Chapter 10
Napatingin naman agad kami ni
Verzy sa isa’t isa. Pareho pang nanlalaki ang mga mata namin.
“s-sir alam ko pong sinabi niya sa
akin pero alangan naman pong hayaan ko silang bugbugin ako” sabi ni Verzy.
Naaawa ako sa kanya.
“I’m sorry Verzy, pero napag-usapan
na natin to”
“kung I k-kick out si Verzy, edi
dapat kick out din ako” nagulat naman silang lahat sa sinabi ko.
“what are you talking about Miss
Javier?” sabi ng guidance counselor namin.
“ma’am nandun din po ako nung
nakipag-away si Verzy, actually ako nga yung nagpatumba sa mga lalakeng umaway
sa kanya eh. Siguro kung hindi pa kayo dumating ng mga oras na yun baka napatay
ko na ang mga lalakeng yun” huminto ako saglit para tingnan sila na nanlalaki
ang mata sa akin.
“at tsaka, bakit si Verzy lang ang
may sanction? Eh dapat mas malaki yung sanction ng mga umaway sa kanya. Can’t
you see? Ipinagtatanggol lang ni Verzy ang sarili niya. IPI-NAG-TA-TANG-GOL!!
You can see the difference between defending and attacking right? Bakit kayo
ganyan? Dapat open minded kayo kasi mga teachers namin kayo. If its his fault
to fight for what we should fight for then it is also everybody’s fault for
hating him, when he does nothing!” napa gasp ako nun kasi deretso-deretso lang yung
pagsasalita ko. Walang preno. Bagay akong maging abogado ha. Infairness :P
“u-uhmmm.. well, Miss Javier your
right. Pero kaya namin ginagawa to para wala nang kasunod na mangyari na
ganito. Ayaw namin na may away na naman sa school.” Sabi ng guidance counselor
namin. Magsasalita sana
ako nun pero nag sign siya na patapusin muna siya kaya nanahimik naman ako.
“I believe everybody deserves second
chances pero kailangan niyong matutunan na ang lakas ay ginagamit sa kabutihan
hindi para puruhan ang sino man ok?” napatango naman kami ni Verzy nun.
“hindi na namin ipapa kick out itong
si Verzy, pero!” sabi ng prefect namin.
“pero you will have to clean our
school campus for 4 Saturdays. Kayong dalawa ok?” nanahimik lang kami nun ni
Verzy. Cleaning? Well, let just say na wala akong alam tungkol dun.
“and as for the boys na sumugod sayo
Mr. Vidal, they are suspended for a month. Is that okay?” napatango naman nun
si Verzy. After nun pina-alis naman kami nun.
Nung lumabas na kami humugot ako nang
sandamukal na hangin.
“tayo na” umuna ako na maglakad sa
kanya.
“Angelou” hinawakan ni Verzy yung
braso ko, kaya tiningnan ko naman siya nun.
“salamat” niyakap naman niya ako nun
ng mahigpit. Tapos naramdaman ko na hinalikan niya yung gilid ng ulo ko.
“I really can’t leave without my
Ruah” huh?! Ruah? Sino yun? Babae ba yun?
“Verzy, Angelou” napalingon naman
kami nun kay mama. Oo nga pala, nandun pala siya sa loob kanina. Ni hindi ko
man lang naramdaman ang presence niya. Ang tahimik ni mama eh. Hindi man lang
kami pinagtanggol.
“we need to talk” lumakad naman nun
paalis si mama kaya sumunod kami sa kanya. I have a bad feeling about this
*gulp*
Napunta kami sa isang classroom na
walang tao. Tapos humarap si mama, tama nga ako galit siya.
“what is this story I’ve been hearing
about? Matagal ka nang nakikipag suntukan sa ibang studyante, ha Verzy?”
lumapit naman si mama ko nun kay Verzy habang naka-kunot ang noo niya.
“at ikaw naman Angelou? Anong
ginagawa mo all this time?”
“uhhmmm.. inaawat naman po ako ni
Angelou eh” sabi ni Verzy habang hinahawakan ang likod ng ulo niya at tsaka
nakayuko siya.
“oh my God! I really love it when my
daughter found someone as strong as you” niyakap naman ni mama nun si Verzy.
Adik din tong mama ko noh? Hindi mo alam kung anong iniisip.
“naku iho! Sure akong maipagtatanggol
mo itong si Angelou ko kapag may umaway sa kanya. Pero hinay-hinay lang ha.
Kasi ayokong maagang mabiyuda ang anak ko” hinimas himas naman ni mama ang
mukha ni Verzy.
“mom stop it!” sabi ko habang
nakahalukipkip
“asus! Eto naman si Angelou, dakilang
selosa. Para lang sa iba nagpapagamot si Verzy
kahapon, emote ka naman. Huwag kang mag selos anak, hindi ka naman ipagpapalit
ni Verzy sa iba eh. Diba anak?” tumingin siya kay Verzy nun. Talagang tanggap
na tanggap na si Verzy sa pamilya namin ah.
Pero teka? Sinabi ba ni mama na
nagseselos ako? Ako magseselos?
Like duh?!
Pa’no niya nalaman? >.<
“o siya alis na ako” umalis naman si
mama nun sa classroom. Namula ako nun dahil sa sinabi ni mama. Ang mama ko
talaga! Grrr!
“kaya ka ba nagalit nung isang araw,
kasi nag selos ka?” ngising-ngisi naman siya sa akin nun. Tapos hinay-hinay
siyang lumapit sa akin. Napa-atras naman ako nun. Para
kasi niya akong kakainin.
“Verzy, don’t believe my mom.” Sabi
ko, dahil sa pag-atras ko napunta na ako sa dingding. Nilagay naman ni Verzy
yung mga kamay niya sa gilid ko.
“wala naman akong sinabi na
naniniwala ako sa kanya ah. Kaya nga nagtatanong ako eh” malagkit yung tingin
niya sa akin tapos inamoy amoy ang buhok ko, pati ang leeg ko.
Nakaramdam ako ng init. Omg! Hindi
pwede to!
“Verzy, inaakit mo ba ako?”
“Bakit? Naaakit ka ba?” malagkit pa
rin yung tingin niya sa akin.
“h-huwag ka ngang ganyan…” hindi siya sumagot
nun kasi hinalikan niya yung mga pisngi ko.
“you know what Angelou, wala ka naman
dapat na pagselosan eh. Because you’re my ruah and people can’t live with out
it” bago ko pa tanungin kung ano ang ibig sabihin ng ruah na yan inangkin na
niya ang mga labi ko.
This guy is now bringing heat to my
body and makes my heart beat so badly.
Inexplore naman ni Verzy ang bibig ko, tumugon
naman ako sa mga halik niya. Hinawakan ni Verzy ang likod ko, kaya napakapit
naman ako sa leeg niya.
“uy!! Iba na yan ah! Wala naman tao
dito eh, dapat hindi niyo ginagawa yan” tumigil naman kami ni Verzy nung
marinig namin si Mark.
“halika na nga!” feel ko malakas yung
pagka hawak ni Verzy kay Mark kasi na ‘ugh!’ siya nun. Nag bye-bye lang sa akin
si Mark nun habang hila-hila siya ni Verzy. Napatawa naman ako sa itsura niya. Para kasi siyang sinakal.
----
Uuwi na sana ako nun nung makita ko si Verzy sa labas
ng classroom ko. Agad naman akong lumapit sa kanya.
“anong ginagawa mo dito?”
“hinihintay ka” napatingin naman ako
sa kanya nun with matching nagtataka na expression.
“ihahatid na kita siyempre” hinila
naman niya yung kamay ko nun. Hindi na ako nakapalag nun kasi ang bilis niyang
maglakad.
Napatingin naman ang mga tao sa amin
nun, kasi kung titingnan mo parang nag HHWW kami but in reality hinihila lang
ako ng taong ito.
Nakarating na kami sa bahay ko nun,
hindi ko nga alam na nakarating na kami eh. Parang ang dali-dali lang kasi ng
oras.
“gusto mong pumasok muna? Uminom o
magpahinga man lang saglit?” tumango naman sya nun, kaya pinapasok ko naman
siya.
Nilapag ko yung bag ko sa sofa tapos
pina-upo siya sa upuan. Pumunta ako sa kusina para kumuha ng snacks. Nagtimpla
na rin ako ng juice incase uhawin siya.
“uhhh… kain ka muna” sabi ko tapos
kumain naman siya. Tahimik lang siya nun, kaya napag pasiyahan ko na I turn on
ang tv
Nanood lang ako nun habang siya
kumakain.
“Pagkatapos ng lahat ng ito, may
chance ba na ipagpatuloy natin to?” napalingon ako agad nun kay Verzy.
“may sinabi ka?” umiling lang siya
nun.
“wala. Sige alis na ako” hinatid ko
naman siya sa gate namin tapos nag bye-bye na kami sa isa’t isa.
May sinabi siya eh. If I’m not
mistaken, sabi niya…
Pagkatapos
ng lahat ng ito, may chance ba na ipagpatuloy natin to?
May chance ba?
No comments:
Post a Comment