Monday, April 22, 2013

Chapter 4


Chapter 4

Alex’s POV

Nagising ako na masakit ang katawan ko. Walang hiyang mga lalake yun, masyadong madaya. Hindi man lang ako pinasuntok kasi hinawakan nila ako agad. >=( grr!!

Bumangon ako. Ayon sa aking pagkakatanda, dinala ako nina Cloud sa bahay niya.

Tiningnan ko naman ang buong paligid.

And guess what?

Parang walang nakatira sa bahay nato, kasi ang konti lang ng gamit tapos may alikabok sa ceiling. Hindi ba naglilinis itong si Cloud? Aish.

Sa mga hindi nakaka-alala sa akin ako pala si Alexis Hope L. Javier, ang nakababatang kapatid ni Angelou Grace L. Javier.

Teka nga? Bakit ba ang tahimik ng lugar nato? Iniwan na ba ako nina Cloud?

Ay nako! YUNG MGA LALAKENG YUN! HINDI MAN LANG MARUNONG MAG-ALAGA.

Oh well, wala dapat akong ikagagalit. Kaya ko naman ang sarili ko.

Nakaramdam ako ng gutom kaya hinanap ko yung kitchen sa bahay nato.

Nakita ko naman sina Cloud at Peter na kumakain. Hindi nagkikibuan. Kaya naman pala ang tahimik ng lugar eh, hindi man lang ba nila naisipan na mag-usap man lang?

Psh! Boys. Hindi mo alam ang takbo ng isip nila.

Naiingit ako sa kinakain nila. Mukhang hindi nila nararamdaman na nakatitig ako sa kanila ah.

“mayron pa bang pagkain diyan?” napalingon sila sa akin. Nakakatuwa nga ang mga itsura nila eh. Parehong nagulat. Haha! Camera? Nasan ka? Haha!

“ALEX!” sabay na sabi nila Peter. Tumayo si Peter tapos pinaupo ako sa tabi niya. Ano bang nangyayari sa lalakeng to? Eh galit to sa akin diba? Psh!

Kumuha naman ng pagkain ko si Cloud. Inihanda niya yun sa harapan ko. Hmmm.. mukhang pwede naman siyang makain kaya kinain ko na. naramdaman ko naman na tinititigan ako ng dalawa pero hinayaan ko lang.

Gutom ako, kaya galit-galit muna tayo.

Bigla ko naman naalala ang bag ko. Naku! Pag may gumalaw nun patay ako.

“hindi niyo ba pinakealaman ang bag ko?” tanong ko sa kanila. Siguro hindi naman diba? Umiling naman sila nun kaya na relief ako.

“bakit? Ano bang meron sa bag mo?” tanong naman ni Peter.

“siyempre gamit ko, ano pa ba?” bobo pala tong si Peter eh. Alangan naman gamit ng iba ang ilagay ko sa bag ko. Ano ako? Magnanakaw? Eww! Pinagpatuloy ko lang yung pagkain ko.

Na cucurious ba kayo kung ano ang laman ng bag ko? Well, here is a secret. Ang totoo hindi ako tomboy. Its just that, mahilig lang talaga ako sa mga lalakeng mga bagay. At tsaka, mas komportable ako sa mga damit ng lalake.

“bakit ka ba nakipag suntukan sa mga kasama ni Peter” tanong ni Cloud. Etong usiserong to! >.<

“hinamon nila ako eh” hala! Pagbigyan ng sagot. Niligtas ako eh.

“hindi naman nila gagawin yun kung wala kang ginawang kasalanan sa kanila” sabi ni Peter.

“bakit kasi hindi mo turuan yung mga kasama mo ng tamang asal.Parahindi sila sugod ng sugod tapos gaganituhin yung mga tao sa paligid nila” sabi ni Cloud.

“eh masama bang manindigan para sa tama?”

“bakit? Akala niyo ba tama yang pinaggagawa niyo?”

“bakit? Sa tingin mo kung wala kang gagawin, maayos ang buhay mo?”

“kesa naman makipag bugbugan o ano!” patuloy lang sila sa pagbabangayan nun nung nag-ring ang cellphone ko. Nung tiningnan ko naman. Nagulat nalang ako nung si mama ang tumatawag.

“at least kami, pinapakita namin kung gano kami kalakas at kami ang tunay na mga lalake”

“tunay na lalake?Paranga kayong mga aso”

“anong sabi mo?!”

“bakit? Papalag ka!”

“you two! Shut the hell up!” sigaw ko naman. Mabuti nalang at nanahimik sila. Nag ring ulit ang cellphone ko kaya kinuha ko naman. Naku! Sure ako naiinip na itong si mama kasi ang tagal kong sumagot.

“huwag na huwag kayong mag-iingay kundi lagot kayo sa akin” sabi ko, taos sinagot ko na yun tawag.

Patay! Nandito pa naman sina Cloud. Bahala na nga. *inhale.exhale*

Tumalikod na ako sa kanila.

“hello mom~~~~” alam kong nagulat sila kung pa’no ako magsalita. Ang girlish kasi ng dating ko, eh ang alam nila tomboy ako. Bahala nga kayo! Hmp!

“hello anak! I have a surprise for you! I’m here in the Philippines!” tuwang-tuwa na sabi ni mama.

“what?! You’re here na? wait?! But why did no one told me about this?” sabi ko naman with my maarte pronunciation.

Teka nga! Nandito na si mama? Ba’t hindi sinabi ni ate? Naku! Patay ako netoh >.<

“oo nandito na ako.” Sabi naman ni mama

“You’re serious?” hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig ko. Omg!

“of course I’m serious! Kaya pumunta ka na dito sa favorite resto natin. Now na ok? Nag order na ako ng makakain natin”

“Now na? as in now?”

“oo nga! Paulit-ulit anak? Hay nako!”

“But mom!” aish! Inend na ni mama ko ang call. 

Humarap ako sa lamesa nun tapos pinalo ito.

“walang hiyang ate ko yun, hindi naman ako sinabihan. Grr!” grabe  naman ate! Ba’t ganun? Wala ba man lang warning sa akin diyan?!

“asan c.r niyo dito?” sabi ko. Kailangan ko ng magbihis. ASAP!!

Tinuro naman ni Cloud kung nasan yung c.r, dali-dali kong kinuha yung bag ko tapos pumasok doon sa c.r

I opened my bag. So dahil curious kayo sa laman nito, sasabihin ko na.

Actually, yung laman nito ay isang dress, isang high heels, may make-up kit din tapos kung anek-anek pa basta gamit pambabae.

Dinadala ko talaga ito araw-araw. Incase of emergency gaya nito. At yung mga emergency na yan, malalaman niyo kung anong ibig sabihin.

Nagbihis na ako. Medyo maiksi yung dress. Pero keri naman, sanay kasi ako sa ganito.

Kung nagtataka kayo kung bakit ako nagkakaganito, well hindi kasi alam ni mama na lalake akong kumilos.

Ayaw niya ng ganun. At kapag nakikita niya akong nakapamlalake noon, para na akong mamamatay. Seriously ganyan kagrabe ang mama ko.

Kaya sa harap niya, kilos babae ako. Mas maarte pa yata ako sa ibang babae eh.

Nag make-up na ako, I really am so good with these things. Tinuruan kasi kami ni mama kung ano-ano ang dapat gawin para mapaganda ang sarili namin.

Well, in my sister’s part is good, but to me it is awkward.

Maganda daw ako sabi ng mama ko, kaya dapat ipakita ko sa buong mundo. Eww! Like hindi ko gusto yun. Haha! Ang arte ko talaga. Nandiyan kasi si mama eh.

Pagkatapos kong magbihis at ayusin ang sarili ko lumabas na ako sa c.r

Naabutan ko naman ang dalawa na tulalang tulala. I understand these guys. Isang kahindik-hindik na sekreto ko ang nalaman nila.

*gulp* pano nalang kung ikalat nila na hindi ako tomboy?

Oh no! pagtatawanan ako ng mga kasama ko! Aalilain nila ako! Waaahh~~~

Ayoko nun!

>.<

“huwag na huwag niyong ipagsasabi sa iba kung ano ang nakita niyo ngayon, kundi lagot kayo sa akin” sabi ko sa kanila.

Yung mga itsura nila parang mga ewan.

Kulang nalang lumugwa yung mga mata sa pagtingin sa akin eh.

Alam ko, isang kagimbal-gimbal na tanawin ang nakikita nila ngayon. Pero may magagawa ba ako?

Emergency eh.

Umalis na ako sa harapan nila kasi nagmamadali talaga ako.

Ayaw pa naman ng mama ko na pinaghihintay siya. Patay talaga ako dito!
Paglabas ko timing merong taxi kaya sumakay agad ako.

Whew!


----


“hi mom~” bineso ko naman yung mama ko nung nakita ko siya.

Umupo ako sa harapan niya, tapos tiningnan yung mga food sa harapan namin.

Lahat to puro favorite niya.

“ay nako anak! Ang ganda-ganda mo talaga, mana ka sa mama mo” tumawa kami nun.

“uhmmm… mom? Kailan po kayo bumalik?” tanong ko habang kumukuha ng pagkain.

“mga last week lang. teka? Sa’n na pala yang boyfriend mo? Gusto ko siyang makita.” Ay oo nga pala. Sa maniwala kayo at sa hindi may boyfriend ako.

Bakit ko naging boyfriend yun? Kasi nerereto siya ni mama sa akin. At dahil ang kulit-kulit ni mama, kaya sinyota ko na si Gian.

Gian ang pangalan ng boyfriend ko. Officially kami talaga. Hindi nga lang niya alam na medyo boyish ako. Ayaw daw kasi niya sa mga ganung babae.

Kasi daw, kaya ginawa ang babae para maging babae hindi para maging lalake. Actually may point sya, pero hindi niya ako mapipigilan sa gusto ko.

Nanligaw ba sa akin si Gian? Oo naman. Ang laking pahirap nga ang inabot sa akin niyan. Balak ko talaga siyang hindi sagutin, all thanks to my mom. Naging kami -.-

Si Gian rin yung isa sa mga emergencies ko. Kasi nga hindi niya alam na nagdadamit lalake ako. Kaya kung natotopak yang si Gian, nag-aaya na makipag-date. Eh timing talaga na nasa skwelahan pa ako o di kaya may practice.

Kaya yun anytime and anywhere nag reready talaga ako ng maisusuot ko.

I am such a deceitful person.

“aahh si Gian po, wait lang tawagan ko po siya” denial ko naman ang number niya.

“hello Mocha? Napatawag ka?” yuck! Yan kasi ang gusto niyang tawagan namin eh. Mocha yung akin, Caramel yung kanya. Eww!! Tumitindig ang balahibo ko sa kanya.

“uhmmm.. Caramel, my mom’s back in the country gusto ka daw niyang makita”

“oh really, sure. San ba?” sinabi ko naman sa kanya kung nasan tapos binaba ko na yung phone ko.

“speaking of boyfriends. I’m so glad na nakilala ko na ang boyfriend ng ate mo” huh? Ate? Boyfriend? Ang pagkaka-alam ko, walang tunay na boyfriend ang ate ko.

Gaya ko, nagpapanggap si ate na may boyfriend siya sa kadalihanang kinukulit din siya ng mama ko.

“talaga po?” sabi ko habang sumusubo ng pagkain.

“oo! Ang gwapo pala ni Verzy, hindi mo sinasabi sa akin.” Verzy? As in Verzy Louis Vidal? Eh nemises yun ni ate eh.

Ano kayang nangyari at naging ‘boyfriend’ niya yun. Hmm…

“mocha!” napalingon naman ako sa tumawag sa akin. Eww! Gian! Yuck!

Bineso naman ni Gian si mama.

“long time no see po tita”

“ay nako! Long time no see din Gian. Ang gwapo mo parin.”

“thank you po” lumapit naman sa akin si Gian tapos hinalikan ako sa lips. Well, ritual na talaga niya yun.

“I miss you mocha” sabi niya tapos kinurot yung pisngi ko. Umupo naman siya sa tabi ko nun tapos umakbay sa akin para mapalapit ako sa kanya.

“hindi ba kayo madalas magkita?” tanong ni mama

“hindi ko na po kasi masyadong nayayaya si Alexis na makipag-date kasi nagiging busy ako sa school ko. Alam niyo na, malapit na rin akong gumraduate” nako! Everyday pini-pray ko talaga na maging busy ka!

“oo nga po ma eh… nakakatampo *pouts*” pero acting pa rin sa harapan ni mama.

“aww.. huwag ka na magtampo mocha. Don’t worry babawi ako” sabi niya tapos hinawakan ang chin ko tapos hinalikan ang cheeks ko.

Eww!! PDA masyado. Yuck! Yuck! Naku! Kung hindi lang talaga dahil sa mama ko, noon pa kita sinuntok.

“kung babawi ka gusto ko bigtime” yuck! Yuck! Yuck! Sana matapos nato please~~~

Nanririndi na ako sa mga ginagawa ko. Yuck! Waaaahh!!!

Nagkwentuhan lang kami nun habang kumakain. Eto naman si mama kung makapag chika wagas.

“oh yeah, did I already told you that I will be working here for three months?” medyo nabilaukan naman ako nun sa sinabi ni mama.

“hey~ ayos ka lang?” agad naman pinunasan ni Gian yung gilid ko. Tumango lang ako nun.

“three months?” tanong ko

“yeah” kinuwento ni mama na para daw yun sa pinagta-trabahuan niyang company. Mas nagulat ako na magiging teacher siya. Yung 1st month or so sa school siya ni ate, tapos yung susunod sa school ko naman.

“wow! Tita that’s good!” that’s good! That’s good ka diyan, eh kung sapukin kaya kita?

“uhmmm… excuse me. I’ll just go to the ladies room ok?” tumayo naman ako nun tapos iniwanan sila dun.

Napansin ko naman na may mga lalakeng nakatitig sa akin. Hmmm…

Pumasok na ako sa c.r tapos naghilamos.

Myghad! Problem to! Sa school ko pa talaga? Eh tomboy ako dun eh! Anong gagawin ko kung nandun ang mama ko! Naman! Shet! Shet! Shet! Shet! Shet!

Waaaaaaaaahhhh!! Kill me now! Kill me now!

Ayoko nito!
After kong mag medidate nag retouch na ako tapos lumabas na ng c.r

Nakukuwentuhan pa sila Gian at mama ko pagbalik ko nun. Ilang minutes pa, umalis na rin kami kasi kailangan na talagang umalis ni Gian.

Hinatid ako ni Gian sa bahay ko. De kotse tong mokong nato eh. Ang yaman kasi. Psh!

“Mocha, sorry talaga ha. Kailangan ko na talagang umalis. Don’t worry babawi talaga ako next time ok” sabi niya habang hawak-hawak ang dalawa kong kamay.

“hmmm… aral ka lang ng aral, kailan ba yan next time na yan *pouts*” artista mode ako ngayon eh. Kahit na gusto kong masuka sa pinagsasabi ko, tiis lang muna.

“malapit na. huwag ka na magtampo ok?” sabi niya tapos kiniss yung noo ko.

“o sige. Hindi na, ayoko namang maka distorbo sa pag-aaral mo eh. Kaya sige umalis ka na. ingat ka ha.” Sabi ko.

“ I love you” sabi ni Gian sa akin tapos hinalikan na niya ako. It was long kiss, and I don’t like it.

“bye” nag wave na ako kay Gian nung makapasok siya sa kotse niya.

“bye” tuluyan nang umalis ang kotse ni Gian. Now…

“hoy! Lumabas nga kayo diyan! Tago kayo ng tago, nakikita ko naman kayo” nagpakita naman ang dalawang mokong.
















And I’m right, Peter and Cloud are following me. 

No comments:

Post a Comment