Monday, December 03, 2012

Chapter 2

Chapter 2

“ikaw! Ikaw na babae ka! Naku! Ang sarap mong turusin!” sabi ko habang ina-action na parang susuntukin ko siya.

“it is very bad of you Mr. Vidal.” Sabi niya habang nakataas ang kilay.

“ano bang kailangan mo? Ha?!”

“wala naman, napadaan lang. eh feel ko ako ang pinag-uusapan niyo eh. Kaya ayun, masama bang lumapit?”

“umalis ka na nga! Nasisira ang araw ko sayo eh” umalis naman siya nun. Wala talagang araw na hindi kami nag-aaway ng babaeng yan.

Masyado kaya kaming opposite. Siya gusto ng peace ako naman gusto ng trouble. Kahit na kailan hindi talaga kami magkakasundo ng babaeng yun.

Lunch na, tumambay kami sa gym. Tapos nawawala nasanaang galit ko nung nakita ko dumating ang grupo ni Angelou. Nakakasira sa tanawin. -.-

Hindi ko nalang sila pinansin nun, tapos biglang may lumapit sa amin na babae. Tiningna niya ako ng mata sa mata.

“kung hindi mo naalala ka-fling mo yan. Nag promise ka sa kanya na makikipag-date ka sa kanya ngayon” bulong sa akin niCoco.

Ahhh… medyo naremember ko na yung girl, pero nakalimutan ko na kasi ang dami kong iniisip.

Umalis naman yung mga kasama ko tapos iniwan kaming dalawa. Yun na nga, nag-usap kami konti, tapos after five minutes, naghahalikan na kami. Alam ng mga tao na playboy ako, totoo naman eh. At tsaka, yung mga babae na mismo ang lumalapit sa akin.

Sayang ang grasya =P pagkatapos namin maghalikan, umalis na yung babae. Ni hindi ko nga alam ang pangalan niya eh. Ay nako. Oh well, bahala na nga.

Tiningnan ko naman ang paligid ko nun, teka bakit parang may kulang ata?

Ayun naman pala, wala na kasi yung grupo nila Angelou. Bakit ko ba yun hinahanap? Tsk.


-----


Naglalakad ako nun, wala lang. gusto ko lang maglakad, besides wala namang klase ngayon eh. Kaya, bahala na lang siguro kung saan ako makakapunta.

“sa lahat pa talaga ng lugar dito kita makikita?” sabi ko sa lalakeng humarang sa akin.

Isa na naman siya sa mga taong kalaban ko. Bakit kaya to nandito?

“akala mo nakalimutan ko na ang mga bagay na ginawa mo sa akin pews hindi”sabi niya

“wala naman akong sinabing nakalimutan mo eh. Psh! Sa lahat yata ng ginawa ko dito sa mundo, puro kasamaan ko lang yata ang natatandaan ng mga tao”

“humanda ka!” sinugod naman niya ako, siyempre nagsuntukan kami. Ilang minuto lang napatumba ko agad siya.

“haha!” baliw ba ‘to? Bakit siya tumatawa eh siya na nga tong napuruhan.

“akala mo tapos na ako, pwes hindi pa” bigla namang may humawak sa mga kamay ko nun, dalawa sila. Tapos may lumabas nalimapang lalake, tapos may hawak sila na pamalo. Andaya -.-

“eto para sa mga pasakit na ginawa mo sa akin” sinuntok niya ako, tapos sumunod naman yung mga kasama niya. Pinagsusuntok nila ako nun. Ako naman hindi makalaban kasi nga may nakahawak sa kamay ko tapos medyo nanghihina na ako.

Napa-ubo ako nun, tapos may kasama pa siyang dugo. Kung makakawala talaga ako dito! Hindi lang bugbog ang aabutin nila sa akin. Baka mapatay ko pa sila. Sinubukan kong alisin ang pagkakahawak nila sa akin kaso, wa epek eh.

Suntok pa rin sila ng suntok.

“kaya naman pala ang ingay dito eh, kasi may away pala.” Napalingon kami lahat nun. Natigilan kaming lahat kasi nakita namin si Angelou. Naka spaghetti lang siya tapos naka shorts na super shorts.

Tiningnan ko naman yung mga lalake, namamanyak ata sila aky Angelou. Eh sa sobrang sexy ba naman ang suotin niya eh hindi kaya sila magiging manyak niyan?

“wow! Nandito pala ang peacemaker ng school natin? Anong gagawin mo Angelou ha? Isusumbong kami? Hindi mo na magagawa yun, kasi wala naman tayo ngayon sa skwelahan” lumapit yung leader-leaderan nila tapos hinawakan si Angelou sa balikat.

Tiningnan naman ni Angelou yung kamay na nasa balikat niya tapos kinuha yun.

“a-aray!” sabi nung lalake.

“don’t touch me with your filthy hands” tapos mas pinilipit pa niya yung kamay nung leader nila. Ilang sandali pa, sinipa na ni Angelou yung lalake kaya napa-atras siya.

“alam kong wala tayo sa skwelahan ngayon, kaya libre akong gawin kung ano ang gusto kong gawin. Oh! And I’m not gonna stand in my house knowing that may nag-aaway dito. Ang hirap kaya matulog ng ganun” iniisa-isa niya yung mga lalake tapos pinag susuntok niya ang mga yun.

Grabe! Warrior pala etong si Angelou eh. Nag-iiba ang ugali pag sa labas ng skwelahan. Well, kakaiba siya. May sumubok na paluin siya pero naharangan yun ng mga kamay ni Angelou, kaya ang nangyari yung lalake ang napalo ni Angelou.

“hoy kayong dalawa!” sabi niya sa mga lalakeng humawak sa akin. Naramdaman ko naman na lumuwag ang pagkakahawal nila. Sumugod naman yung isang lalake kay Angelou kaya sinipa siya nito at knock out agad siya.

“oh ikaw?! Gusto mong matulad sa kanila?” sabi niya dun sa lalakeng humahawak pa rin sa akin habang pinapalo-palo niya ang batuta sa kamay niya.

Umiling-iling naman yung lalake tapos umalis siya kaagad. Tumakbo pala, tapos sumunod naman yung mga kasamahan niya. Lumapit naman agad sa akin nun si Angelou.

“tayo ka” sabi niya habang inaalalayan ako, actually ang hina hina na nga ng pakiramdam ko nun dahil sa bugbog na natamo ko. Nakakahiya ako! Ano ba yan. At babae pa ang nagligtas sa akin ha.

“hindi mo nalangsanaako tinulungan.” Pero ang totoo kung hindi niya ako tinulungan baka kung ano na ang nangyari sa akin ngayon.

“hindi pwede yun…” hindi pwede? Hmmm… may gusto siguro to sa akin :P

“kasi kung mapapatay ka ng mga taong yun, magkakagulo lang ang lugar na to. Tapos dadating ang mga pulis, tapos iingay. Perwisyo yun sa akin” aymalipala ako :P

“sa’n mo ba ako dadalhin?”

“sa bahay ko”

“bahay?” tinuro naman niya yung bahay sa gilid namin. Ah kaya naman pala ayaw niya ng kaguluhan kasi nasa tabi lang kami ng bahay niya.

Pinapasok naman niya ako sa bahay nila habang inaalalayan pa rin ako. Pinaupo niya ako nun sa sofa, umalis muna siya saglit pagbalik niya may dala na siyang first aid kit.

“gamutin muna natin yang mga sugat mo” nilinisan naman niya yung mga sugat ko, kaso naiilang ako habang ginagawa niya yun. Kasi naman… habang lumalapit siya sa akin, yung spaghetti na suot niya umo-open tapos halos makita ko na yun dibdib niya. Dagdagan mo pa yung super shorts na umiksi lalo kasi nga umupo siya.

“A-angelou” sabi ko. Tapos umiwas ng tingin.

“bakit?”

“pwede bang magbihis ka muna… yung suot mo kasi.”

“ah… hahahaha… yun ba” tumayo naman siya nun. Naman! Lalake ako eh… hindi pwede to.

“bakit nalilibog ka ba sa akin?” sabi niya tapos bigla siyang umupo sa mga hita ko. Napalunok nalang ako nun, habang nagka eye-to-eye contact kami. May naramdaman akong malambot na biglang tumigas. Iykwim.

“as if!” bigla siyang tumayo nun. “sige matulog ka muna diyan. Magpahinga ka, para bumalik kahit konti yang lakas mo”

Humiga naman ako sa sofa tapos pinikit ang mga mata ko.

















“go on… alam ko namang gusto mo ako eh… ako rin naman gusto din kita” sabi ni Angelou habang nag s-sexy dance sa harapan ko. Hinalikan muna niya ang pisngi ko.

“come on! Touch me! Angkinin mo ako Verzy…” bulong niya sa akin.

Nilapit nya ang bibig niya sa bibig ko… tapos…

Woah! Isang masamang panaginip. Bumangon naman agad ako nun. Nakita ko nalang na may benda na yung mga sugat ko.

“gising ka na pala eh. Tarakain tayo” sabi ni Angelou. Napansin ko naman na iba na yung damit  niya naka long sleeves na kasi siya tapos naka shorts pa rin pero hindi kasing iksi nung sout niya kanina.

“anong oras na?”

“6 na. ang himbing ng tulog mo no?” pumasok na kami sa kusina nun. Nakita ko naman na may nakahanda ng mga ulam doon.

“ikaw nagluto lahat ng yan?” tanong ko ulit

“sa maniwala ka at sa hindi ako ang nagluto niyan” umupo naman kami nun. Tapos sinimulan na namin ang pagkain.

“Angelou…”

“ano?”

“uhmm.. hindi mo ba ako isusumbong sa school natin?”

“ba’t ko naman gagawin yun?” si Angelou ba tong nasa harap ko? Normally isusumbong talaga niya ako o.o

“hindi naman ikaw ang nauna eh, tsaka gusto mo ba talagang ma kick-out?”

“pa’no mo nalaman--?”

“ na hindi ikaw ang nauna? Siyempre, narinig ko. Ang lapit kaya ng bahay ko. At yung mak-kick out ka? Narinig ko lang” sabi niya habang pinagpapatuloy yung pagkain niya.

“nasan pala ang parents mo?”

“papa ko patay na. yung mama ko naman, nasa states. Nagtatrabaho.”

“aahhh” tumahimik naman ako nun. Tapos tinuloy na rin ang pagkain ko.

---

“hatid na kita” napalingon naman ako agad nun sa kanya.

“baliktad na ata ang mundo ngayon at babae na ang naghahatid sa lalake” sabi ko.

“alangan naman ikaw maghatid sa akin eh nasa bahay ko na nga tayo eh. At tsaka, baka mabugbog ka nanaman ng kung sino-sino diyan” tumawa siya nun.

“sige na, pumayag ka na” naki-oo nalang ako nun. Sumakay kami sa kotse niya. Oo, may kotse siya. And about sa driver license niya. She’s legal. Actually both of us are legal. She’s 18 I’m 19. kaya walang manghuhuli sa amin.

Nung nakarating na kami sa bahay ko, agad naman akong bumaba tapos nagpasalamat sa kanya. Umalis na rin siya after nun.

Pumasok na ako sa bahay ko nun. FYI, ulila na ako at yung tita at tito ko ang nagpapa-aral sa akin. Hindi sila nakatira dito. May sarili naman kasi silang pamilya eh. Pera lang talaga yung binibigay nila sa akin.

Humiga na ako sakamanun.

Nakakapagod ang araw nato *sigh*

Natulog na ako.

Then, when I slept, I had a dream






A beautiful dream…

No comments:

Post a Comment