Thursday, June 13, 2013

Chapter 5


Chapter 5

Cloud’s POV

So sinundan nga namin ni Peter si Alex.

Pumasok siya sa isang restaurant kaya pumasok din kami.

Umupo kami sa medyo malayo sa kanila pero yung kita pa rin yung lugar kung nasan sila.

“order tayo, para hindi tayo mapa-alis dito” sabi ko. Tumango naman si Peter nun at nag-order siya.

Tiningnan ulit namin kung nasan si Alex, tapos may kausap siya na babae. Mama siguro niya yun.

Nag-usap lang sila tapos may dumating na lalake. Nagulat kami nung hinalikan niya si Alex sa lips, tapos umakbay pa.

“sino yun?! Sino yun ha! Walang hiya…” tumayo si Peter nun tapos susugurin dapat niya yung lalake.

“hoy! Hinay hinay lang. baka mabuko tayo dito” umupo naman ulit si Peter habang umuusok ang tenga niya.

Tiningnan ulit namin sila.

Nag-usap usap ulit sila, tapos ang sweet-sweet nung lalake kay Alex. Ganun din naman si Alex. Ngiti-ngiti nga lang siya sa lalake eh.

Matagal din silang nag-usap. Tapos nung may sinabi ang mama niya mukhang nagulat si Alex. Pumunta ng c.r si Alex, tapos nag-usap ulit yung lalake at ang mama niya.

Napag desisyunan nila na umalis na kaya napatayo na rin kami.

“uhmmm.. excuse me sir. Bill niyo po” sabi nung isang waiter.

“bill daw” sabi ko naman kay Peter.

“ano? Ako magbabayad? Eh wala akong pera eh!” anak ng— walang pera? Hindi ako naniniwala sa lalakeng to.

“adik ka ba?! Hindi ako naniniwala sayo”

“totoo nga! Seryoso ako!” nilabas naman ni Peter yung bulsa niya, wala nga siyang pera. In the end ako ang nagbayad.

Huhu! Kawawang wallet, wala ng laman.

So balik sa pagsunod kay Alex.

Naabutan namin na nag-uusap si Alex at yung lalake habang magkahawak kamay. Alam niyo, hindi talaga ako makapaniwala na si Alex itong nakikita ko ngayon.

Alam niyo yun? Iba kasi siya sa skwelahan, ibang-iba sa pinapakita niya ngayon.

“Don’t worry babawi talaga ako next time ok” sabi nung lalake sa kanya.

“hmmm… aral ka lang ng aral, kailan ba yan next time na yan *pouts*” kita niyo? Kita niyo? Si Alex? Nagpapacute?!! Iba na talaga to!

“malapit na. huwag ka na magtampo ok?” sabi nung lalake tapos kiniss sa noo si Alex. Pati ako mukhang gusto na siyang suntukin? Bakit? Wala lang =P

“o sige. Hindi na, ayoko namang maka distorbo sa pag-aaral mo eh. Kaya sige umalis ka na. ingat ka ha.” Sabi na Alex

“ I love you” pagkatapos sabihin yun nung lalake hinalikan niya si Alex.

O.o grabe! Hindi ko alam na marunong palang humalik si Alex. Ano kayang feeling na halikan ang lips niya? Malambot kaya?

Uy! Ano ba tong pinag-iisip ko. Erase-erase!

Umalis na yung kotse ng lalake.

“hoy! Lumabas nga kayo diyan! Tago kayo ng tago, nakikita ko naman kayo” humarap si Alex sa dereksiyon namin. Kaya wala kaming nagawa ni Peter kundi lumabas.

“bakit niyo ako sinusundan ha?” sabi niya tapos pinataas yung kilay niya.

“uhh… wala lang” sabi ko.

Bumuntong-hininga naman si Alex nun, tapos tiningnan ulit kami.

“pasok muna kayo sa loob, alam kong andami niyong tanong sa akin”

Pinapasok naman niya kami. Hindi ko inaasahan na ganito ang itsura ng bahay ni Alex.

Yung sa isip ko kasi, mga panlalake na gamit ang nasa loob ng bahay nya. Pero masyadong girlish yung bahay niya eh.

Puno ng kulay,paintings, stufftoy at kung ano-ano pa, basta lahat pambabae.

“upo muna kayo. Bihis lang ako” umupo naman kami nun, tapos umakyat si Alex papunta sa kwarto niya.

After ilang minutes, bumabas si Alex na nakasuot ng malaking tshirt at naka shorts. Umupo siya sa harapan namin.

“oh hala! Tanong na! isa-isa lang ha. Mahina ang kalaban” nakatinginan naman kami ni Peter nun.

“sino yung lalake na yun? Yung inakbayan ka sa resto tapos may pahalik-halik pa na nalalaman.” Tanong ni Peter.

“hay nako Pedro, edi siyempre boyfriend ko. Bakit selos ka?” nag smirk naman si Alex kaya tapos si Peter ay napa-iwas ng tingin.

“boyfriend? Kailan pa?” tanong ko naman

“noon pa. 2 years ago” woah! So ang tagal na pala nila.

“eh ano ka ba talaga? Babae o lalake?” tanong ni Peter

“babae”

“eh bakit ka nagiging tomboy sa school?”

“oo nga? Eh diba naging syota mo pa si Wendy?” tanong ko naman

“look guys, Wendy is my friend. Ayaw daw niya yung mga lalakeng nanliligaw sa kanya kaya yun, kunyari kami. Nagiging tomboy ako sa school kasi yun ang tunay na ako. Pero hindi talaga ako tomboy. Sadyang mahilig lang talaga ako sa mga panlalake na bagay”

“ahhh… kung yun ka naman pala, bakit nagdadamit babae ka sa harapan ng mama mo?” tanong ni Peter.

“kasi, hindi alam ni mama na ganun ako, at nung boyfriend ko. Basta yun, baka mapatay ako ng mga yun pag nalaman nila ang mga pinaggagawa ko”

“ahhh… yun naman pala eh. Pero alam mo ba, hindi maganda ang magtago.” Sabi ko.

“alam ko” sabi ni Alex sa mahinang boses.

Nanahimik naman kami nun ni Peter.

“wala na ba kayong itatanong?” umiling nalang kami nun.

“I need a favor to ask you guys…” tumayo si Alex nun tapos lumapit sa amin.

“please… huwag niyo naman ito ipagsasabi sa iba, sige na. Sa skwelahan ko lang kasi napapakita kung ano ang tunay na hilig ko, kaya huwag niyo naman ako ibuking please. Please. Please. Please”

“oo na hindi na namin ipagsasabi” sabi ko.

“Peter?” tumingin naman ako nun kay Peter.

“alam kong galit ka sa akin, pero ito lang talaga ang hinihiling ko sa inyo” tumango naman nun si Peter, kaya napa smile si Alex.

“at tsaka, pwede bang mangako kayo na tutulungan niyo ako”

Nagbigay lang kami ng confused look kay Alex nun.

“one of these days kasi, talagang kakalainganin ko ang tulong ninyo. So pwede niyo ba akong tulungan?”

“ok” sabay namin na sabi ni  Peter.

“talaga?!! Yes! Thank you so much!” napatalon namin si Alex nun.

“thank you Cloud!”

O.O

Hinug ako ni Alex tapos hinalikan sa pisngi.

“thank you Peter!”

Ganun din ang ginawa niya kay Peter.

“I will really owe you a lot”

“uhmm… sige… uwi na kami” sabi ko tapos hinila si Peter.

“ha? O sige. Salamat talaga ha”

Lumabas na kami sa bahay niya.


Huminto kami  sa labas ng gate ni Alex.

Pumasok na si Alex sa loob, kaya kami nalang ang nasa labas.

Sabay naming hinawakan ang mga pisngi namin.

“Cloud… feel ko hindi ako makakatulog mamaya” sabi ni Peter, kaya napalingon ako sa kanya.

“ang lakas ng tibok ng puso ko” hinawakan naman ni Peter ang puso niya.

Kung babae siguro to si Peter, kanina pa siguro nagtatalon dahil sa kilig.

“ano ka ba bro! oa ka na ha!” hinila ko naman siya para maka-alis na kami.




Pero hindi niya alam….








Pareho kami ng nararamdaman ngayon.

No comments:

Post a Comment