Chapter 6
Ba’t ganun? Ba’t tumigas ata bigla ang unan ko? At uminit pa talaga siya ha. Binuksan ko yung mata ko tapos bumangon.
Ugh! Ang sakit ng ulo ko. Grabe! Napahawak nalang ako nun sa ulo ko tapos tumingin sa baba. Dun ko lang na realize…
O.O
Nakahubad pala ako. Tinakpan ko naman agad ng kumot yung katawan ko.
“hmmm…” napalingon naman ako agad sa tabi ko.
Omg! Omg! Omg! This can’t be happening…
“aahhhhhhhhhh!!!!! Verzy gumising ka!” sigaw ko. Nag he-hysterical na ako ngayon. Hindi ba halata?
“pwede ba… ang ingay mo”
“hoy! Verzy! Gising!” sabi ko tapos sinuntok suntok siya.
“ano ba?!” sabi niya tapos bumangon naman siya. Halata mong naiirita siya.
“Woah!” sabi niya nung makita niya ako. Tiningnan naman niya ang sarili niya nun.
“WOAH!!!!” sigaw niya ulit tapos tinakpan ng unan ang katawan niya.
“what just happened?” tanong niya sa akin
“Verzy hindi ba obvious? You just took my virginity away!!” sabi ko.
“ano? Virgin ka pa?” pinakita ko naman yung mga bloodstain sakamako.
“ugh! Ang sakit ng ulo ko… ba’t wala akong maalala?” sabi niya habang hinawakan niya yung ulo niya.
“ako rin, wala akong maalala… basta ang alam ko lasing lang ako nun… I mean tayo pala. Then I woke up, like this.”
“anong oras na ba?” tanong niya sa akin, tiningnan ko naman yung relo nun. Past 12 na siya actually. So namiss pala namin ang breakfast at lunch.
Bigla naman nag ring yung phone ko. Agad ko naman kinuha kasi iba yung calling sound. Yun ang maririnig mo pag tumatawag ang mama ko.
“hello mom?” sabi ko. Tapos nag sign kay Verzy na manahimik lang siya.
“hay salamat at sinagot mo rin Angelou” sabi ng mama ko.
“ano pong kailangan niyo mom?”
“gusto ko lang sabihin sayo na SURPRISE! Nasa pinas na ako ngayon, actually I’m close to your house baka in five minutes nandiyan na ako” agad naman nanlaki ang mata ko nun.
Omg! This is not happening to me!
“ah ganun po ba.. sige po.. see you!” sabi ko tapos in-end yung call.
“VERZY! MAGBIHIS KA NA DALI!” tinulak ko naman siya nun. Halata mong nagtataka siya nun, pero sinunod naman niya ako.
Dapat hindi maabutan ni mama dito si Verzy kundi patay ako!
Nagbihis na rin ako nun. Umandar ata ang adrenaline rush ko eh. Kasi kahit anong sakit ng katawan nagawa ko paring bilisan ang kilos ko.
“Tapos ka na?” tanong ko kay Verzy, tumango naman siya nun, tapos hinila ko siya pababa.
“ano bang nangayayari?” tanong niya.
“my mom’s coming… dapat hindi ka niya maabutan dito kundi patay tayo”
“ba’t ngayon mo lang sinabi?”
“eh ngayon ko lang naman din nalaman eh… kaya you better get out… or else” binuksan ko naman yung pintuan ko nun.
“hi anak~” patay. Now this is what you call bad luck.
Niyakap naman ako ng mama ko nun.
“naku! Ang ganda ganda pa rin ng anak ko, mana sa mama niya.” Hinug ulit niya ako.Napafreeze lang ako sa kinatatayuan ko nun.
“hindi mo ba namimiss ang mama mo?”
“of-of course I miss you mom!” hinug ko naman siya.
“teka nga Angelou!” sabi ni mama habang tumingin siya sa gilid ko. Actually si Verzy yung tinitingnan niya.
Napalunok naman ako nun, ganun din naman si Verzy.
Tiningnan ni mama si Verzy mula ulo hanggang paa.
“anong pangalan mo?” tanong ni mama sa kanya. Halos mahimatay na ako sa kinatatayuan ko dahil sa kaba.
“Verzy Louis S. Vidal… po ma’am” nagulat nalang ako kasi biglang nag smile si mama.
Mas nagulat pa ako nung hinug ng mama ko si Verzy.
“Angelou! Hindi mo sinabi sa akin na ang gwapo-gwapo ng boyfriend mo. Sa wakas nakilala din kita iho” ops! Ang alam pala ni mama na may boyfriend ako, pero lie lang yun. kinukulit niya kasi kaming magkapatid na dapat i-enjoy ang life, at kasali na nun ang mga boys.
Yes! I have a sister. She’s living in another house.Paramas malapit sa school niya.
Nag sign naman ako nun kay Verzy na makisama nalang siya. Mukhang na gets naman niya kasi hindi siya umimik.
“oh yeah! Verzy iho, don’t call me ma’am call me tita. Naku! Ang saya-saya ko naman at ito ang naabutan ko. Nag lunch na ba kayo?”
“ah mom! Actually, aalis na si Verzy.”
“hindi pwede! Kumain ka muna dito Verzy ha. Akong bahala sa pagkain.” Tumango nalang nun si Verzy, pumunta naman ng kusina ang mom ko.
“please, Verzy, makisama ka nalang. I’ll answer your questions later.”
“Angelou… bakit nangyayari to?”
“hindi ko rin alam, basta! Kausapin mo muna ang mama ko, siguraduhin mong sa kusina lang siya. Kasi aayusin ko yung kwarto ko. Baka malaman niya kung ano pang ginawa natin ok?” tumango naman siya nun. Tapos pumasok na siya sa kusina.
Ako naman tumakbo papunta sa kwarto ko, inayos at iniba yung bed sheet.
Grabe! Ang laki ng trabaho na ginawa ko. Isama mo pa ang sakit ng ulo at katawan ko.
Pagbalik ko sa kusina, naabutan ko na nagluluto si mama habang kinakausap si Verzy. Pangiti-ngiti lang si Verzy nun.
“meal’s ready!” sabi ni mama habang may dala-dalang bowl papunta sa table. Adobo ang niluto ni mama.
Kumain na kami nun. At first tahimik lang kami. Gutom ako eh, feel ko gutom din yang si Verzy.
“so, Verzy… kailan mo balak pakasalan ang anak ko?” halos mabuga namin ni Verzy yung kinakain namin. Grabe si mama kung makatanong.
“ma naman! Mag boyfriend pa nga lang kami diba. Kasalan agad?” sabi ko.
“eh dun naman din papunta yun eh… diba Verzy? O baka wala ka talagang balak pakasalan ang anak ko?” napatingin naman ako kay Verzy nun. Yung mukha niya parang hindi mapakali halata mong kinakabahan.
“ah… kasal?... siguro po, pag nakakita na ako ng trabaho. Ang gusto ko kasi settled muna kami bago ako ikasal. Ayoko yung padalos dalos”
“awww… ang sweet mo naman Verzy, yan ang gusto ko sa lalake eh! Yung tinitingnan ang future! Botong boto ako sayo. Naku Angelou! Dapat alagaan mo itong si Verzy, mahirap na makakita ng ganyang lalake ngayon.” Mom! If you only knew -.-“
“ma… hindi mo ba kakamustahin ang kapatid ko?”
“uhmm.. si Alexis? Balak ko rin siyang I surprise. Kaya huwag mong sabihin na nandito na ako ok?” uh-oh. Alex will be in trouble. Well, para pantay kami. Gusto ko rin ma experience niya kung ano ang ne experience ko :P ang sama ko. Super ^_^
Nanahimik ulit kami nun. Tapos subo ng subo ulit sa pagkain.
“siya nga pala anak, matatagalan ako dito… mga 3 months or so… basta ayun. Ang saya ko nga eh, kasi maabutan ko pa ang birthday mo” yeah… next next month na pala yun?
“uhmm… bakit po kayo matatagalan dito?”
“magiging substitute teacher kasi ako sa school niyo. Isn’t that great? Pinapili nga ako ng president namin kung saan, kaya dun na ako sa mga skwelahan ng anak ko diba? At tsaka. Mga 1 and ½ months yata ako sa school niyo. Sunod sa school ni Alexis. Tapos balik states na naman ako.” Napalunok ako ng ilang beses nun. Meghed! Sa school ko pa talaga?
Mama naman oh! Panira! Grrr! Rawr!
“mama, ang alam ko eh secretary ka. At hindi teacher?” sabi ko.
“hindi mo ba alam anak na ang isang secretary ay pwede maging teacher. And besides it is still part of the job. I oobserve ko yung mga bata, tapos magsusulat ng reports para yun sa next project ng company namin” napa-aah nalang ako nun.
*gulp*
So ibig sabihin… napatingin naman ako kay Verzy nun. Ay nako! Malas! Malas! Malas! Isa akong malaking malas!
Shet!!!
-----
“oh siya anak! Aalis na ako. Ingat kayo… bye~~”
Sinarado ko na yung pintuan tapos napabuntong hininga.
“pano yan?” sabi sa akin ni Verzy.
Bigla namang nanghina ang tuhod ko nun. Kanina ko pa gustong mag collapse.
“uy!!” lumapit naman sa akin si Verzy, tapos lumuhod siya sa harapan ko.
“I guess… you will have to be my boyfriend for 2 months?”
No comments:
Post a Comment