Chapter 4
Hindi ako makatulog ng maayos kasi pabalik balik lang yung naging conclusion ko kahapon sa utak ko. Nagiging ganito ako dahil as isang babae? Arrgghh!! Ginulo-gulo ko ang buhok ko nun.
“Verzy, musta?” sabi ni Mark sa akin.
“alam mo dude, dapat hindi ka nagkakaganyan. Kailangan mong magmove-on” sabi ni Lavi.
“kaya heto si Anna. She might help you” pinalapit naman ni Harry yung babaeng nasa likod niya kanina.
“o siya, enjoy Verzy” tapos umalis na yung tatlo.
“hi~” sabi ni Anna tapos umupo sa lap ko. Naalala ko tuloy nung umupo si Angelou sa lap ko. Grabe ang tama ko dun sa babaeng yun ah. Shet…
“I promise, I will make you feel relaxed” sabi niya habang hinimas-himas ang dibdib ko. Sinimulan niyang i-unbotton ang polo ko.
Tapos hinalikan niya ako. Hinalikan ko din naman siya. O well, siguro nga baka makatulong to sa nararamdaman ko ngayon kay Angelou. How I wish, si Angelou nalangsanaang babaeng to.
“oh my gosh!” bigla naman bumukas ang pintuan kaya napatigil kami. Nakita ko nalang na si Angelou pala yun tapos nagtakip ng mata.
“ano… pwede bang itigil niyo muna yan, may kukunin lang ako saglit. Promise dadalian ko lang” sabi ni Angelou habang tinatakpan pa rin ang mga mata niya.
“Anna, umalis ka nalang. I can’t do this” umalis naman si Anna nun sa lap ko tapos lumabas. Inirapan nga muna niya si Angelou bago tuluyan na lumabas. Nag peace sign nalang si Angelou sa kanya.
Pumasok naman si Angelou nun tapos inabot niya yung mga papel na nasa itaas ng cabinet. Tiningnan muna niya yun saglit tapos umalis na siya.
Napabuntong hininga nalang ako nun. Ano bang gagawin ko? Langhiyang buhay naman to oh.
----
Uwian…
“Angelou!” napalingon naman si Angelou at yung tatlong kasama niya. Yung tatlo nagtaas lang ng kilay sa akin.
“anong kailangan mo kay Angelou?!” sabi ni Jessica
“oo nga! Baka gulo lang habol mo sa kanya” sabi ni Camille
“pwede ba?! Wala siyang panahon sa mga ganyang bagay” sabi naman ni Danica
“hoy hoy hoy! Kung makapag salita kayo, parang kayo yung tinawag ah” sabi ni Mark
“at tsaka, hindi naman kayo ang tinawag ni Verzy ah” sabi ni Harry.
“kung maka-asta kayo parang kung sino kayo” sabi ni Lavi.
“walang patutunguhan ang usapan nato kung ganyan kayo” sabi naman niCoco.
“eh disana, huwag nalang kayong lumapit para walang gulo” sabi ni Camille
“eh hindi naman gulo ang hanap namin ah” sabi ni Lavi
“bakit ba kayo nanabat ng usapan ng may usapan. In the first place hindi kayo ang kausap namin” sabi ni Jessica
“oo nga! Si Verzy ang kausap namin at hindi kayo” sabi ni Danica
“in the first place hindi naman kayo ang kausap ni Verzy, kayo nga tong nananabat eh” sabi niCoco.
“ok guys! Stop!” sigaw naman ni Angelou. Tiningnan naman ako ni Angelou nun.
“if its about yung nangyari kanina, I’m really sorry. Sorry kasi hindi natuloy kung ano mang balak niyong gawin”
“bakit ka naman nag s-sorry sa taong yan Angelou?” sabi ni Camille.
“tumahimik ka nga! Pake mo ba!” sabi ni Mark.
“I said shut up!” sigaw ulit ni Angelou.
“ano… hindi naman ako lumapit para dun eh… hindi rin ako lumapit para maghanap ng gulo o ano… gusto ko lang sabihin na…hatid na kita” nagulat naman silang lahat nun sa sinabi ko.
“yun lang naman pala eh… sige *smiles*” sabi ni Angelou
“ano?! Papayag ka na ihatid nitong si Verzy? Pa’no kung—“
“tumahimik ka nalang kasi” nagsasalita pa nun si Camille kaso tinakpan ni Mark yung bibig niya.
“o siya, alis na kami… kayong lahat, huwag nga kayong mag-away. Mukha kayong ewan”
Tiningnan ako ni Angelou nun, tapos lumakad na siya. Bago ako lumakad tiningnan ko naman ulit yung mga kasama ko. Nag thumbs up lang sila sa akin. Hatid lang naman eh, wala naman sigurong masama dun.
Lumakad lang kami, tahimik lang kaming dalawa.
“Verzy” napalingon naman ako sa kanya nun.
“ano yun?” hindi siya tumitingin sa akin, deretso lang yung tingin niya sa daan.
“may kaaway ka ba na matangkad at medyo adik ang itsura?”
“marami naman akong naka-away na ganun eh”
“eh yung may tattoo sa gilid ng braso?” nag-isip naman ako nun.
“oo bakit?”
“kaya pala, ang sama ng tingin niya sayo.” Pagsabi niya nun, napalingon agad ako sa harapan namin. Tama nga siya, may matangkad na lalake, na mukhang adik tapos may tattoo sa gilid ng braso niya at masama ang tingin sa akin.
“nagkita ulit tayo, Verzy” sabi niya. Away na naman ba to?
Tiningnan ko lang naman nun si Angelou, tapos tumango siya.
“ingat ka” bulong niya sa akin. Dahil nga medyo badtrip ako ngayong mga nakaraang araw binuhos ko lang naman sa kanya yun.
Ang dali ko nga lang siyang napatumba eh. Mga one minute lang ata yung bugbugan namin.
“tara!” sabi ko tapos lumakad na kami. Tumakbo naman paalis yung nakalaban ko, kaya ayun back to normal ulit kami.
“okay Verzy, spill it” sabi niya nung isang bahay nalang kami sa bahay niya.
“huh?”
“hindi mo naman ako ihahatid kung wala kang kailangan diba?” sabi niya sa akin.
“wala naman akong kailangan eh, gusto lang talaga kitang ihatid sa inyo”
“ahh ganun ba? Sige uwi ka na. hindi muna kasi kita pwede papasukin sa bahay ko… nandiyan kasi si Clester sa loob… baka…” baka kung ano ang isipin niya sa amin. Psh! Oh hala! Edi si Clester na. siya na yung mahal ng babaeng mahal ko.
“o sige… uwi na ako” sabi ko tapos umalis na.
Actually hindi talaga ako umalis nun. Pumunta ako sa pinakamalapit na park. Dun ako nag muni-muni at tsaka nag pa swing-swing doon sa swing. Alangan naman sa seesaw :P
Dun lang ako nag-isip isip.
Dapat nalang ba ako sumuko ng ganito?
Dapat nalang ba na pabayaan ko nalang yung nararamdaman ko sa kanya?
Eh may Clester na yun eh.
Tapos hindi pa akong tanggap ng mga kaibigan niya. Wala din naman syang feelings para sa akin.
Isa lang naman akong trouble maker sa paningin niya at masyado kaming opposite sa kanya.
Habang nagisip –isip ako nun… nakita ko si Angelou.
Kasama niya yung Clester tapos pumunta sila sa isang madilim na part ng park. Gabi na pala? Hindi ko namalayan ang oras.
Nag hesitate pa ako nun kung lalapit ba ako o hindi.
Kung susundan ko sila, tsismoso lang ang labas ko nun pero na cu-curious talaga ako sa gagawin nila eh. Baka kung ano na ang gawin nila. Yung mala rated spg.
Kung hindi ko naman sila pupuntahan, hindi ako makakatulog ngayon gabi. Mas dadami ang regrets ko sa buhay. Ayoko ng ganun.
Tumayo na ako. Desidido na akong silipin kung ano man yang ginagawa nila.
Hinanap ko sila, mabuti nalang may narinig akong mga taong nag-uusap. Sinundan ko naman yung ingay. Tapos biglang tumahimik.
Nakita ko nalang si Angelou at yung Clester na naghahalikan.
Naramdaman mo na ba yung pakiramdam na parang tinapakan ang puso mo?
Kung naramdaman niyo yun? mas sobra pa ang naramdaman ko ngayon.
Hindi lang tinapakan ang puso ko, sinaksak, pinunit, at binugbog pa.
Ang sakit!
Tumakbo ako paalis nun, pero hindi pa rin mawala sa isip ko yung nakita ko.
Si Angelou at si Clester naghahalikan.
Amp!
No comments:
Post a Comment