Friday, December 07, 2012

Chapter 9


Chapter 9

Nanahimik nalang ako nun, I mean kami pala, tapos hinayaan namin na yung radio nalang ang mag-ingay.

Nakarating na ako sa bahay ko, bumaba naman ako. Bumaba din siya. Nagulat nga ako dun eh, kasi akala ko aalis siya kaagad.

“gusto mo munang pumasok sa loob?” sabi ko, hindi ko kasi alam kung ano ang dapat kong sabihin eh. Umiling naman siya nun.

“ahhh.. sige goodnight *smack*” balak ko na talaga pumasok nun sa bahay ko, pagkatapos ko siyang halikan, smack lang naman eh. Kasi medyo nahiya ako sa ginawa ko.

Parang way na rin yun ng thank you ko para sa kanya. Pero nung tumalikod ako, hinawakan niya ang kamay ko tapos pinaharap ako sa kanya.

Bigla nalang niya akong hinalikan, it was long yet sweet. Hindi ko rin naman pinigilan ang sarili ko. Tumugon naman din ako sa mga halik niya.

*tug dug.tug dug* heart ko ba yun?

Ba’t ganun? Galing lang ako sa pagiging broken hearted, inlove agad ako? Siguro…
Siguro, dahil ginawa ni Lord na maging bakla si Clester kasi I am destined for another man.

Siya na ba yun? si Verzy na ba yun?

Me and Verzy? Ang labo naman.

“ahhh.. ano… goodnight” sabi ni Verzy tapos umalis na siya, pinaharurot niya agad yung sasakyan niya.

*sigh* dapat siguraduhin ko muna kung ano ang nararamdaman ko. Ayoko ng padalos-dalos.


----


Nung nagkita kami ni Verzy sa school naging awkward kami sa isa’t isa. Pareho kaming hindi makatingin directly sa mga mata ng isa’t isa.

“oyy! Anong problema niyo?” tanong sa akin ni Camille. Nag shrug lang ako nun na hindi ko rin alam.
After nun, hindi ko na sila masyadong pinansin. Ang kukulit kasi nila. Mabuti nalang yung araw na yun, medyo busy ang mama ko kaya hindi namin kailangan masyadong lumapit sa isa’t isa.

Ugh! Can’t take anymore! Halos matapos na ang araw hindi pa rin kami nag-uusap. So, I decided na hanapin siya. Tiningnan ko ang lahat ng places kung saan siya pwede magsuot but its always negative.

Saan kay nagpunta ang lalakeng yun? pumunta naman ako sa rooftop kasi yun nalang ang hindi ko pa napupuntahan. Sinuwerte naman ako kasi nakita ko naman si Verzy.

Pero nanlaki ang mata ko nung biglang may pumalo sa likod niya, tapos nagsuntukan naman silang lahat. Pinagtutulungan nila si Verzy.

“HOY! ANONG GINAGAWA NIYO?!” lumapit naman ako sa kanila nun kaya napatigil sila sa ginawa nila.

“nandito na naman si miss peacemaker” sabi nung lalakeng nasa gilid ko.

“tigil-tigilan niyo na nga yang mga pinagkakagawa niyo” sabi ko.

“eh sa kung ayaw namin may magagawa ka ba?” lumapit naman sa akin yung isang lalake kaya automatic na nasuntok ko siya. Dumugo pa nga yung ilong niya nun eh.

“may magagawa ba ako? Actually meron. Marami pa nga eh” sabi ko.

“ikaw na babae ka! Bakit mo ba nililigtas itong si Verzy, eh siya lang naman yung may kasalanan sa amin eh”

“at bakit ko naman hahayaan ang boyfriend ko na bugbugin niyo?” omg! Did I just say that? Boyfriend? Iba na to. -.-

Nagulat naman silang lahat nun, tapos nanlaki ang mga mata nila.

“so, totoo pala yung mga balita-balita. Na si Miss peacemaker ay girlfriend ni Mister troublemaker” sabi nung isang lalake habang nag s-smirk siya.

“Angelou, umalis kana… away ko to” biglang sabi ni Verzy.

“uuuyyyy…. Ang sweet-sweet naman nilang dalawa oh” kantyaw naman nung isa.

“Angelou!” bigla namang tumakbo si Verzy sa likod tapos nakita ko nalang na hinarangan niya yung pamalo na dapat sa akin tatama.

Hindi pa nakuntento yung lalake, pinalo pa niya sa balikat si Verzy, tapos pinalo niya rin sa tiyan.

“Verzy!” lalapit sana ako sa kanya nun, pero hinarangan ako nung isang lalake. Sinuntok naman niya ang tiyan ko kaya namilipit ako sa sakit at tsaka napaluhod. Grabe! Parang nawala lahat ng enerhiya ko sa katawan.

Hinawakan naman ako ng dalawa pang lalake tapos pinatayo. Hindi ako makagalaw nun kasi ang higpit ng hawak nila, isama mo pa yung sakit ng tiyan ko. Medyo nahihilo ako nun.

Tiningnan ko naman nun si Verzy, pinagtutulungan siyang bugbugin nung natitira pang mga lalake. Dumudugo na ang bibig niya pati yung braso niya. Halos hindi na rin siya makagalaw.

“ikaw!” pinaharap naman ako nung isang lalake sa kanya. Hinawakan niya yung mga pisngi ko gamit ang isang kamay.

“napaka-pakialamera mo yan tuloy ang napala mo” pagkatapos niyang sabihin yun, sinampal niya ako.

Tiningnan ko siya ng masama.

“anong tinitingin-tingin mo diyan? Ha!” halos wala nang lakas ang katawan ko.

“aaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh
hhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh
hhhhhhhhhhhhh!!!” sumigaw nalang ako ng sobrang lakas yung tipong nakakabingi na sigaw ang sakit nga nun sa lalamunan eh. 

Bigla ko namang tinapakan yung paa sa isa sa mga humahawak sa akin. Nung medyo na distract siya inuntog ko naman siya sa isa pang humawak sa akin. Yun nahilo sila, kaya natumba.

Sinuntok ko naman yung lalakeng nasa harapan ko, pero naharangan niya. Kaya ang ginawa ko sinipaan ko yung ‘bird’ niya. Namilipit naman siya sa sakit, kaya iniwan ko siya.

Kinuha ko naman yung isang pamalo tapos lumapit sa mga lalake nambugbog kay Verzy. Sinubukan nila na suntukin ako pero naka-ilag naman ako. Kaya pinalo ko sila ng pinalo. Hanggang silang lahat nakahandusay sa sahig.

“Angelou Javier! Aaaggghh!” susugurin sana ako nung isa pang lalake nang biglang bumukas ang pintuan.

Nandun yung prefect namin, guidance counselor, at

“what is happening here? Huh?” ang mama ko.

Napatigil naman yung lalakeng susuntok sana sa akin. Tapos ako napatayo lang ng matuwid.

“mom, I tell you. Sila ang nauna”


-----

“aray! Aray! Aray nga! Ano ba?!” hinawakan naman ni Verzy yung kamay ko nun tapos tiningnan ako na para bang naiirita.

“ano ka ba? Siyempre sugat yan, kaya masakit. Tiisin mo nalang, no pain no gain” sabi ko tapos pinag patuloy yung paggamot sa sugat niya.

“alam mo, dapat yung sarili mo nga ang ginagamot mo eh. Ikaw kaya yung sinuntok at sinampal kanina” sabi niya habang hinigit ang kamay ko.

“eh sino ba yung nabugbog? Diba ikaw? Tingnan mo nga ang sarili mo, andami mong pasa.” Hinawakan ko naman yung mga pasa niya, more like sinundot ko yung mga pasa niya kaya napa-aray naman siya agad.

“ano ba?! Masakit na nga, dinadagdagan mo pa!”

“kaya nga ginagamot ko diba?”

“alam mo?! Mas gugustuhin ko na yung nurse nalang ang maggamot sa akin kaysa sayo” nag-init naman yung ulo ko nun. Aahhh.. so yung nurse? Yung nurse na maganda na halos kita ang kaluluwa?

“ok, magsama kayo nung nurse mo!” tumayo ako nun tapos tinapon sa mukha niya yung mga bulak.umalis ako nun sa clinic habang nagdadabog. Tiningnan naman ako nun ng mga pasyente pati na rin ng iba pang tao dun.

Nurse pala ha. Bwesit!

Selos ka lang eh

Bakit? Hindi ba pwede? Nakaka-irita siya ha. Ako na nga tong nagmagandang loob na gamutin siya, iba pa yun hinahanap niya. Che!

“Angelou, anak bakit ka nandito?” napalingon naman ako nun sa mama ko.

“ma, uwi na po ako. Pagod ako eh. Sige bye” nagmadali akong umalis nun tapos umuwi na. itinulog ko nalang ang lahat na pagka badtrip ko.

Kinabukasan obvious na masyado kung bakit kami pinatawag sa counseling room.

Inirapan ko naman si Verzy nung nakita ko siya. Badtrip tong lalakeng to.

Pagpasok naming dalawa, nandun ang mama ko ang prefect at yung guidance councilor. Pinaupo naman kami nun sa harapan nila.

“tell us what really happened…” sabi nung guidance counselor

“uhmmm… naabutan ko nalang po kasi na pinagtutulungan si Verzy ng mga lalakeng yun kaya lumapit ako at tinulungan ko si Verzy.”

“eh ikaw Verzy, bakit ka naman nila pinagtulungan?”

“sila po kasi yung nauna, nanahimik lang ako nun sa rooftop tapos nilapitan nila ako tapos pinagsusuntok na nila ako. Siyempre, kailangan kong lumaban.” Sabi ni Verzy habang nakatingin sa ibang dereksiyon.

Napabuntong hininga naman nun yung prefect namin.

“Verzy diba sabi ko sayo, pag nalaman ko na kapag makikipag-away ka pa…



Ma k-kick out kana.”

*gulp*

0.0

No comments:

Post a Comment