Chapter 11
Lumipas ang panahon mas lalong
lumalim ang nararamdaman ko kay Verzy. I know this is not right pero hindi ko
talaga mapigilan. Hindi na nga ako mapakali kung nandiyan siya sa tabi ko eh.
Kaya ang ginagawa ko, umiiwas ako sa
kanya. Hindi ako makatingin ng deretso sa mga mata niya.
Nagtataka na nga yung mga kaibigan ko
eh, well baka nga rin siya nagtataka rin kung bakit ako lumalayo sa kanya. Yung
mama ko naman iniisip na nag l-lq lang kami.
“ANGELOU GRACE L. JAVIER! MAG-USAP
TAYO!” umagang-umaga may nambubulabog sa harap ng gate ko. Nagising nga ako
dahil sa sigaw niya eh.
Lumabas naman ako ng gate nun wala
akong paki-alam sa itsura ko. Kahit na naka night gown pa ako tapos magulo pa
yung buhok wala akong pakialam.
Kinusot ko lang yung mga mata ko if
ever may something doon, lumabas naman ako sa bahay tapos pikit matang binuksan
yung gate.
“anong kailangan mo?” natahimik naman
si Verzy nun.
“i-ikaw! Magbihis ka nga!
Lalabas-labas ka tapos ganyan ang suot mo! Hindi ka ba nag-aalala na baka
rape-in ka ng mga tao dito?”
“pasok ka na nga! Andami mong satsat”
hinila ko siya papasok sa bahay ko. Grabe! Antok na antok pa ako. Pagpasok ko
naman agad sa bahay binitiwan ko siya, tapos sumobsub ako agad sa sofa.
“huwag mong sabihin na balak mo akong
tulugan dito?” hindi ako sumagot nun, gusto ko pang matulog.
“hoy! Angelou!” inayos ko lang yung
pagkakahiga ko nun, habang ini etsapwera lang siya. Tinaas ko yung isang binti
ko tapos tinakpan yung mata ko gamit ang braso ko
“Angelou naman! Huwag kang ganyan.
Tingnan mo nga yang suot, mo tapos ganyan pa ang posisyon mo, anong bang
iniisip mo na maramdaman ko?”
Wa epek. Hindi ko siya pinansin nun.
Naramdaman ko nalang na binuhat niya ako. Maya-maya lang nasa kama
na ako. Dun, tuluyan na akong nakatulog.
Paggising ko isang Verzy Louis S.
Vidal na natutulog ang bumungad sa akin. Tiningnan ko ang sarili ko nun.
Phew! Akala ko nirape na ako netong
si Verzy eh =P
Bumangon naman ako nun tapos naligo
at nagbihis. Tulog na tulog pa rin siya kada check ko sa kanya. Mas mantika
pala tong matulog kesa sa akin eh.
Tiningnan ko yung relo ko. Wow! Lunch
time na. nagluto nalang ako nun tapos ginising si Verzy.
“Verzy gising!” dinilat naman agad
niya yung mga mata niya.
Nagulat nalang ako nang bigla niya
akong hi-nug tapos pumatong siya sa akin.
“pinahirapan mo ako alam mo ba yun?”
nandiyan na naman yung puso kong hindi ko ma kontrol-kontrol
“tara !
Lunch tayo” tinulak ko naman siya nun tapos umalis agad ako mula sa
pagkakahiga.
“pagkatapos nating kumain, mag-uusap
tayo” tiningnan ko lang siya nun, tapos tumango umalis na ako sa kwarto ko
sumunod naman siya.
Tahimik lang kaming kumakain nun
hanggang sa matapos kami. Hinugasan ko na yung pinagkainan namin, nagbabagal
nga ako ng kilos eh, incase mainip siya tapos maisipan niya umalis agad. Ligtas
na ako diba?
“hanggang kailan mo ba balak banlawan
yang mga pinggan?” kaso nga lang mukhang wa epek yung plano ko. Tss.
Pagkatapos kong iligpit yung mga
plato, pumunta naman ako sa c.r
“hanggang kailan mo ba balak
magkulong sa c.r” lumabas naman ako agad nun sa c.r
“mamili ka, mag-uusap tayo o
r-rape-in kita” hindi naman ako nakasagot nun kasi hinila na niya ako papunta
sa sala. Pinaupo niya ako nun sa sofa.
“ano bang problema mo? Bakit mo ba
ako iniiwasan?” napayuko lang ako nun, kasi wala akong masagot sa tanong niya.
“ano ba?! Akala ko ba magiging
girlfriend kita? Pero bakit parang nagiging stranger ata ang turing mo sa
akin?”
“eh bakit ka ba engrossed sa relasyon
natin. Eh nagpapanggap lang naman tayo eh” siya naman yung natahimik ngayon.
“ah… oo nga pala, NAGPAPANGGAP lang
pala tayo. Pasensiya na, nakalimutan ko” nakalimutan? Anong ibig sabihin niya
dun?
“kahit anong gawin natin, matatapos
at matatapos din to. Kaya huwag na natin sanayin ang sarili natin” sabi ko tapos
yumuko.
“tama ka” sabi niyang habang
tumatango tapos namumula ang mga mata.
“sige pala, alis na ako” lumakad
naman siya nang mabilis paalis ng bahay ko.
Hindi ko alam pero kahit na sinabi ko
yun, iba yung nasa puso ko. Ang bigat tuloy ng pakiramdam ko.
I’m hurt.
No comments:
Post a Comment