Chapter 3
Sa hindi malamang dahilan ang ganda ng gising ko nung araw na yun. hindi ko na rin maalala kung ano yung napanaginipan ko kagabi basta yun ang dahilan kung bakit maganda ang gising ko.
Monday…
Hindi pa rin nawawala yung pagiging good mood ko. Kaso nga lang, medyo nakukulangan ako sa araw ko.
Nagklase na kami. Sinubukan kong makinig kaso na bo-bored talaga ako sa English na class.
“Mr. Vidal, please read the next sentence” napatayo naman ako agad nun tapos binasa yung libro ko. Tinanong ko pa sa katabi ko kung ano yung page.
“Angelou, bought five buckets of apple, then a tremendous thing happened” tumingin naman ako nun sa teacher ko, naka smile lang siya sa akin. Tiningnan ko naman yung mga kaklase ko. Yung iba natatawa yung iba naman parang nagtataka ang mga mukha.
“Well, Mr. Vidal, if you read the sentence carefully, it’s not Angelou, it’s Angel” napatingin naman agad ako nun sa libro. Angel nga yung nakalagay.nagtawanan naman yung mga kaklase ko. Pati sina Lavi nakitawa rin. Tiningnan ko naman sila ng masama kaya ayun natahimik rin ang klase. Umupo nalang ako nun.
“Mr. Vidal, if you are referring to Miss Javier, she did not attend her classes today. Student ko rin siya, ang sabi ng mga kaklase niya may sakit daw siya kaya hindi nakapasok. Kaya kung balak mong dumalaw, magdala ka ng prutas” napa uuuyyyy naman yung mga kaklase ko. Tsk! Wala ba silang magawa kundi ang alaskahin ako?
Pero teka, si Angelou may sakit? Bakit kaya? Eh ang sigla sigla nga niya nung nagkita kami eh. Ano kayang ginawa nun at nagkasakit yun ng ganun.
Kamusta na kaya sya? May nag-aalaga kaya sa kanya? May makakain kaya siya? Eh mag isa lang yun sa bahay nila eh. Naku!
“Mr. Vidal! Kung matutulala ka lang sa klase ko eh umalis ka ngayon din!” teka?! Math teacher ko na to ah. Nag bell na pala? Ba’t hindi ko napansin?
“eh kasi naman ma’am nag-aalala yan kay Angelou.”Napa‘uuyyy’ naman yung mga kaklase ko. Kahit kailan talaga itong si Mark oh.
Uwian na nun… inempake ko na ang mga gamit ko nun, tapos umalis kaagad.
“naman! Verzy, hindi naman nakakamatay ang sakit ni Angelou eh. Kaya hinay hinay lang. huwag masyadong hot!” sigaw ni Harry.
“ano ba kayo? Hindi ko naman siya pupuntahan eh”
“sus! In dineal pa” sabi ni Lavi.
“ewan ko sa inyo.” Lumakad naman ako nun. Nakalayo na ako sa school nun nung may naramdaman akong sumusunod sa akin.
“lumabas nga kayo!” ayun lumabas naman ang apat na kumag. May pangiti-ngiti pa silang nalalaman.
“bibisitahin mo si Angelou no?” sabi niCoco
“hindi ah! Uuwi na ako”
“uuwi daw, eh sa kabila kaya yung daanan papunta sa bahay mo” sabi ni Mark
“aminin mo na kasi” sabi ni Harry.
“oo na! ok. Tsk” napahiyaw naman sila nun.
“ayun umamin rin. Sama kami” pinagpatuloy ko lang yung lakad ko nun.
---
“mag doorbell kana kasi” sabi ni Lavi
“eh, hindi nga makakabangon yung tao kasi may sakit nga diba?” sabi naman ni Harry. Kanina pa kami sa tapat ng bahay ni Angelou. Hanggang ngayon hindi parin kami makapasok. Tsk.
“ oo nga eh… hahaha, tapos umulan pa nun, kaya puro putik tayo” napalingon naman kami kung saan nanggaling yung boses. Nanlaki yung mga mata namin kasi si Angelou yung nakita namin. Ang sigla-sigla pa nga niya eh. Tapos may isang lalake sya na kasama.
Napalingon naman agad sila sa amin. Tapos yung smile ni Angelou biglang nawala, pero bumalik naman din agad.
“mga kaklase mo ata sila Ange?” sabi nung lalake.
“ah… hindi schoolmate ko. Sige una ka na sa loob. Kausapin ko muna sila” lumapit naman si Angelou sa amin.
“uy! Verzy, Harry,Coco, Mark, at Lavi.. anong ginagawa niyo dito?” sabi niyang habang todo ngiti tapos ang taas ng energy. Narinig naman namin yung pag sirado ng gate. Tapos biglang nawala yung ngiti ni Angelou. Tinaas niya yung kilay niya.
“anong ginagawa niyo dito?” eto ang Angelou na nakilala ko. Yung maldita at galit kay Verzy.
“diba may sakit ka?”sabi ni Mark.
“ah yun ba, siyempre nagsinungaling ako.”
“bakit naman? At sino ba yung lalakeng yun?” tanong ni Harry.
“para makasama ko si Clester, at siya lang naman yung lalakeng mahal ko. Umalis na nga kayo, pag ginulo niyo ako sapak ang aabutin niyo sa akin” umalis na siya sa harap namin nun tapos pumasok na siya sa bahay nila.
Clester? Mahal? Sakit?!! Wala naman palang kwenta ang pagpunta namin dito eh. Tsk! Nag init ang ulo ko nun.
“uyy… may Clester na pala… Verzy, kalimutan mo na yun” sabi niCoco.
“arcade tayo” sabi ko. Nanahimik naman sila nun.
Pumunta nga kami sa arcade tapos dun ko binuhos ang pagkagalit ko. Nilaro ko yung punching game. Yung ime-measure kung gano kalakas ang suntok mo. Paulit-ulit ko lang na nilalaro yun. parati nga ako nakaka jackpot eh. Nilaro ko lang yun hanggang sa nasira yung machine dahil sa akin.
Tahimik lang naman ang apat nun. Siguro hinahayaan muna nila na ilabas ko yung galit ko. Ewan ko ba kung bakit ako galit na galit ngayon. Tsss…
Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Bakit ba ako nagkaka-ganito.
“dude! Uwi na tayo. Gabi na oh” sabi ni Mark.
Umuwi naman kami tapos nahiga ako sakamako.
Tiningnan ko naman ang cellphone ko. Nag text naman siCoco..
‘babae lang yun… huwag mo masyadong damdamin, pwera nalang kung may nararamdaman ka sa kanya’
Hindi ko alam kung nakatulong ba yung pagtext sa akin niCoco. Natulog nalang ako nun para mawala yung problema ko. Problema? Bakit ko ba pinoproblema ang babae na yun.
Ay ewan!!!
----
“oo nga eh! Ang saya-saya ko nga kahapon, kasi bumalik na siya. Haayy~ siya na talaga feel ko yun.” sabi ni Angelou. Ang mga babaeng to kung makapag-usap parang nasa bukid, ang lalakas ng boses.
“eeehhh! Ang daya mo naman Angelou, nagsinungaling ka pa sa amin” narinig ko na sabi ni Camille.
“kailangan eh, I badly want to spend the day with him” sabi ni Angelou tapos nag peace sign.
“o siya, siya patatawarin ka namin.” Sabi ni Jessica.
“m.u ba kayo?” sabi ni Danica. Bigla naman natahimik nun.
“hindi niya alam na mahal ko siya eh…” mas lalong tumahimik nun.
“pero balak kong sabihin sa kanya habang nandito pa siya. Nangongolekta lang ako ng lakas ng loob” sabi ni Angelou.
“pa’no mo ba nalaman na inlove ka na pala sa Clester nayun?”tanong ni Danica
“pa’no nga ba? Uhmmm… first of all, palagi siyang tumatakbo sa isip mo, tapos napapangiti ka niya kahit wala naman siyang ginagawa. Hindi mo alam kung bakit yung tibok ng puso mo mas lumalakas, basta nararamdaman mo nalang yun. at tsaka, wala kang dahilan kung bakit mahal mo yung tao. Mahal mo lang talaga siya. Period”
Palagi siyang tumatakbo sa isip ko? Check
Napapangiti niya ako? Well, na fu-fustrate nga ako kasi galit ako sa kanya. Bakit ba ako galit? Kasi nagseselos ako? Hmmm…
Yung tibok ng puso ko lumalakas? Ngayon ko lang na realize na noon pa lumalakas ang tibok ng puso ko pag nandiyan siya. Kahit nga wala siya eh, basta naiisip ko siya o nakakakita ako ng litrato niya. Binabalewala ko lang kasi yun noon.
Wala kang dahilan kung bakit mahal mo ang isang tao? Basta nararamdaman nalang yun.
Tinanong ko naman ang isip ko nun kung mahal ko ba ang babaeng to.Mali! Dapat hindi utak ang tinatanong ko, dapat puso.
And what’s the answer?
Yes, I do love her. Deeply and unconditionally inlove with her
No comments:
Post a Comment