisita ka
minsan sa bahay ko ha. Huwag palagi sa bahay ni Angelou ok?”
“ma? Are you saying…?” tumango naman
nun si mama. So, lilipat na pala ng school sa mama, and she is transferring to
my sister’s school.
Uh-oh. Mukhang mapapasabak ang aking
dear sister ah.
“I will miss you too… mama” natuwa
naman si mama nun, tapos hinug niya ulit si Verzy.
Iniwan na kami ng mama ko nun. Kaya
natahimik kami.
“look’s like my job is done. Back to
normal na tayo” sabi niya tapos umalis na agad.
Ang bigat-bigat pa rin ng pakiramdam
ko. Pag-uwi ko sa bahay nun parang nawala lahat ng lakas ko. Humiga ako sa
higaan ko ng hindi pa nagbibihis. Panay ang
buntong-hininga ko habang nakatingin lang ako sa kisame.
Nakatulog na lang ako sa ganun na
kalagayan.
“tama
na! Verzy!” nilapitan ko ang mga taong pinagtutulungan siya. Tumakbo naman
sila. Nakita kong duguan na si Verzy at halos pilay na ang mga kamay at paa.
“what
are you doing here?” tanong niya sa akin. Tiningnan ko lang siya nun habang
awang awa sa kalagayan niya.
“huwag
mo na akong lapitan, you are not worthy of my time.” Tumayo siya nun na para
bang walang nangyari sa kanya.
“I
don’t need you, and stay away from me” lumakad siya nun, pero pinigilan ko
siya.
“don’t
do this. I can’t live without you…. Because
I
love you”
Nagising ako dahil sa aking alarm
clock. Umaga na pala. Ewan ko ba sa sarili ko, bakit ganun ang napanaginipan
ko. Maybe my dream was right.
Maybe I really do love Verzy.
I love him so much that I can’t
afford to loose him anymore, or else I’ll die. This time it’s true, and this
time it’s unending.
Nagmadali akong nagbihis para pumasok
sa school. I’ve decided, I will tell him what I feel. Kasi kung hindi ko pa
gagawin to ngayon. Kailan pa? pag huli na ang lahat. Pero nandun pa rin ang
pag-aalangan ko. Pa’no kung sabihin ko yun, baka magalit siya sa akin?
Baka lalo pa siyang lumayo, mas lalo
pa siyang mawawala sa buhay ko.
Well, chances are made to make us
decide. Bahala na.
Pagdating ko sa school hinanap ko
agad siya, pero hindi pa daw siya dumadating. At dahil kailangan ko ng pumasok
sa klase ko, hindi ko muna siya hinanap.
Habang nagka-klase ko parang ang
bagal ng oras. Gusto ko ng matapos to agad. I really want to see him badly.
Nung nagbell lumabas ako agad sa
classroom ko, hinanap ko ulit siya. Pero nalaman ko na may klase pala siya,
kaya hindi ko muna siya inistorbo.
And my day goes on like that, kung
wala siya klase may klase naman ako. Pag vacant ko, kung wala siyang klase busy
naman siya.
5 p.m, ang alam ko wala na siyang
klase ngayon oras nato. Kanina pa natapos yung klase ko for today.
“Mark, nakita mo si Verzy?” natulala
siya nun pagkakita niya sa akin.
“aahhh ano, h-hindi eh” sabi ni Mark
tapos tumingin sa ibang dereksiyon.
“eh kayo?” nilingon ko naman sina Coco , Harry at Lavi nun.
“aahhh… ano bang kailangan mo sa
kanya?” napabuntong hininga ako nun tapos nag-smile pero pilit. Tapos feel ko
may namumuo na luha sa mga mata ko.
“may sasabihin lang ako sa kanya”
sabi ko tapos yumuko.
“sige… salamat nalang, bye”
“teka Angelou!” hinawakan ni Coco yung braso ko.
“*sigh* kung gusto mo siyang makita
nasa isang laboratory siya sa 5th floor. Pero sana
kung ano man yang gusto mong sabihin, sana
para yan sa ikabubuti ng lahat” napatango naman ako nun tapos agad na tumakbo
sa laboratory na yun.
Hingal na hingal nga ako nun
pagkarating ko sa 5th floor. Grabe! Dapat talaga lagyan na ng
elevator ang building nato.
Hinanap ko naman yung laboratory kung
nasaan si Verzy.
Hindi ko alam pero sadyang
binabagalan ko talaga yung mga kilos ko nun, at tsaka ang lakas ng pintig ng
puso ko.
Huminga ako ng malalim nung nasa
tapat na ako ng pintuan. Pagbukas ko ng pintuan nakita ko nga si Verzy pero
Tama bang may babaeng halos hubo’t
hubad na nakapatong sa kanya?
Napatingin naman sila sa akin nun.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin nung mga oras na yun.
“aahhhh… ano sorry sa istorbo, m-may
kukunin lang sana
ako eh. Pasensiya na talaga ha. Sige ipagpatuloy niyo na yan” sabi ko tapos
isinarado ang pintuan.
Lumakad ako papa-alis nun.
Nung makalayo na ako sa laboratory,
dun na ako tumakbo. Pinipigilan ko pa ang luha ko. Tinakbo ko yung school
papunta sa bahay ko.
Wala akong pakialam kung masakit na
ang paa ko, wala akong pakialam kung hingal na hingal na ako. Basta gusto ko
lang maka-uwi.
Pagkadating ko naman sa bahay ko,
agad akong pumasok sa kwarto ko tapos sumubsob sa kama
ko.
Dun ako umiyak nang umiyak at
humagulhol.
Parang gumuho ang mundo ko ng mga
oras na yun. Ang sakit sakit ng nararamdaman ko. Mas pipiliin ko pa ang maging
manhid.
Mas masakit pa to nung nalaman ko na
bakla si Clester. Parang andami ko ngang tubig sa katawan eh, kasi hindi pa rin
maubos-ubos ang mga luha ko.
Maybe
Me plus Verzy is equals to nothing.
No comments:
Post a Comment