Saturday, January 26, 2013

Chapter 15


Chapter 15

Mark’s POV

I smell something fishy… masyadong malansa para hindi mahalata.

Kamakailan lang nag-iiwasan itong sina Verzy at Angelou, pero ngayon kapag nagkikita silang dalawa todo ngisi naman itong si Verzy.

Para bang may ipinahihiwatig na hindi namin alam. Hindi lang naman ako ang nakakapansin nun eh, pati na sina Coco, Harry at Lavi. Siguro napapansin din yun ng mga kaibigan ni Angelou.

Mas shocking news pa! hindi ko na nababalatian na nakikipag-away itong si Verzy. Tapos yung grades niya line of 9 lahat! Tinalbugan pa ako! Grabe!

Pero kung mapapansin mo, hanggang tingin lang naman sina Angelou at Verzy sa isa’t isa. Hindi ko pa sila nakikitang nag-uusap.

Pero parang timang naman to si Verzy, titingin sa kawalan tapos ngingiti bigla. Mas lumalaki pa ang ngiti niya kapag nakatingin siya sa cellphone niya.

Tapos kapag may babaeng lumalapit sa kanya iniiwasan lang niya. Eh dati-rati ine-entertain naman niya yung mga yun eh.

Si Verzy pa ba talaga itong kasa-kasama ko? Baka iba na ha. Nakakakaba

Hindi ko na talaga matiis ang pagka curious ko sa lalakeng ito kaya napagpasiyahan ko na sundan siya.

Pa detective pala ang effect ko ngayon eh =D

Uuwi na dapat ngayon si Verzy kasi wala na siyang gagawin sa eskwelahan. Hindi ko pa pala nasasabi sa inyo na exam week namin ngayon at ngayon ang last day.

Pero hindi umuwi si Verzy, kinuha niya yung bag niya tapos lumabas ng classroom. May pasipol-sipol pa siyang nalalaman.

Sa ibang dereksiyon siya pumunta, so tumama ang prediction ko na pupunta siya sa old building na school namin.

Anong gagawin niya dun? Ghost hunting? Pwede rin, pero si Verzy mag g-ghost hunting… imposible!

Sinundan ko lang siya nun, habang patago-tago sa kanya. Para nga akong hibang kung titingnan niyo eh. Pero wala akong pakialam.

Ganito ang tao pag curious at gusto ma solve ang isang mystery.

Huminto naman si Verzy sa tapat ng isang bakanteng kwarto. Dati yung office ng sports club. Pero dahil lumipat na yung sports committee nabakante na yung kwarto na yun.

Nag-lean lang si Verzy nun tapos tiningnan ang paligid. Nagtago ako agad nung lumingon siya sa dereksiyon ko. Phew! Muntikan na yun ah!

Sinilip ko siya ulit. Nakita ko naman si Angelou na patakbong lumalapit sa kanya.

“sorry, naghintay ka ba ng matagal?” narinig ko na sabi ni Angelou tapos hinug si Verzy. Iba na talaga to.

“hindi naman. I miss you! Hindi na kita masyado nasosolo kasi ang hectic ng exams natin” sabi naman ni Verzy habang nilagay ang mga kamay niya sa bewang ni Angelou, nilagay naman ni Angelou yung mga kamay niya sa balikat ni Verzy.

“I miss you too…” pagkatapos sabihin yun ni Angelou, hinalikan naman siya ni Verzy. Pumasok naman sila nun sa dating office.

Naghintay ako ng mga 2 minutes or so bago lumapit sa office.

Paglapit ko nagulat nalang ako, na marami pala kaming sumusunod sa kanila.

“anong ginagawa niyo dito?” pabulong ko na sabi kina Coco, Harry at Lavi.

“edi kung ano rin ang ginagawa mo dito” bulong naman ni Coco.

Mas nagulat ako nung makita ko si Camille, Jessica at Danica

“anong ginagawa niyo dito?” tanong ni Jessica

“ssshh!!” sabi ni Harry.

Sumilip naman kami nun sa loob. Nanlaki yung mga mata naming lahat, kasi sina Verzy at Angelou nag…


You know na.



Napa-gasp naman kaming lahat tapos hindi na kami tumingin sa loob.

“I can’t believe this” bulong ni Danica.

“hintayin nalang natin silang lumabas tapos tatanungin natin sila, ok?” suggest naman ni Lavi. Nagsitanguan naman kami nun tapos naghintay nga kami.

2 hours passed…

“grabe! Ang tagal!” pabulong na sabi ni Camille.

“ganyan talaga yan” bulong ni Coco.

Nagpout lang nun si Camille. Nakita ko nalang na dinikit ni Lavi yung tenga niya sa dingding.

“malapit na” bulong niya sa amin.

“pa’no mo naman nalaman yun?” tanong ni Danica. Nakakatuwa talaga ang mga taong inosente. Haha!

After 15 minutes lumabas naman nun sina Verzy at Angelou

“anong ginagawa niyo dito?” tanong ni Angelou.

“dapat kami ang nagtatanong niyan. Ano ang ginagawa niyo dito?” sabi ni Jessica

“ano bang meron sa inyo ni Verzy, Ange!” sabi ni Danica

“dapat may sabihin ka sa amin” sabi naman ni Camille.

“aahh… ano eh…” napayuko naman nun si Angelou tapos nilagay niya yung buhok niya sa likod ng tenga niya.

“OMG! ANO TO!” kinuha ni Danica ang kamay ni Angelou tapos nakita namin na may suot siyang singsing.

“bakit kayo may ganito?!” kinuha naman ni Lavi yung kamay ni Verzy.

“actually guys, Angelou and I are engage”










o.o


“ENGAGE?!!”





“don’t worry, invited kayo sa kasal namin ^_^v” dagdag pa ni Angelou





Oh great!

No comments:

Post a Comment